Chapter 30

82 4 0
                                    

Chapter 30: Ate Krix And Kuya Krix

Third Point Of View
Hawak-hawak ng isang babae ang isang litrato. Galit na galit syang tinititigan iyon. Bigla nalang kumuyom ang kanyang kaliwang kamay habang nakatingin dito.

“No!... No! Hindi ako makakapayag na mawala lang sa wala lahat ng pinaghirapan ko!”

Galit na saad nito at pinag punit-punit ang litrato na hawak nya. Tinapon nya iyon sa sahig hindi pa sya nakuntento at inapak-apakan nya pa ito. Nang makuntento sa ginawa nya ay tinigil na nya ang pag kaapak sa litrato.

“Tandaan nyo hindi kayo magiging masaya habang nabubuhay ako! Gagawa at gagawa ako ng paraan hindi lang kayo mabuo”

Saad nito habang nakatingin sa litrato na punit-punit na. Bumukas ang pintuan ng kanyang silid. Sinalubong naman nya ang pumasok at niyakap at humalik sya sa pisnge nito.

Aesha Point Of View
Nakahinga kami ng malawak nawala namang nangyareng masama kay Risha. Kulang lang naman daw sa pahinga ang bata at sa pag kain kaya nahimatay. Hindi narin naman sya icinonfine sa hospital.

“Sige na Mark at Aesha alam ko naman na mag kikita kayo sa park. Sige na alam kong may lakad kayo. Uuwi na kami ni Risha para makapag pahinga na sya” saad nito at humalik sa pisnge ni Mark.

“Mag iingat kayo” saad pa nito at yumakap sa akin. Yumakap naman ako sa kanya pabalik. Humiwalay naman ako agad sa yakap.

“Sige mauna na kami” nag pa alam na rin ako kay Risha. Yumakap at humalik pa nga ito sa akin bago sumakay sa kotse kasama ang lola nya.

“Saan tayo?” tanong sa akin ni Mark.

“Arcade?” patanong na sagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya at hinila ako papunta sa kotse nya. Pinag bukas naman nya ako ng pinto.

Agad naman akong pumasok doon. Pag kapasok ko ay sinarado naman nya ang pinto at umikot para sumakay narin. Agad kong inayos ang seatbelt ko. Ganon rin naman si Mark at pina andar na nya ang kotse.

“ Mark diba may trauma ang mama mo? Mabuti naman at nakarecover na sya” pag oopen ko ng usapan sa aming dalawa. Masyado kasi kaming tahimik habang tinatahak namin ang daan papunta sa lugar na di ko alam kung saan kami pupunta.

“Nag papasalamat nga ako at nakarecover na sya. Anim na taon syang natrauma sa aksidenteng iyon Aesha pero teka paano mo nalaman? Hindi ko naman naiikwento sayo ang mama ko hindi ba?” nag tatakang saad nito. Napatakip naman ako ng bibig ko dahil doon.

Tinignan ko sya nakakunot ang noo nito. Inalis ko ang kamay ko na nakatakip sa bibig ko. Huminga ako ng malalim ano pa bang magagawa ko eh nasabi ko na edi sabihin ko nalang din sa kanya kung paano ko nalaman.

“Minsan kasi naming napag usapan ni Axel. Nung nag picnic kami sa isang lote yung lote na gagawing subdivision ng kompanya nyo” saad ko pa. Ilang minuto syang hindi sumagot kaya tumingin na ako sa kanya.

“Mark Galit ka ba? Hindi naman namin sinasadya na pag usapan iyon eh...” saad ko habang malungkot na nakatingin sa kanya. Sinulyapan nya ako saglit at binalik naman nya agad ang tingin sa daan.

“Hindi naman ako galit Aesha... Ang akin lang kung may gusto kang malaman sa akin mo nalang dapat tinanong handa naman akong sautin iyon eh” saad nya.

Napatahimik naman ako dahil doon. Totoo naman kasi ang sinabi nya dapat talagang sa kanya nalang ako nag tanong dahil buhay nya iyon.

“Sorry talaga Mark... Promise hindi na mauulit” saad ko na nakataas paang kanang kamay ko na animong namamatang makabayan.

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now