Chapter 32

240 12 11
                                    

Chapter 32: The Friendship

Aesha Point Of View
Nakatingin parin ako sa kanya hanggang ngayon. Hindi parin ako makapaniwala na ako si Kasashi na ang mga Hanazono ang totoong pamilya ko. Pinakatitigan ko sya at totoo nga may pag kakahawig kaming dalawa.

Ang mga mapupungay naming mga mata. Ang mga labi naming mapupula. Hindi na kailangan ng mga kolerete sa mukha para pumula ang nga lips namin. Mag kapatid nga kami bakit hindi ko napansin agad. Pero ang puso ko kilala sya kahit na ang isip ko hindi sya ma alala.

“Where's the relative of the patient?” napatayo naman agad kami ni Mark ng lumabas ang doctor mula sa loob ng Operaring Room.

“Me... Ako ang pamangkin nya kamusta na sya doc?” agad kong tanong sa doctor.

“Maayos ang operasyon pero comatose sya. Akala nga namin ay namatay na sya sa kalagitnaan ng operasyon pero lumaban sya. Ililipat na namin sya sa private room. Now i excuse myself.” saad nito at muling pumasok sa loob ng Operating Room.

Nakahinga naman ako ng maluwag kasi ligtas na si tito pero comatose parin sya. Napatingin naman ako kay Mark na nasa tabi ko. Hindi parin kasi ako sanay na tawagin syang kuya dahil hindi pa naman bumabalik ang mga ala-ala ko.

“Mark? Sabihin mo nga kilala mo na ba ang mga Marquez noon pa?” tanong ko sa kanya.

“Huwag tayo dito mag usap. Halika pumunta tayo sa bahay si mama ang mag sasabi sayo” saad nya. Tumango naman ako kaya sumunod na ako sa kanya ng lumabas sya sa hospital.

“Si tito? Paano sya? Alam kong sinadya ang pag babaril sa kanya ng pinag uusapan namin ang totoong pag katao ko” saad ko ng nasa harapan na kami ng kotse nya.

“Wag kang mag alala kumuha na ako ng mga securities para pabantayan si Mr. Drei. Kailangan mong malaman ang katotohanan Kasashi” saad nya at pinag buksan pa ako ng pintuan ng kotse nya. Pumasok naman ako doon.
Sinara nya ang pintuan ng kotse kaya inayos ko na ang seatbelt ko pag tingin ko sa harap ay sya   ring pag bukas nya ng kotse sa Driver seat. Pumasok sya at inayos rin ang seat belt nya at agad na pinaandar ang kotse.

Tahimik lang kami buong byahe hanggang sa makarating kami sa bahay nila. Hindi lang bahay ito Mansion na ito sa sobrang laki ngayon lang naman ako nakapunta dito sa bahay nya.

“Eto ba ang bahay nyo?” nag tatakang tanong ko ng makapasok kami sa loob at pinarada nya ang kotse sa mga nakahilerang kotse. Hindi ko na hinintay na pag buksan nya ako ng kotse ako na mismo ang nag kusang mag bukas nito at agad naman akong lumabas.

“Handa ka na bang malaman ang katotohanan?” tanong nya sa akin. Ngumiti lang ako ng pilit at tumango. Nauna sya pumasok at sumunod ako sa kanya.

“Ma” saad ni Mark. Napalingon naman ang mama nya at binitawan ang brown envelope na hawak nya at agad na tumakbo palapit sa akin. Niyakap nya ako agad ng makalapit sya sa akin.

“Ka-kasashi my ghod... Tama ang hinala ko ikaw nga ang anak ko...” saad nito. Napaluha nalang din ako at niyakap ko sya pabalik. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong yakap. Ramdam ko sa yakap na ito ang pangungulila nya sa anak nya at ang buong pag mamahal nya sa akin.

Kay mama hindi ko ito naramdaman kahit na palagi nya akong niyayakap. Kahit na palagi nya akong niyayakap kapag sinasabi nya na sobra ang pag aalala nya sa akin at kung gaano nya ako kamahal. Hindi ganitong yakap ang naramdaman ko sa kanya. Ibang-iba ito.

“E-eumma” saad ko habang nakayakap parin sa kanya at umiiyak. Hindi ko alam kung anong salita ang kusa nalang na lumabas sa aking bibig. Pamilyar sa akin ang salitang binaggit ko iyon ang salitang minsan ko na napanaginipan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 18, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now