Chapter 17

100 3 0
                                    

Chapter 17: Dream and Knight in Shining Armor

Axel Point Of View
Kakatapos ko lang icheck ang Grandfather ni Mark. Pag katapos nun ay nag usap kami saglit ni Mark agad naman ako umalis pag katapos nun at ngayon nasa daan na ako.

Nag dadrive ako papunta sa Starbucks para bumili ng kape. Nang may isang familiar na babae akong nakita. Nagulat ako ng bigla syang natumba kaya agad-agad kong pinara ang kotse at bumaba dito.

Nilapitan ko sya at inalog. Hinarap ko sya para makilala kung tama ba ang hinala ko kung sino ang babaeng ito. Nagulat ako ng makita ko ang kanyang mukha.

“Aesha! Aesha Wake up!" i said habang tinatapik tapik ang kanyang pisnge para magising. Pero hindi parin nya minumulat ang kanyang mga mata.

Hindi ko alam ang nangyare bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko at parang pinangungunahan ako ng utak ko. Agad ko syang binuhat papasok sa loob ng kotse ko. Pag kapasok ko sa kanya ay agad akong umikot para sumakay sa Driver seat ng kotse ko.

Pag kapasok ko ay agad kong pina andar ang kotse ko. Alam ko na malapit kasi sa Hospital pero hindi ko alam sa sarili ko sa bahay ko sya dinala. Hindi katulad ng unang beses ko syang dinala dito.

Hindi na nagulat ang mga katulong ng makita ko si Aesha na buhat-buhat ko ulit sa ikalawang pag kakataon. Agad ko syang dinala sa kwarto kung saan ko sya unang dinala. Nagulat ako ng buksan ko ang kwarto kung saan ko sya inilagay nung una ko syang dinala dito.

“Kuya..." saad ni Axeli nang makita nya ko pero sinenyasan ko sya ng wag mag ingay baka magising si Aesha. Sumilay ang matamis na ngiti ng aking kapatid na minsan nya lang ipakita pero simula ng makilala nya si Aesha ay nag bago lahat  ang masungit na Alexi ay napalitan ng malapangiti na bata.

Agad kung nilapag sa kama si Aesha. Pag kalapag ko sa kanya ay lumabas muna ako ng kwarto at hinayaan sya sa loob kasama si Axeli. Alam kung tuwang-tuwa ang kapatid ko na makita sya kahit isang araw palang ang nakakalipas ng makilala nya ito.

Nang magising nga ito ay agad nitong hinanap si Aesha sa kanya. Gusto nitong dalhin nya ulit si Aesha dito sa bahay mukha ngang nakuha na ni Aesha ang loob ni Axeli. Gustong-gusto na syang palagi na nasa tabi nya si Aesha mukha yatang mas gusto nya itong kasama kesa sa akin at kay Axl.

Sabado ngayon wala kaming pasok. Syaka anong ginagawa ni Aesha aa daan at bakit bigla nalang syang nawalan ng malay-tao mabuti nalang at nakita ko sya bakit ba palagi kaming pinag tatagpong dalawa.

Porket ba naging isa sya sa mga nabully namin. Tinapos ko narin ang pag papahirap sa kanya tinanggal ko na sya sa TOTM kaya pag balik nya sa Azian University sa Monday ay hindi na sya bubullyhin pa ng Mythical 5.

Gumawa narin kami ng plano nila Yuri kung paano namin ipapataw kay Jane ang kaparusahan na igagawad namin sa kanya dahil sa pag labag nya sa rule na ginawa ko. Sila Ellen at Yuri na ang bahalang gumawa ng hakbang para kumagat sa plano namin si Jane. Expert naman sila pag dating sa ganyang bagay at usapan.

Dumeretso ako sa kwarto ko sa dulo nitong second floor. Pag pasok ko ay syang pag higa ko agad sa kama. Bakit ba hindi ko na mapigilan na tulungan si Aesha? Ano ba itong nangyayare sa akin?

Dapat hindi ako nakakaramdam ng awa sa kanya. Syaka wala pang isang buwan simula ng umpisahan namin ang pang bubully sa kanya. Hindi namin natupad ang rule na TOTM dahil sa kanya.

Ano bang meron sya kung bakit ng dahil sa kanya ay nagawa kung itigil yun? Paano nya nagawang ibalik ang dating ugali ni Axeli na noon ay hirap na hirap ako para ibalik sya sa dati pero sya unang pag kikita palang nila at hindi pa sila lubusang mag kakilala pero eto sila at ang gaan ng loob ng kapatid ko sa kanya.

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now