Chapter 23

85 2 0
                                    

Chapter 23: The Third Kiss And Picnic With Him

Aesha Point Of View
Bakit ba kasi kailangan ng ganito? Bakit may papiring piring pa syang nalalaman?! Piniringan nya kasi ako ng handkerchief hindi ko alam kung anong trip nitong lalakeng ito.

“May hagdanan pababa. Dalawang hakbang lang naman” bulong sa akin ni Axel. Naka alalay sya sa akin para hindi ako matumba pag nagkamali ako ng hakbang. Bahala sya dyang umalalay sa akin.

Sya naman ang may pakana nito eh. Bakit ba kailangan na may papiring-piring pa? Bahala sya dyan. Inahakbang ko dahan-dahan ang paa ko. Nang dalawang hakbang na ako ay nahakbang ko naman ito ng maayos.

“Surprise” saad nya at unti-unting inalis ang piring sa aking mga mata. Minulat ko naman ito ng dahan-dahan.

May isang matt na nakalatag sa ilalim ng punong mangga. May basket naman sa gilid nun. Yung basket na ginagamit pag mag pipicnic kayo. Napatingin naman ako kay Axel sakto namang nakatingin rin sya sa akin.

“Para saan to?” tanong ko sa kanya. Imbis na sagutin ako ay hinawakan nya ang kamay ko at hinila palapit sa picnic matt.

“We will have a picnic Aesha” saad nya sa akin. Naupo na sya sa matt kaya sumunod nalang din ako. Naupo ako sa tapat nya. Maganda dito sa lugar na ito. Mga bakanteng lote sila. Walang kabahay-bahay pero sa tingin ko gagawin itong subdivision.

“Axel... Sa tingin ko sa lugar na ito gagawing subdivision” saad ko kay Axel. Nilalabas na kasi nya yung mga pagkain na galing doon sa basket.

“You're right Aesha. Gagawin itong Subdivision. Isa ito sa proyekto ng HGOC o Hanazono Group Of Companies.” saad nya habang nilalabas ang dalawang maliit na plato sa basket.

Hanazono? Diba si Mark yun? Yung tropa nitong si Axel. Ang yayaman talaga nila tapos sa kanila itong loteng ito tapos gagawin din nilang subdivision.

“Hanazono? Diba Hanazono si Mark?” tanong ko kay Axel. Nakasandal na sya sa puno ng mangga na nasa likod nya at nakapikit pa. Mistulan syang natutulog sa lagay nya.

“Oo... Pero ang HGOC ay pinanghahawakan ng lolo nya. May sarili kasing company si Mark. In his young age nakapagtayo na sya ng sariling kompanya. Kaya sobrang proud ang lolo nya sa kanya. But his lolo's life is in danger now kaya sya ang humahawak sa HGOC pero kung nandito ang nakakabatang kapatid nya ang kapatid nya ang hahawak nang HGOC dahil sa kapatid nyang babae nakapangalan ang buong ari-arian ng Hanazono Clan.” saad nito sa akin. Medyo namangha ako kay Mark.

Sa edad nya na eighteen nakapagawa na sya ng sariling kompanya nya. Pero medyo nahiwagaan kasi ako sa sinabi ni Axel na kung nandito ang nakakabatang kapatid ni Mark ang kapatid nya ang hahawak sa Hanazono Group Of Companies.

Kung ganon nasaan ba ang kapatid nya? Kung nakakabata kay Mark edi maaring kasing edadan ko lang sya o mas bata pa sa akin. Di naman sinabi ni Axel kung ilang taon na yung nakakabatang kapatid ni Mark eh.

“Nasaan ba yung kapatid nya? Kung sya ang may karapatan na humawak ng Hanazono Group Of Companies bakit wala sya?” tanong ko sa kanya. Napamulat naman sya ng mga mata nya at umayos ng upo.

“Six years ago... Nangyare ang isang aksidente na hindi inaasahan ng pamilya nila Mark.  Dahil sa aksidenteng iyon namatay ang papa ni Mark. In the faith of god her mother was survive pero nacomatose naman ito and her sister was not found in the crime scene. We think that maybe she die when the car explode but walang nakitang katawan ng batang babae kaya hindi sumoko ang lolo ni Mark pati narin sya. They didn't think that her sister was dead hanggang wala raw katawan na nakikita. Anim na taon na ang nakalipas hanggang ngayon tumatakbo parin ang kasong iyon. Mark didn't stop finding her sister.” mahabang paliwanag nya sa akin. Hanga ako sa katatagan ng loob ni Mark dahil hindi sya sumoko hanggat hindi parin nakikita ang kapatid nya.

“Ilang taon na ba yung kapatid ni Mark?” tanong ko sa kanya. Inabot muna nya sa akin ang isang sandwich. Tinanggap ko naman iyon at agad na kinagatan.

