Chapter 31

91 5 0
                                    

Chapter 31: The Secret Was Revealed

Aesha Point Of View
“Ohh” napalingon naman ako kay Mark. May hawak hawak syang isang bottle ng tubig at french fries. Kinuha ko ang mga iyon at naupo sya sa tabi ko.

Uminom ako ng tubig at inumpisahan nading kainin ang french fries na binili nya. Pinakatitigan ko ang mga Rides na nandito. Hindi lang naman pala mga machine games ang meron dito may mga rides din. May booths at nag titinda ng mga foods.

“Paano yan Mark panalo ako.” saad ko at tinignan sya.

“Oo na... Ano ba yung parusa ko?” tanong ko sa kanya. Nag isip naman ako.

“Hindi nalang muna siguro ngayon. Sasabihin ko nalang sayo kapag nakaisip na ako” saad ko at kinain na ang french fries

“Saglit lang Aesha... Sasagutin ko lang ang tumatawag sa akin” saad ni Mark kaya tumingin ako sa kanya. Hawak nya ang cellphone nya at may pangalan nga na nakarehistro sa screen na iyon.

Tumango lang ako sa kanya. Tumayo naman sya at lumayo sa pwesto ko. Inilibot ko na lang ang paningin ko para malibang habang kumakain ng french fries na binili ni Mark.

“Aesha?” napalingon naman ako sa likod ko na nakangiti akala ko kasi si Mark pero ng makita ko kung sino ang tumawag sa akin ay nawala nalang bigla ang mga ngiti sa labi ko.

“Bakit nandito ka? Lumayo ka sa akin!” saad ko sa kanya at tumayo. Humakbang ako palayo sa kanya.

“Aesha... Makinig ka sa akin! Niloloko ka lang ng mama at kuya mo!” saad nito. Eto na naman sya sa binibintang nya. Umiling-iling ako sa sinabi nya.

“Sinungaling! Hindi nila magagawa sa akin iyon!” saad ko pa dito. Ramdam ko na ang pangingilid ng luha ko.

“Maniwala ka Aesha hindi sila ang tunay mong pamilya! Nilalayo ka nila sa katotohanan! Nilalayo ka nila sa totoo mong pamilya” saad pa nito at humakbang palapit sa akin.

“Hindi! Sinungaling ka! Sila ang pamilya ko” saad ko at humakbang naman palayo sa kanya. Nag umpisa narin tumulo ang luha ko. Hahakbang na naman dapat ako paatras ng hawakan nya ang braso ko at hinila palapit sa kanya.

“Maniwala ka sa akin Aesha ako lang ang nag sasabi sayo ng totoo. Eto na alala mo ba sya?” saad nya at kinuha ang kamay ko at may nilagay doon. Pag kalagay nya ay binitawan na nya ako. Napatingin naman ako sa nilagay nya sa kamay ko.

Yung... Yung picture na nakita ko na itinago ni Ace. Yung picture na may kasama akong batang lalake na naka akbay pa sya sa akin.

“Ba-bakit meron ka nito?” saad ko at tinignan sya.

“Matagal ko nang sinabi sayo alam ko ang katotohanan sa pag katao mo pero ayaw mo akong pakinggan patuloy ka paring naniniwala sa mga sinasabi ng mama at kuya mo!” saad nya habang tinitigab ako sa mga mata.

“Nakikilala mo ba kung sino ang batang kasama mo?” tanong nya pa sa akin. Bumalik naman ang tingin ko sa litrato. Umiling naman ako bilang sagot ko.

“Kapatid mo sya... Kuya mo sya” saad nito. Napatingin naman ako sa kanya.

“K-kuya? Hindi ba si Tyrone ang kuya ko” hindi mapakaniwalang saad ko sa kanya.

“Hanggang kailan ka ba mag papakabulag sa kasinungalinan nila? Aesha gumising ka! Na alala mo ba ng panahong nagising ka sa hospital at walang ma alala na kahit ano? Sinamantala nila ang pag kakataong iyon sinamantala nila na paniwalain ka na sila ang pamilya mo! Ayaw ko sa nang pumayag nun gusto ko na ibalik ka sa totoong pamilya mo pero pinag bantaan ako ng pamilyang Marquez kaya Aesha gumising ka sa katotohanan at hanapin mo ang totong pamilya mo” mahabang saad nito na mas lalong nag paluha sa akin.

“Si-sino? Sino ang totong pamilya ko? Anong pangalan nila?” tanong ko dito at pinunasan ko na ang aking mga mata na basang-basa na dahil sa pag luha ko.

