Chapter 12

89 6 0
                                    

Chapter 12: SORRY and Bully

Ace Point Of View
Kinabahan ako dahil sa tinanong ni Aesha kanina. Naka alis na sya ng bahay pinakatitigan ko ang picture na tinutokoy nya. Tama sya at hindi namamalikmata dahil hindi naman ako o ang kuya Tyron nya ang kasama nya sa litratong ito.

Alam ko na nag sisinungaling na ako sa kanya. Pero wala akong karapatan na sabihin sa kanya ang mga nalalaman ko at mas gusto ko na wag na nyang malaman pa na hindi na sya mawala sa amin.

Natatakot ako na sa oras na malaman nya ay magalit at mawala sya sa akin. Ayaw kong mangyare yun. Kaya pipigilan ko na malaman nya ang lahat. Kahit na alam kong mali na ito. Kahit na kinukuhaan namin sya nang karapatan nya na malaman ang totoo... Ang totoong pag katao at pinag mulan nya.

Alam ko na ito narin naman ang gusto ni tita at ni Tyron alam kong ayaw nila na mawala si Aesha sa kanila kaya kahit sila ayaw nila na sabihin kay Aesha. Kaya ako kahit na masakit itatago ko ang katotohanan sa kanya.

Dahil iyon ang tanging paraan para hindi sya mawala sa akin... Sa amin... Mahal na mahal namin sya at di namin kakayanin na mawala sya at hanapin nya ang katotohanan.

Pinakatititgan ko ang litrato na hawak ko. Lumabas ako ng bahay at dumeretso sa likod nito. May drum doon kaya kinuha ko ang lighter sa bulsa ng pantalon ko at sinindihan ang litrato at tinapon sa drum. Hinintay ko muna na maging abo na ang litrato bago ko ito iwan. Nang maging abo na ay pumasok na ako ng bahay.

Aesha Point Of View
Nag lalakad na ako papasok sa room ko. Alam ko na uumpishan na naman nila ang pag papahirap sa akin pero parang wala lang aa akin iyon. Dahil lumulutaw parin sa isipan ko ang litrato kanina.

Alam ko na kahit hindi ko iyon nakita ng maayos sigurado ako na hindi si Ce o si kuya Tyron ang lalakeng kasama ko sa litrato. Kahit na sideview lang ang nakita ko alam ko at sigurado ako. Hindi ako namamalikmata pero...

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa iniisip ko. Lumiko na ako ng dadaanan ko ilang hakbang nalang at malapit na ako sa room namin. Alam ko isang impyerno ang pag pasok ko sa eskwelahan araw-araw. Kung maibabalik ko lang ang oras sana di ko nalang sinagot ng ganon yung Axel nayun.

Di sana hindi nila ako pinahihirapan at binubully ng ganito pero anong magagawa ko. Syempre nasagot ko sya ng ganon dahil narin sa pag iisip ko kay mama. Hindi narin ako nakapag tiis at sinagot ko nalang sya ng ganon.

At eto ang parusa ko ang bullyhin at pahirapan araw-araw. Kahit na sanay na ako hindi ko parin mapag kakaila na nasasaktan ako dahil sa ginagawa nila. Wala akong kakampi sa eskwelahan na ito. Wala akong kaibigan...

Huminto ako ng lakad isang room nalang kasi bago ang room ko at natatakot ako na baka may patibong na nakahanda para sa akin. Malay mo may timba ng tubig sa taas ng pintuan at kapag tinulak ko ay mabubuhos nalang sa akin. Malay ko rin may oil na nilagay sa pintuan para madulas ako.

Huminga ako ng malalim at inalis ang mga bagay na gumugulo sa isip ko. Nag simula akong mag lakad palapit sa tapat ng pintuan ng room namin. Nakapasok namn ako ng matiwasay walang patibong na nag hihintay sa akin na syang ikinahinga ko ng maluwag.

Hindi ako pinansin ng mga kaklase ko kahit na si Jane na alam kong nangunguna pa sa kalokohan nya na pahirapan at bullyhin ako na syang ikinataka ko. Parang wala lang ako sa kanila na parang hindi ako nag eexist sa lugar na ito. Hanggang sa dumating si Professor Choi at nag turo agad. Maaga sya ng dismiss mukhang hindi maganda ang pakiramdam nya.

“Aesha sorry pala sa ginawa ko sayo dati... Nag sisisi na talaga ako" nagulat ako dahil sa sinabing iyon ni Jane. Nakatayo sya sa harap ko.  Nag tataka naman akong nakatingin sa kanya na parang hindi makapaniwala sa sinabi nya.

“Alam ko na mahirap paniwalaan pero nag sisisi talaga ako" saad nya pa at hinawakan ang mga kamay ko.

“Totoo to... Na realize ko na kung paano ka nahihirapan sa tuwing ikaw ang pinag titripan namin pasensya ka na talaga" saad nya. Napatayo naman ako dahil sa sinabi nya at nagulat ako dahil sa ginawa nya. Hinaplos nya pa ang likod ko na parang pinapatahan ako.

