Chapter 22

75 3 0
                                    

Chapter 22: Is this Love?

Aesha Point Of View
Nasa 2nd Period na kami ngayon ni Rhea. Mabuti na nga lang at hindi namin kaklase si Axel sa subject na ito. Pero si Ellen ay kaklase namin. Hindi ko nga lang alam kung naikwento ni Axel yun.

Pero posibleng ikinewento nya kasi mag kakaibigan sila eh. Tropa sila kaya posible. Kanina ko pa nga napapansin yang si Ellen eh... Kanina pa yan lingon ng lingon dito sa pwesto namin ni Rhea.

Eto namang katabi ko kinikilig. Nasabi na rin kasi sa akin ni Rhea na si Ellen ang crush nya sa Mythical 5. Kaya itong isa kilig na kilig kasi nililingon daw sya ni Crush nya. Sabi pa nga nya hindi daw nya ipapahalata na kinikilig sya.

Pero sa ginagawa nya halata na sya. Ang likot nya kasi sa upuan nya hindi sya mapakali tapos yung dalawang pisnge nya pulang-pula pa. Oh diba hindi sya nahalata na kinikilig?

“Class Dismiss the faculty members have a urgent meeting you will be free 2 hours.” Saad ni ma'am naghiyawan naman ang mga kaklase ko. Agad naman silang pinatahimik ni ma'am.

Inayos ko ang gamit ko ganun din si Rhea. Isinabit ko na ang bag ko sa balikat ko at tumayo. Nang tumayo ako ay tumayo narin si Rhea. Palabas na dapat kami ng room ng tumigil sa pag lalakad si Rhea kaya napatigil narin ako.

“Uhhmm... What do you need?” saad ni Rhea sa taong kausap nya. Hindi ko kasi nakita kasi nakalabas na ako ng room. Humakbang ulit ako papasok at doon ko nakita kung sino ang kausap nya.

“I just want to know you more. Can you give me you're cellphone number?” saad ni Ellen sa kanya. Kita ko sa kinatatayuan ko kung gaano na kapula ang magkabilaang pisnge ni Rhea. Syempre ikaw pa ba lapitan ka ng crush mo di ka kikiligin?

“Ahh... Okay” saad ni Rhea at nilahad nya ang kamay nya sa harapan nito. Nakangiti naman nanilabas ni Ellen ang cellphone nya at inabot kay Rhea. Agad namang kinalikot iyon ni Rhea at inabot kay Ellen.

“I have to go... Bye Ellen” saad nya at tumakbo palapit sa akin. Kumapit agad sya sa braso ko at hinila ako palabas ng room namin. Habang nag lalakad kami ay ang laki ng ngiti ni Rhea na akala mo nanalo ng milyon sa lotto.

“Oh my ghod! Hiningi nya number ko. Hinigi ni crush number ko!” saad nya at sumisigaw sigaw pa. Napailing nalang ako sa kanya. Pero agad naman napatigil si Rhea sa kakatalon ng may lalakeng huminto sa harap namin.

“So can we talk now?” napatingin naman ako kay Rhea. Ngumiti pa sya ng nakakaloko at bahagya akong tinulak papalapit kay Axel.

“Paano ka? Di mo pa alam ang pasikot-sikot dito sa school” saad ko kay Rhea. Trying to escape from Axel.

“Don't worry Aesha. Yuri and Trein can assist you're friend. Don't try to escape from me” saad sa akin ni Axel. Napapikit nalag ako mukhang hindi na ako makakatakbo pa palayo sa kanya.

“Is she Aesha? Woah i dont recognize her bro” saad ni Trein habang gulat na gulat na nakatingin sa akin. Nakaturo din ang isa nyang daliri sa akin.

“Yeah. So we have to go...” saad ni Axel sa mga kaibigan nya. Hinawakan nya ako sa braso at hinila palayo sa kanila. Pero nagawa ko parin mag wave kay Rhea.

“Saan ba tayo mag uusap? Pwede namang sa field ah?” asar kong saad kay Axel dahil pilit ko binabawi ang kamay ko pero ayaw nyang bitawan iyon.

