Chapter 25

85 3 0
                                    

Chapter 25: Tug Of War?

Aesha Point Of View.
Asan na ba yun? Kanina pa ko paikot-ikot dito sa school kakahanap kay Axel pero wala... Di ko sya makita. Kahit sa tambayan ng Mythical 5 eh wala sya.

Umuwi ba sya? Dumeretso ako sa parking lot para tignan kong andun ang kotse nya. Nang makarating ako sa parking lot ay nandun naman ang kotse nya kaya sigurado akong nandito lang sya sa loob ng school.

Bigo na naman akong naglakad papunta sa main building para ikutin na naman sa pangalawang pagkakataon ang building para hanapin si Axel. Pasalamat sya at wala akong klase ngayon kaya malaya akong hanapin sya.

“Nasaan kana ba?” saad ko habang pilit sinisilip ang isang bintana para tignan kong nasa loob ba sya nun. Inilayo ko ang mukha ko sa bintana na walang Axel akong nakita.

Asan na ba kasi iyong mokong na iyon. Saan na naman sya pumunta at parang pinapahirapan nya ako na hanapin sya? Hindi naman nya siguro sinadya ito. Di naman nya siguro inutos kay ma'am ito.

“Hahhhh!” halos lumabas na ang lalamunan ko dahil sa pagsigaw ko dahil sa gulat.

“Shhh... Shut up” saad nito at tinakpan nya ang bibig ko gamit ang palad ng kamay nya. Gulat na gulat akong nakatingin doon. Sino ba naman kasing hindi sisigaw kong hindi hahawakan ka bigla sa braso mo.

“Nagulat ba kita?” tanong pa nito. Inalis ko ang kamay nya na nakatakip sa bibig ko. Asar ko naman syang tinignan.

“Hindi pa ba halata? Ano bang kailanga mo sa akin?!” saad ko habang may inis sa kanya. Pinulot ko ang brown envenlope na nabitawan ko kanina dahil sa gulat sa kanya.

“I'm sorry... Hindi ko naman intensyon na gulatin ka eh...” saad nya sa akin habang nakalagay ang kanyang kanang kamay sa batok nya.

“Ano bang kailangan mo?” tanong ko na naman sa kanya. Kanina ko pa kasi tinatanong sa kany yan ngunit hindi naman nya sinasagot eh.

“I just saw you... Sino ba kasi yang sinisilip mo dyan...” saad nya at tinuro pa ang bintana kung saan ako sumisilip sa kanina. Nang tinitignan ko kung andyan ba sa loob si Axel.

“None of you're business Mr. Yrus” saad ko at tinalikuran sya para mag lakad nang muli at hanapin si Axel nang maibigay ko na ang brown envelope na ito.

Nagulat ako nang may humila na naman sa braso ko. Gulat na gulat ako at hindi ko alam ang gagawin ko ng makita ko kung gaano kalapit ang mukha naming dalawa. Kaunting galaw nalang at mag didikit na ang labi namin.

“Ano bang problema mo!” saad ko at tinulak sya. Mabuti nalang at binitawan nya ako. Hindi ko sya tinignan habang sinasabi ko iyon.

“I'm sorry... Can i come with you? Hindi ko pa kasi alam ang pasikot-sikot dito” saad nya. Tumingin ako sa kanya. Seryoso ang nakita ko sa mga mata nya.

“Wala ka bang klase Mr. Yrus?” tanong ko sa kanya. Umiling naman sya sa akin. Wala na akong choice kundi ang isama sya sa pag hahanap kay Axel.

“Masyado namanng formal ang Mr. Yrus just call me Krizzer and you are?” saad nya habang sinusundan ako ng mag lakad ako.

“Aesha...” saad ko at tumingin-tingin na naman sa may bintana nag babakasakali na nandoon na si Axel. Pero bigo na naman ako kasi wala na naman sya don. Saan ba pumunta ang isang iyon?

“Sino ba hinahanap mo?” saad nya at sinabayan na nya ko ng lakad. Hindi ko lang sya sinagot at panay parin ang lingon ko para mahanap si Axel.

“Si Collins yun ah” saad nitong kasama ko kaya napalingon ako sa kanya. Tinignan ko kung saan sya nakatingin at ayun nga nakita ko si Axel may kasamang babae.

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Kde žijí příběhy. Začni objevovat