Chapter 29

82 4 0
                                    

Chapter 29: Meet Mark's Mother

Aesha Point Of View
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kong may text message ba na galing sa kanya. Pero na dismaya lang ako dahil wala paring text message na galing sa kanya.

To: Mark
Asaan kana? Kanina pa ko nag hihintay sayo dito.

-Sent

Pinatay ko ang cellphone ko at binalik ulit sa sling bag ko. Inaliw ko muna ang sarili ko sa pag tingin dito sa park. Dito kasi namin napag usapan ni Mark na mag kita. May gusto daw syang sabihin sa akin.

Tumayo ako ng may makita akong ice cream vendor kaya lumapit ako doon. May nakita akong isang bata na umiiyak malapit sa ice cream vendor kaya bago ako lumapit ng tuluyan sa nag bebenta ang ice cream ay sa bata muna ako lumapit.

“Bakit ka umiiyak?” tanong ko sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at yumakap. Nag taka naman ako pero niyakap ko nalang pabalik ang bata.

“L-lola...” saad nito habang umiiyak. Hiniwalay ko sya sa pag kakayakap sa akin at kinuha ko ang panyo ko sa loob ng sling bag ko. Pinunasan ko ang luha nya.

“Asaan ang Lola mo? Shhh... Wag ka ng umiyak tutulungan kita na hanapin ang lola mo” saad ko dito na syang ikinatahan nya. Tumayo naman ako at hinawakan ko ang kamay nya at lumapit sa ice cream vendor.

“Manong dalawang ice cream ng po” saad ko sa kanya. Binuksan kong muli ang sling bag ko at kinuha ang wallet ko. Nilabas ko ang singkwenta pesos at inabot kay Manong.

“Salamat po” saad ko at kinuha ang dalawang ice cream at yung sukli ko. Inaayos ko naman ang pag kakalagay ng wallet ko sa sling bag ko. Humarap naman ako sa bata at umupo ako para mapantayan sya.

“Eto oh... Kainin mo muna tapos hahanapin na natin ang lola mo” saad ko at inabot sa kanya ang ice cream. Kinuha nya ito at humawak ng mahigpit sa kamay ko. Nag lakad kami para mahanap kung nasaaan ang lola nitong batang ito.

Nag lakad kami papunta sa may bench para maupo. Kanina pa kasi kami paikot-ikot dito sa may park. Naubos ko na nga ang ice cream na kinakain ko pati narin dito sa batang babaeng kasama ko. Inupo ko sya sa may bench at pinunasan ang ice cream sa bibig nito.

“Ano nga palang pangalan mo?” tanong ko sa kanya. Tingin ko mga nasa 5-6 years old ang edad nitong batang ito.

“ Risha... Risha Kae Song yeah that's my name” saad nito habang nakangiti sa akin.

“Risha... Ang cute ng name mo parang ikaw” saad ko at naupo na sa tabi nya. Pinaikot ko ang tingin ko. Nakita kong tunatakbo palapit sa pwesto namin si Mark. Mabuti naman at kanina pa ako nag hihintay sa kanya.

“Bakit ngayon ka lang kanina pa ako nag hihintay sayo?” tanong ko at tumayo.

“Sorry Aesha” saad nya sa akin. Tumingin sya sa batang kasama ko. Bumaba naman si Risha sa may bench at yumakap sa mga biniti ni Mark.

“Tito...” saad ni Risha. Nagulat naman ako. Tito? Ibig sabihin pamangkin nya ang batang ito. Umupo naman si Mark para mapantayan si Risha. Kinuha nya ito at binuhat.

“Risha kung saan-saan ka pumupunta alam mo ba nag aalala na ang halmeoni mo?” saad nito kay Risha. Yumuko lang ang bata at yumakap sa kanya.

“I'm sorry tito... Where's halmeoni?” tanong nito habang nakayakap parin kay Mark at buhat-buhat nya ito.