“She was 17 years old. Katulad lang natin sya.” saad nito at kumagat din sa sandwich na hawak nya. Napatango naman ako. Ano kaya name nung kapatid nya maitanong nga kay Axel.

“Axel...” banggit ko sa pangalan nya. Humarap naman sya sa akin at ngumiti. “Ano bang pangalan ng kapatid nya?” tanong ko rito.

“Ahh... She's name was K—” hindi ko alam kung sinasadya ba ng tadhan ito. Malalaman ko na dapat ang pangalan ng kapatid ni Mark pero bigla naman tumunog ang phone ni Axel.

“Wait me here... Sasagutin ko lang ito” saad nito at tumayo. Lumayo sya kaunti sa akin. Nahiga ako sa matt at ramdam ko ang hangin na lumalapat sa katawan ko.

Napakanda ng lugar na ito. Siguro kong nagawan na ng mga bahay ito mas lalong gaganda ito. Ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang hangin.

Napaka presko nito sa katawan. Yung feeling na akala mo nasa isa kang paraiso at ninamnam mo ang bawat sandali... Bawat sandali na napakatahimik ng buhay mo.

Ididilat ko na dapat ang mga mata ko ng may maramdaman akong malambot na bagay na dumampi sa labi ko. Naidilat ko ng wala sa oras ang mga mata ko at ayon nakita ko si Axel na nakapikit habang mag kalapat ang mga labi naming dalawa.

Hindi ko alam ang gagawin ko kaya dali-dali ko syang tinulak. Nagulat naman sya sa ginawa kong pag tulak sa kanya kaya napalayo naman agad sya sa akin. Pag katapos ko syang maitulak ay naupo ako sa matt habang hawak hawak ang labi ko na hinagkan nya.

Hinagkan nya sa pangatlong pag kakataon. Napatingin ako sa kanya na tahimik lang na nakatayo sa likuran ko at nakatingin sa akin. Agad ko namang iniwas ang mga mata ko nang maalala ko na naman ang pag halik nya kanina lang.

Dinag dagan na naman nya ang sakit sa ulo ko. Hindi pa nga mawala wala sa isip ko ang sinabi nya sa akin nung sabado at ang halik na iginawad nya sa akin sa bahay nila na nakita ng nakakabata nyang kapatid na si Axeli.

Isa pa yung hinalikan nya ako ng mabilis nang ihatid nya ako sa bahay tapos ngayon hinagkan na naman nya ako. Nako naman Axel! Ang sakit mo sa ulo!

“Hindi ko sinasadya... I'm sorry natukso lang ako ng mga labi mo pero i will not deny that i want you're lips” saad nya. Kahit na hindi ko nakikita ang mukha nya sigurado ako na nakangisi sya sa mga oras na ito.

Manyak talaga! Nakaka asar na sya  ilang beses na nya ako nakuhaan ng halik. Ano bang nangyayare sa kanya parang kailan lang binubully nya pa ako kasama ang grupo nya tapos ngayon sobrang sweet nya.

Yung sweet na tipong nang hahalik na. Ang gulo mo talaga Axel Jae Collins! Ano ba talagang gusto mo!

It is because I Like You nga diba. Sabi nya nung sabado.

Shut up! Konsensya mas lalo mo lang pinagugulo ang isip ko dahil sa sinasabi mo. Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pinagpag ang palda ko. Nang humarap ako sa kanya ay hawak na nya ang isang sapatos ko.

Lumapit sya sa akin at lumuhod sa harapan ko. Hinawakan nya ang kaliwang paa ko at sinuot ang sapatos ko. Napahawak ako sa dibdib ko ng tumibok ito ng napakabilis. Eto na naman sya... Eto na naman ang puso ko na akala mo nakikipag karera sa bilis ng pag tibok nya.

Umangat ang tingin nya sa akin at ngumiti. Tumayo narin sya at hinawakan ang kamay ko kasabay ang pag hila nya sa akin. Speechless ako hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.

Parang bigla nalang nawala ang dila ko at di ko alam kung ano ang sasabihin ko. Sa sobrang kakaisip ko ay di ko napansin na nasa harap na pala kami ng kotse nya. Binuksan nya ang pintuan at hinintay ako na pumasok doon.

Pag kapasok ko ay syang pag ikot nya para pumasok sa loob ng driver seat. Pag sara nya ng pinto ay inayos ko na ang seatbelt ko. Nang maayos ito ay tumingin nalang ako sa may bintana ng kotse habang binabagtas namin ang daan pabalik ng AU.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: I hope you liked this chapter. Thank you for reading this story! And please vote and comment.

Saranghaeyo!!! 😍😍😍❤😍😍😍

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now