Chapter 11

90 6 0
                                    

Chapter 11: Doctor Ace and The Picture

Aesha Point Of View
Masakit parin ang buo kong katawan dahil sa pagkawala ko ng malay. Andito nako sa bahay inaasikaso ni Ace. Hindi kasi mawala yung mga bata na lumitaw sa isip ko. Kasashi? Who are that little girl? Ako bayun? Imposible Aesha ang pangalan ko hindi Kasashi. Shit! Ang sakit sa ulo. Napatingin ako sa pinto ng magbukas ito.

"Aesha kumain ka muna nang makapasok kana bukas. Baka magalit sakin si Tyron kapag nalaman nya na nagkasakit ka pala." Nilapag nya ang soup sa side table ko. Tinignan ko ito at umupo ng maayos sumandal ako sa headboard  ng kama. Umupo rin sya sa harap ko kinuha nya yung soup at sinubuan ako.

"Masakit lang ang ulo ko Ce. Hindi naman ako lumpo." At pinilit ko abutin yung kutsara pero tinataas nya. Sinamantala nya ang pagiging maliit ko.

"I insist" saad nya at sinubuan ulit ako. Hinipan nya muna ito bago ako sinubuan. Wala nakong nagawa pinabayaan ko nalang sya. Naubos ko ito at pinainom nya ko ng gamot sa sakit sa ulo.

"Magpahinga ka. Para makapasok kana sa school bukas." Ngumiti ako at humiga ulit. Kinumutan nya ko.

"Thanks Doc. Ace." Pangaasar ko sa kanya. Ngumiti lang sya at lumabas na ng kwarto ko. Natulog ako para makabawi ng lakas.

Ace Point Of View
Napangiti naman ako sa sinabi nya kaya lumabas na ako ng kwarto nya dala ang mga pinagkainan nya.

Nagulat talaga ako ng ihatid sya dito ng isang lalake buhat-buhat pa sya nito. Alam ko naman na walang kalaman-laman si Aesha kaya madali lang talagang buhatin iyon.

Sino ba sa buhay ni Aesha ang lalaking iyon. Talagang hinatid nya pa sa bahay. Halata naman na mas matanda sya kay Aesha ng isang taon.

Nang makarating ako ng kusina nila ay inilipag ko na ang mga pinag kainan nya sa sink. Huhugasan ko nalang mamaya.

Wala naman kasi silang katulong. Mas gusto ni Tita na sila lang sa bahay mas gusto nila ng simple.

Lumabas ako ng kusina at naupo sa sofa. Binuksan ko ang tv at sumandal sa sofa na inuupuan ko.

Habang nag lilipat ako ng channel. Wala kasing magandang palabas. Napatigil ako sa paglipat ng may makita akong pamilyar na mukha ng bata.

No... Hindi pwede... Hindi sya

Aesha Point Of View
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha... Napatingin ako sa side table ko at tinignan ang oras. 5:30 palang naman ng umaga.

Tumayo ako ng kama ko. Hindi narin naman masakit ang ulo ko kagaya kagabi. Pero hindi ko parin makalimutan kung sino yung mga bata na naalala ko kahapon bago ako mahimatay.

Pumasok ako sa CR at sinimulan ko na ang aking Morning Rituals. Pag katapos ay agad akong nag bihis ng aking uniform at bumaba agad sa baba.

“Ce?" saad ko habang hinahanap kong nasaan sya. Nang wala akong makuhang sagot mula sa kanya ay nag simula na akong mag hanap sa kanya. Agad akong pumasok sa kusina ngunit wala akong Ce na nakita. Lumabas ako at dumeretso sa living room at ayun nakita ko ang hudas tulog na tulog na nakahiga sa sofa.

Bat dito sya natulog? Siguro kakanood ng t.v hindi na sya naka akyat sa kwarto ni kuya at dito nalang nakatulog. Lumapit pa ako sa pwesto nya at puro pictures ang nasa lamesa na pinag gigitnaan ng dalawang sofa at ang isang sofa doon nakahiga si Ce.

Kinuha ko ang mga pictures. Napangiti ako ng mapag tanto kung sino ang nasa pictures. Tinignan ko isa-isa ang mga iyon at naupo sa sofa na kaharap ni Ce. Etong picture kung saan nasa gitna ako. Nasa kanan ko si Kuya nasa kaliwa ko naman si Ce.

Tumingin pa ako ng iba. Nang makuha ko ang isang litrato ay mas lalo pa akong napangiti. Eto yung litrato namin ni Ce sa may park umiiyak sya nun kasi inagaw ko yung ice cream nya.

Nahagip ng mga mata ko ang isang litrato. Dahan-dahan ko itong kinuha. Ako ang nasa litrato nakahiga sa hospital bed at may benda ang ulo. Maraming gasgas at sugat sa katawan. May dextrose rin. Etong litrato na ito yung time na nagising ako at walang ma alala.