“Son! Nakita mo na ba si Risha?” saad ng isang boses at nag mamadaling lumapit sa pwesto namin ni Mark.

“My ghod Risha! Saan ka ba pumunta nag aalala si Lola sayo” saad nang babae tinignan ko sya Lola? Hindi halata mukha nga syang bata eh. Aakalain mo nga lang na matanda lang sya sa amin ni Mark ng mga dalawang taon eh.

Kinuha nya si Risha kay Mark at binuhat nya ito. Yakap na yakap si Risha sa lola na sinasabi ni Mark. Nakatingin lang ako sa kanila at napangiti. Napalingon naman bigla sa akin ang babaeng may karga kay Risha pati narin si Mark.

“Uhmm Mom This is Aesha sya ang nakakita kay Risha at kaibigan ko rin sya” pakilala ni Mark. Mama nya ito?

“Hi iha salamat at ikaw ang nakakita sa apo ko” saad nito at nakipag beso sa akin. Titig na titig lang ako sa mama ni Mark hindi ko alam kung bakit. May kanta kasing umiikot sa isip ko at yung boses na nasa isip ko boses ng mama ni Mark.

“May problema ba iha?” napailing lang ako sa sinabi ng mama nya.

“Wala po... May bigla lang po akong naisip. Ang ganda nyo po mukha lang po kayong mag kapatid ni Mark” saad ko sa kanya na syang ikinangiti nya. Pamilyar talaga sya sa akin. Para bang kilalang-kilala ko ang mga ngiting iyon.

“Salamat iha... Ikaw ang ganda mo ” saad nito sa akin.

“Totoo po bang apo nyo na po si Risha hindi po kasi ako makapaniwala. Ang bata nyo pa pong tignan eh...” saad ko habang tinitignan si Risha na nakatulog na habang karga-karga ng mom ni Mark.

“Hahah oo apo ko na sya. Apo ko sya sa panganay na anak ko. Ang ate ni Mark ngunit maaga syang kinuha sa amin. Pag panganak nya kay Risha binawian narin sya ng buhay. Anim na taon na si Risha... Kasabay ng aksidente sa pamilya namin ay ang pagkawala rin ng ate ni Mark.” saad nya na gamit ang malungkot na boses.

May lumpit na yaya sa amin at kinuha si Risha. Pag ka alis ng yaya ay agad akong lumapit sa mama ni Mark at niyakap ito. Sa una nagulat pa sya sa ginawa ko pero sinuklian nalang din nya ang yakap ko.

“Kaya nyo po yan... Nandyan pa po naman si Mark at andyan pa po ang apo nyo...” saad ko habang nakayakap sa kanya.

“Salamat iha...” saad nya kaya humiwalay na ako sa yakap. Pati yakap nya pamilyar na pamilyar sa akin. Hindi ko alam kung bakit gusto ko pang yumakap ulit sa kanya para bang sabik na sabik ako sa yakap na iyon. Hindi ko alam kung bakit.

“Alam ko iha... Hindi ako pwedeng panghinaan ng loob dahil kailangan pa namin hanapin ang nawawalang kapatid ni Mark. Si Ka—”

“Ma'am Sir!” napalingon kami sa babaeng tumatakbo palapit sa amin. Sya yung yaya na kumuha kay Risha kanina.

“Bakit Selda?” tanong nang mom ni Mark.

“Si Risha po! Gumising po sya tapos bigla nalang nawalan ng malay akala ko po nakatulog lang ulit pero ginigising ko po ayaw na pong gumising” nag mamadaling saad nito sa amin na syang ikinagulat namin.

“Ano? Halikana dalhin natin ang apo ko sa hospital!” saad nito at nauna nang mag lakad kasama si Aling Selda.

“Gusto mo sumama Aesha?” tanong sa akin ni Mark. Tumango naman ako kaya nag lakad kami ng mabilis patungo sa kotse nya.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: If you reading this story thank you very much. I appreciate that but i appreciate more if you will vote and comment. Thank you! Please continue reading and support this story! 

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now