Chapter 20

84 3 0
                                    

Chapter 20: Transformation

Aesha Point Of View
Monday na ngayon ibig sabihin balik skwela na naman. Sa isang araw na nagdaan walang ginawa si Rhea kundi ang kulitin ako at pilitin na nag kiss daw talaga kami ni Axel.

Oo hanggang ngayon hindi parin sya move on sa topic na iyon. Akala ko makakatakas na ako sa kanya ngayong araw dahil may pasok na pero hindi parin pala. Nalaman ko kasi kahapon na nag transfer sya sa  Azian University.

Kaya wala na akong takas sa kanya. Pati nga rin si Ace nag transfer narin sa school. Si Kuya at Mama naka uwi narin kahapon dito. Di nga dapat ako papasok ngayon dahil mas gusto ko na bantayan silang dalawa para sa full recovery nilang dalawa.

Ngalang kumuha si kuya ng isang yaya para makapag bantay sa kanila ayaw daw kasi nila na mag absent ako sa school. Kaya ito ako ngayon inaayos ko na ang uniform ko para makapasok na ko sa school.

Lumapit ako sa may side table at binuksan ang isang lalagyan dun. Kinuha ko ang eyeglasses ko na wala namang grado. Mahaba ang palda ko at may kaluwagan ang blouse ko. Tinali ko na pa braid ang buhok ko na hanggang bewang ko na pala ang haba.

Nang matapos na ko ayusan ang sarili ko ay kinuha ko na ang sapatos ko. Sinuot ko na ito agad at kinuha ang bag ko. Pag katapos ay lumabas na ako ng kwarto at dali-daling bumaba.

Nakiusap pa nga si Rhea kay mama kahapon na dito muna sya tutuloy kasi wala naman daw siyang kasama sa condo nya pumayag naman si mama kasi may isa pa naman daw na kwarto. Si kuya at Ace ay mag kasama lang ng kwarto.

Kahapon nga pag uwi nila ay nakatikim nang batok si Ace kay Kuya dahil nadatnan nito na sobrang kalat ang kwarto nya. Dumertso ako sa kusina at nandoon na nga sila lahat mukhang ako nalang ang hinihintay nila.

“Good Morning ma... Good morning sa inyo” saad ko at nagkiss kay mama. Nakipag beso narin ako kay Rhea kahit na sa una ay hindi ako sanay. Sabi kasi ni Rhea yun daw ang latest na batian ng dalawang mag kaibigan.

Hindi ko alam dyan kay Rhea sumusunod kasi sya sa uso eh. Nagulat si Ace at Kuya nang makita akong nakasalamin ulit.

“Okay na yung itsura mo na walang salamin bakit nag suot ka ulit?” tanong ni Kuya. Umiling lang ako at naupo na sa tabi ni Rhea. Kinuha ko agad ang sandwich at kinagatan ito agad.

“ Pabayaan mo nalang sya Tyron...”  saad naman ni Ace habang puno ang kanyang bibig ng pagkain. Yackkk!!!!

“Halikana Aesha... Una na tayong umalis” saad ni Rhea at tumayo. Hinila nya ako kaya napilitan akong tangayin ang dalawang sandwich sa ibabaw ng lamesa.

“Bakit kaba nag mamadali Rhea... 6:30 palang namam mamayang 8:30 pa ang umpisa ng klase natin” saad ko sa kanya habang nag papatangay parin ako sa kanya. Nasabi na nya kasi kung anong section nya at mag kasama kami doon.

Mag kaklase kaming dalawa kaya sobrang tuwa nito ng malaman nya na Section A rin sya. Wala na talaga akong takas sa kanya. Sigurado akong mas lala ang kakulitan nito kapag nakita nya si Axel.

Mag kaklase kami ni Axel pero minsan lang sya pumasok. Kadalasan syang nag ditch ng class o kaya nakatambay sa tamabayan ng Mythical 5.  Mukha ngang dalawa sa isang linggo lang iyon pumasok at sana hindi na muna sya pumasok ngayon.

Dahil sa magiging awkward lang ako sa kanya kapag magkita kami dahil sa nangyare nung Sabado tapos nandito pa si Rhea sigurado akong mang aasar lang ito kapag nakita na nya si Axel.

Pag kalabas namin ng bahay ay nag lakad na kami palabas ng subdivisions at nag para agad-agad ng taxi. Nang pumara ang taxi ay agad nya akong hinila papasok sa loob. Pag pasok namin ay nag salita naman agad ako.

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now