“Sila... Sila ang mga Ha—”

Bang! Bang!

“Tito! Tito Drei!” sigaw ko at napaupo nalang habang ina alog-alog ang katawan ni tito na naliligo na sa sarili nyang dugo. Marami naring nag sisitakbuhan na mga tao sa paligid namin.

“Tito! Tito kapit lang dadalhin kita sa hospital! Kailangan mo pang mabuhay sasabihin mo pa sa akin kung sino ang totoong pamilya ko!” saad ko habang hinahawak hawakan ang mag kabilang pisnge nya.

“A-aesha... A-ang m-mga ahhh Ha-hanazono ahhh” nahihirapang saad nya.

“Tito! Wag ka na muna mag salita dadalhin kita sa hospital! Tulong! Tulongan nyo kami!” sigaw ko pero patuloy lang sa pagtakbo ang mga tao dito sa loob ng Arcade World.

“Aesha! Aesha anong nangyare?” lumuhod naman agad si Mark sa harap ni tito Drei at bumabalik-balik ang tingin nya sa akin at kay tito.

“Dalhin natin sya sa hospital” saad ko. Agad namang binuhat ni Mark si Tito kahit na sa una ay nahirapan sya. Patakbo naming tinungo ang pintuan palabas. Nang lumabas kami ay agad kong binuksan ang pintuan ng kotse nya sa likod.

Inihiga nya si Tito sa backseat at sumakay na kami sa front seat ng kotse. Tumingin ako kay tito at nakita kong nahihirapan na sya pero kita mo parin na lumalaban sya. Mabilis naman na pinatakbo ni Mark ang kotse.

“Mark wag sa hospital kong nasaan naka confine ang lolo mo at mama ko... Sa ibang hospital nalang” nag tataka namang tinignan ako saglit ni Mark. Tumingin ako sa dinaanan namin bigla nyang iniliko ang kotse at tinahak ang daan papunta sa isang hospital.

Nang nakarating ay agad na binuhat ni Mark si Tito at pinasok sa loob ng hospital. Nag kagulo naman ang mga nurse ng makita nila kami. Agad namang may lumapit na nurse at doctor sa amin. Nilapag ni Mark si Tito sa stretcher at sumama kami sa pag tulak nito papasok sa Operating Room.

“Hanggang dito lang kayo... Bawal kayo sa loob” saad ng isang nurse at sinarado ang pintuan ng Operating Room. Napaupo nalang ako sa sahig at napatingin sa litrato na hawak ko.

“a-aesha... A-ang m-mga ahhh Ha-hanazono ahhh”

Pumasok sa isip ko ang mga katagang binitawan ni Tito. Hanazono? Hindi kaya. Napatingin ako kay Mark sakto namang nakatingin rin sya sa akin at bumaba ang tingin nya sa litrato na hawak ko. Nakita ko rin kung paano gumuhit sa kanyang mukha ang pag kagulat.

“Saan mo nakuha yan?” tanong nya sa akin habang nag babalik-balik ang kanyang tingin sa akin at sa litrato na hawak-hawak ko parin hanggang ngayon.

“Sabihin mo nga anong pangalan ng nakakabatang kapatid mo?” tanong ko at dahan-dahan akong tumayo sa pag kakaupo ko sa sahig. Pinunasan ko rin ang mag kabilaan kong pisnge na basang-basa na ng mga luha ko na kanina pa tumutulo.

“Aesha...” nakita ko rin ang patulong luha nito.

“Sabihin mo! Mark sabihin mo! Anong pangalan ng nakakabatang kapatid mo!” saad ko habang tinitigan ang mga mata nya.

“Kasashi... Kasashi Jae Hanazono iyon ang pangalan nya” saad ni Mark habang nakikipag laban sa mga tingin ko. Nang marinig ko ang sinabi nya ay di ko na napigilan ang sarili ko na muling matumba at sumalampak sa malamig na sahig.

“Bakit? Bakit nila inilihim sa akin! Bakit nila tinago sa akin na hindi nila ako totoong anak bakit?!” sigaw ko habang nag papaligsahan sa pag tulo ang mga luha ko.

“Ae- aesha... Ikaw? Ikaw si Kasashi?” napatingin naman ako kay Mark. Katulad ko umiiyak narin sya. Napapikit nalang ako. Kaya pala... Kaya pala ang gaan ng loob ko sa kanya...

“Kasashi” saad nya at yumakap sa akin. Napayakap naman ako sa kanya habang umiiyak parin.

“Ku-kuya!”

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•A/N: I hope you liked this Chapter. Thank you for reading this story!

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now