Hanggang ngayon wala parin. Pero sabi naman ni mommy sila daw ang tunay kong pamilya. Na aksidente daw kasi kami nun at umabot sa puntong na karoon pa ako ng amnesia. Hindi ko narin naman hinahangad na ma alala pa ang nakaraan ko mas masaya na ako na kasama si mama at sana mag ka ayos na kami ni kuya.

Binaba ko sa lamesa ang litrato na tinitignan ko. Kukunin ko sana ang isang litrato dahil medyo nag taka ako. May isang batang babae at batang lalake na nakaupo sa may damuhan. Naka akbay ang lalake sa kanya at naka nguso at peace sign naman ang batang babae. Ngunit ang nakapag taka sa akin ay hind si kuya Tyron o si Ce ang batang lalake na kasama ko. Kukunin ko na dapat ang litrato para malaman kong sino ang kasama ko ng...

“Gising ka na pala" napatingin ako kay Ce na bumangon sa pag kakahiga nya sa sofa at ng makita nya ang mga naka kalat na litrato sa mesa ay agad nya na kinuha ang mga iyon at tinago. Nag taka naman ako sa inasta nya. Bakit nya tinago ang mga iyon? Hindi ko tuloy nakita yung litrato.

“Halikana sa kusina ng makapag almusal ka at makapasok na sa school. Pasensya kana ngayong lang ako nagising napasarap kasi ang tulog ko" saad nya at tumayo na upang mag lakad palayo sa pwesto namin.

Sumunod naman ako sa kanya sa kusina. Lumapit agad sya sa ref at kinuha ang ham, bacon at egg doon. Nilabas nya rin ang kawali at binuksan ang kalan at pinatong nya doon.

Nag labas sya ng bread at tionast nya ito. Una nyang niluto ang ham at sinunod nya ang bacon. Inalis na nya sa bread toaster ang ang mga bread na tinoast nya. Pag katapos maluto ng bacon ay itlog naman ang niluto nya.

Pag kaluto nya lahat ng putaheng niluto nya ay inayos nya ang mga ito sa isang lamesa at ginawang sandwich. Lumapit nama ako sa coffee maker at kumuha ng dalawang tasa para sa dalawang kape para sa aming dalawa.

Nang matapos ako ay lumapit ako sa lamesa na kinaroroonan ni Ce. Nilapag ko sa tapat nya ang kape nya at naupo ako sa upuan na katapat nya.

“Oh..." saad nya at inabot sa akin ang tatlong sandwich na ginawa nya tinanggap ko naman ito at nilagay ang dalawa sa bag ko nakabalot na naman iyon ng plastic at ang isa ay kinain ko.

Habang sabay kaming nag aalmusal naalala ko na naman iyong picture kanina. Sigurado ako na hindi si Kuya Tyron o si Ce ang batang lalake na kasama ko sa litrato na nakakbay pa sa akin.

“Ce pwede ba akong mag tanong?" tanong ko sa kanya.

“Nag tatanong kana" saad nya sa akin. Napangiwi naman ako sa sinagot nya sa akin.

“Ce! Seryoso ako" asar na saad ko sa kanya. Tumawa naman sya ng mahina at nag seryoso rin ng tingin sa akin.

“Sige... Ano bang tanong mo?" saad nya at kumagat ng sandwich na ginawa nya.

“Bukod sa inyo ni kuya... May iba pa ba akong kaibigan na lalake?" kumunot naman ang noo nya at nag salubong ang kilay dahil sa tinanong ko pero nawala naman agad yun ng sumagot sya sa tanong ko .

“Wala... Bakit mo naman natanong?"

“May nakita kasi akong picture kanina. Hindi ko kilala yung lalakeng kasama ko dun hindi naman ikaw yun o si kuya hindi kk kasi nakita ng maayos bigla mo kasing niligpit." saad ko sa kanya. Mahaba haba ring paliwanag yun ah.

“Hindi mo naman pala nakita ng maayos eh... Malay mo ako yun o ang kuya mo... Sige na anong oras na oh... Umalis kana baka malate ka sa klase mo... Pag uwi mo mamaya dadalaw tayo sa kuya at mama mo" saad nya sa akin. Napangiti naman ako dahil sa huling sinabi nya. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

“Bye Ce!" saad ko ng nasa may pintuan na ako ng kusina. Narinig ko naman na nag bye rin sya kaya nag lakad na ako palabas ng bahay.

~~~~~~~~~~~

Sorry kung ngayon lang ako na kapag update. Hirap po talaga ako sa signal. Happy belated merry christmas 🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎉🎄🎄🎄🎄

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now