Chapter 28

79 3 0
                                    

Chapter 28: Bad Plan

Aesha Point Of View
Nandito ako ngayon sa kwarto ni Rhea. Tinatanong nyo kung anong ginagawa ko dito? Humihingi lang naman ako ng sorry sa kanya dahil sa pag iwan ko sa kanila ni Cyarine sa Greenwich kanina para lang makausap si Mark na hindi ko naman naitanong kong ano ang pangalan ng kapatid nya.

“Sorry na Rhea...” saad ko pa habang nag papuppy eyes pa sa kanya. Tumingin lang sya sa akin.

“Oo na... Pero mag kwento ka. Sino yung Mark?” saad nya nalabuntong hininga nalang ako. Wala na akong magagawa kundi ang ikwento sa kanya ang mga nagyare dahil alam kung kukulit-kulitin nya ako hangga di ako nagkekwento sa kanya.

“Si Mark... Si Mark Hanazono ang hinabol ko kanina para makausap...” panimula ko. Mag sasalita na dapat ulit ako ng bigla nalang syang mag titili.

“As in Mark Hanazono? The silent prince? Kasama rin sya sa Mythical 5! Pero hindi ko pa sya nakikita sa school! My ghod dapat hinatak mo rin ako Aesha! Edi nakita ko rin si Mark! Yieeee!” sigaw nito. Napatigil naman sa kakatili si Rhea at napalingon ako sa pintuan ng bumukas ito.

“May nangyare bang masama? Bat ka tumitili Rhea?” nag aalalang mukha ni Ace ang bumungad sa amin. Napatakil nalang ng bunganga si Rhea. Napailing nalang ako.

“Wala Ce.. Kinilig lang masyado si Rhea kay ayan sumigaw” saad ko na nag patango tango naman sa kanya. Tumingin naman sya kay Rhea na nakatakip parin ang mga kamay nito sa bibig nya.

“Ewan ko sa inyo... Bumaba na kayo naluto ako para sa meryenda natin” saad nito at nauna nang lumabas ng kwarto. Tumingin naman ako kay Rhea. Tumayo na ako sa pag kakaupo sa kama.

“Halikana Rhea. Baka maubusan pa tayo ng meryenda” saad ko sa kanya.

“May utang ka pang kwento Aesha” saad ni Rhea at nauna pang lumabas sa akin. Napailing nalang ako. Hindi ko talaga sya matatakasan kahit anong gawin ko.

Bumaba na ako ng hagdan at nakita ko sila lahat sa kusina maliban kay mama na siguradong nag papahinga sa mga oras na ito. Agad akong lumapit sa kanila at kumuha ng isang cupcake.

“Aww! Ang init” saad ko at nabitawan ang cupcake. Ang init wala man lang na sabi na mainit pa ang cupcake. Napaso tuloy ako.

“Yan kasi matakaw” saad ni Ce at kinuha ang cupcake na nabitawan ko. Kinuha naman nya ang daliri ko na napaso at hinipan iyon. Napatitig nalang ako sa kanya na gulat dahil sa ginawa nya.

“Hoy Ace! Tigilan mo na nga yang si Aesha at ayusin mo na itong cupcake na binake mo ng makain na” saad ni Rhea. Binitawan naman ni Ace ang kamay ko at lumapit kanila Rhea at inayos ang mga cupcake.

Tinignan ko lang si Ce na abala sa pag ayos ng mga cupcake. Wala na? Wala nayong dating pag tibok ng puso ko sa tuwing nakikita kita. Normal nalang ang puso ko tuwing nakikita kita Ace. Hindi na katulad noon na ang bilis ng tibok sa tuwing lalapit at hahawakan mo ako.

Wala nayung sabik ko kapag nakikita kita. Mukhang hanggang kaibigan nalang talaga ang natitirang nararamdaman ko sayo Ace. Mukhang nakalimutan ko na ang nararamdamab ko sayo mukhang napalitan na ng iba.

Krizzer Point Of View
Titig na titig ako sa larawan na nakalapag sa lamesa na nasa harap ko. I promised mapapasa akin ka. Gagawin ko ang lahat para mas mapalapit sayo. Hindi ko na gagawin ang ginagawa ko noon na nakatingin lang sayo sa malayo.

Noon pa Aesha... Noon pa kita pinapangarap kahit na nerd ka at binubully nila. I want to help you that time pero kailangan kong pigilin ang sarili ko noong mga panahon na iyon pero ngayon hindi na.

Gagawin ko lahat Aesha para sa pag kakataon na ito ako naman ang manalo sa aming dalawa ni Axel. Ako naman ang mag wagi sa puso mo. Ramdam ko kahit hindi sabihin ni Axel na may gusto sya sayo.

Sa pagtitig at pag kilos palang nya ramdam ko na may gusto sya sayo. Hindi ako mag papatalo sayo Axel saad ko habang pinakatitigan pa ang isang litrato. Patapon ko iyong nilagay sa lamesa sa harap ko at pinaikot ko ang swivel chair na kinauupuan ko.

Sinindihan ko ang yosi na hawak ko. Sisiguraduhin ko Axel na ako naman ang mag wawagi sa pag kakataon na ito. Ako naman ang mananalo sa ating dalawa. Gagawin ko ang lahat mapaibig ko lang sa akin si Aesha.

Inikot kong muli ang aking swivel chair at kinuha ang yosi sa bunganga ko. Tinarak ko iyon mismo sa ulo ni Axel na nasa larawan. I promised Axel ako naman. Gagawin ko lahat mapasa akin lang si Aesha.

Kahit mag kapatayan pa tayong dalawa! Kahit isa pa ang mamatay sa atin pero sisiguraduhin ko na ikaw iyon para wala ng haharang pa sa landas ko. Napangisi nalang ako dahil sa naisip ko.

“Sir” rinig kong saad at narinig ko ang tatlong sunod-sunod na katok

“Come in” saad ko at bumukas naman iyon. Isinandal ko ang likod ko sa swivel chair na inuupuan ko. Lumapit ang isang tauhan ko sa akin at may nilapag na brown envelope sa harap ko.

Kinuha ko iyon at binuksan. Napangiti ako kung ano ang nakita ko sa loob na iyon. Sinasabi ko sayo Axel sisiguraduhin ko ang pag ka panalo ko ngayon sa laban nating dalawa.

“Sabihin mo sa kanila wag kikilos hanggat hindk ko sinasabi. Mag hintay sila kailangan ko pang makuha ang tiwala nya bago natin gawin ang plano” saad ko na kintango nang tauhan ko.

“You may leave” saad ko at lumabas naman ito. Sinarado nya narin ang pinto ng opisina ko. Hawak-hawak ko parin sa mga kamay ko ang brown envelope kung saan nandoon ang magiging alas ko para kumapit sa patibong ko si Aesha.

Ring... Ring...

Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag doon. Tinapat ko sa tenga ko ang cellphone at hinintay ko ang nasa kabilang linya na mag salita.

(“Krizzer ginagawa mo ba nang maayos ang pinagagawa ko sayo?”)

“Oo ako pa... Wag kang kabahan dyan. Sisiguraduhin ko na mapupunta sya sayo." sagot ko dito.

(“ Gawin mo Krizzer wag kang puro salita. Alam mong ayaw ko sa mga taong puro satsat lang ang alam”) saad nito at binaba ang tawag napailing nalang ako. Wala syang pinag bago mainipin parin sya.

Sinisigurado ko mapapabagsak rin kita Axel saad ko habang nakatingin sa litrato nito.

•~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~•
A/N: Thank you for reading this story! Please vote and comment. I hope you liked this chapter and i love all of you!

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now