“No i don't want there. Syaka may two hours tayong vacant.” saad nya habang hinihila parin ako. Marami naring mga estudyante ang napapatingin sa amin. Kahit si Ace napatingin sa amin pero hindi nya yata ako nakilala.

“Wag mong sabihin na lalabas tayo ng school?” gulat kong saad ng makita ko na ang daan na tinatahak namin ay papunta sa parking lot ng school kung nasaan ang kotse nya.

“Yes... We will going outside” saad nya. May kinuha sya sa bulsa nya at pinindot. Tumunog naman ang limousine na puti. Iyon siguro ang kotse nya. Agad syang lumapit doon at binuksan ang pinto sa tabi ng driver seat.

“Pasok” saad nya. Wala na akong nagawa kung hindi ang pumasok sa loob. Iba na naman ang gamit nyang kotse sa gamit nya nung Sabado nang ihatid nya ako pauwi. Mayayaman nga naman papalit palit ng kotse.

Nang masara nya ang pintuan sa side ko ay agad syang umikot. Sumakay agad sya sa Driver Seat akala ko paandarin na nya ang kotse nang lumapit sya sa akin. Gulat akong napatingin sa kanya. As in ang lapit maling galaw mo lang mag lalapat na ang mga labi namin.

Nakangisi pa sya habang ako ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Mukhang may sakit na yata ako sa puso eh. Naramdaman ko na inayos nya ang seatbelt. Nakahinga ako ng maayos ng lumayo sya sa akin ng maayos nya ang pag kakabit ng seatbelt sa akin.

“Saan tayo pupunta?” saad ko. Nakita ko sa peripheral vision ko na inaayos na rin nya ang seat belt nya. Nang maayos nya ay hinawakan na nya ang manibela at pinaandar ang kotse.

“Surprise” saad nya at tumingin saglit sa akin at ngumisi. Inirapan ko lang sya at humarap nalang sa may bintana ng kotse at tinignan ang mga nadadaanan namin.

Nakalabas na kami ng school at hindi ko parin alam hanggang ngayon kong saan nya ako dadalhin. Tahimik lang kaming dalawa hanggang sa pinaandar nya ang radio ng kotse. Isa sa mga paborito kong kanta ang tumogtog.

🎤🎤Naalala ko pa nung nililigawan palamang kita dadalaw tuwing gabi...,🎤🎤

🎤🎤Masilayan lamang ang iyong mga ngiti at ika'y sasabihan bukas ng alas-syete sa dating tagpuan buo ang araw ko...🎤🎤

🎤🎤Marinig ko lamang mga himig mo hindi ko man alam kung nasan ka wala man tayong komunikasyon mag hihintay sayo buong mag damag dahil ikaw ang buhay ko ohhh... 🎤🎤

Nasa kalagitnaan na ang kanta ng kantahin ito ni Axel. Hindi ko alam maganda pala ang boses nya. Hindi halata sa itsura nya na mala astig.

“Kung inaakala mo ang pag ibig ko'y mababago itaga mo sa bato dumaan man ang maraming pasko kahit na hindi mo na abot ang sahig, kahit na hindi mo na ko marinig ikaw parin ang buhay ko...” kanta nya at tumingin sa akin. Napaiwas naman ako ng tingin at pinatay ang radio.

“Bakit mo naman pintay? You didn't wat the song?” tanong nya. Umiling lang ako. Kaya ko naman kasi pinatay ang kanta kasi yung puso ko ang bilis ng tibok nya.

Habang kumaanta si Axel kaya pinatay ko nalang. Bweset kasi itong puso ko hindi ko sya maintindihan. Bakit nalang tuwing andyan sya ang bilis ng tibok ng puso ko?

Ito na nga ba ang sinasabi nilang Love?

Is this Love?

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: I hope you liked this chapter. Please vote and comment. Thankyou for the one who add this story in you're reading list. Thankyou a lot!

Kamsahamnida! 😃😃😃
Saranghaeyo!!! 😘😘😍😍❤❤❤

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now