Humiwalay naman sya sa akin at ngumiti bago umalis sa pwesto ko. Ilang saglit at nag ring na bilang recess kaya lumabas na ako ng room para bumili ng juice. Sandwich lang naman ang meron ako wala akong maiinom.

Nag taka ako nang may babaeng lumapit sa akin at sinulatan ako sa braso. Napalayo naman ako sa kanya. Na taka na ako ng may lalake pang lumapit sa akin at sinulatan rin ako. Pero umiwas ako kaya sa damit ko ito tumama.

Nagulat ako ng umamba sila lahat na sulatan ako kaya tumakbo ako ng mabilis upang matakasan sila. Pero hindi sila tumigil at hinabol parin nila ako. Nagtago ako isa sa mga rooms na hindi na ginafamit. Punong puno ang damit ko ng mga tinta ng ballpen, color pen at iba pang panulat.

Kahit ang pisnge ko may sulat rin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at umiyak nalang. Ano bang kasalan ko sa kanila at bakit nila ginagawa sa akin ngayon ito. Bakit nila ako sinusulatan at tuwang-tuwa pa sila habang ginagawa sa akin iyon.

Ang Mythical 5 ba ang nag utos sa kanila na gawin sa akin ito. Napaiyak pa ako lalo dahil sa naisip ko. Hindi naman pala totoo yung sinabi ni Mark na kapag sumobra si Axel ay ipag tatanggol nya ako pero asan sya ngayon? Ngayong nahihirapan ako.

Medyo may naramdaman akong hapdi sa likod ko kaya hinawakan ko ito pero imbes na sugat ang maramdaman ko isang papel na medyo nakadikit sa damit ko ang nahawakan ko.

Binasa ko ang nakasulat at mas lalo lang tumulo ang mga luha ko dahil sa nabasa ko. Si Jane... Si Jane ang may gawa kung bakit ako pinag susulatan ng mga estudyante at hinabol pa nila ako.

Hindi totoo ang pag hingi nya ng tawad kanina. Plano nya iyon para mailagay ng maayos ang papel sa likod ko. Na hindi ako nag tataka at nag hihinala. Binasa ko ulit ang nakasulat sa papel.

“Hey! Sulatan nyo ko isa lang nama akong basura!"

Basura? Basura nga pala para sa kanila ang isang katulad ko. Isa lang akong basura para sa kanila. Isang nerd na walang kwenta. Nalukot ko ang papel na hawak ko at binato kung saan. Pinunasan ko ang mga luha kong patuloy paring umaagos.

Dahan-dahan akong tumayo. Sumilip muna ako saglit sa pintuan baka may estudyante na nag aabang sa akin. Nang wala akong makita ay lumabas na ako. Patakbo akong umalis ng lugar na pinang galingan ko.

Nakita na ako ng ibang estudyante pero hindi ko sila pinansin at mas binilisan ko ang pag takbo palabas ng school nang malayo na ako ay hindi parin ako tumigil sa pag takbo ng mabilis. Hindi muna ako uuwi dahil alam kong magagalit si Ce kapag nakita nya ako sa ganitong ayos baka makarating pa kay Kuya Tyron. Pero hindi ko alam kung saan ako pupunta. Di ko alam kung kailan ako titigil sa pag takbo pero...

Isang palapit na kotse ang nag patigil sa akin. Huminto ako sa pag takbo at ipinikit ko ang mga mata ko at hinintay ang pag tama ng kotse sa katawan ko. Mahal na mahal kita mama tandaan mo yan kahit na wala na ako mamahalin parin kita ng patuloy.

Nanghina ang mga tuhod ko ng buksan ko ang mga mata ko nakatigil lang sa harap ko ang kotse. Napaluhod ako dahil dun akala ko talagang mamatay na ako. Akala ko ito na ang huling araw ko sa mundo. Nakayuko akong nag habol ng hininga ang bilos ng tibok ng puso ko at hindi ko na naman napigilan ang pag tulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Narinig ko ang pag bukas ng pinto ng taong nag mamay ari ng kotse. Tinaas ko ang mukha ko para makita kung sino sya. Gusto ko humingi ng tawad dahil sa istorbo na nagawa ko. Baka may mahalagang lakad ang tao na ito at nang dahil sa akin naipit pa sya sa sitwasyon na ito.

“Aesha? What happen to you?" nag tatakang tanong ng taong kaharap ko pero. Dahil sa luhang patuloy na tumutulo sa aking mga mata at ang malaking salamin ko ay hindi ko makita kung sino ang taong nasa harapan ko.

“Damn it! Wala pa akong utos na saktan o pahirapan ka ngayong araw!" saad nito. Hindi ko alam ang gagawin ko ng bigla nya akong buhatin. Hindi na ako nakapalag dahil narin sa pagod at panghihina ng katawan ko.

Nang mailapag nya ako sa loob ng kotse ay nakatulog na ako at hindi ko parin alam kung sino at saan ako dadalhin ng taong yun.

~~~~~~~~~~~~~~~~
I hope you enjoy. Please vote and comment

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now