Chapter 19

81 3 0
                                    

Chapter 19: Rhiannon Mendez

Aesha Point Of View
Hanggang ngayon ay nakatayo parin ako dito sa harap ng gate namin. Hindi ako makapaniwala... Totoo bang sinabi ni Axel ang mga katagang iyon? O mali lang ako ng rinig.

Inalis ko nalang ang iniisip ko at pinulot ang susi na nabitawan ko kanina dahil sa paghila sa akin ni Axel. Pag kakuha ko dito ay humarap na ako sa gate at akma na iipasok ito sa may keyhole ng gate ng bigla nalang itong bumukas.

Tumambad sa akin ang isang babae. Matangkad sya kaunti sa akin. Nakaputing bestida sya at nakalugay ang kanyang buhok na hanggang bewang nya. May flower crown pa sya na nasa kanyang ulo.

Flat shoes na puti ang gamit nya. Makinis at mabuti rin sya. Kung hindi ko lang kilala kung sino ang babaeng nasa harapan ko ngayon ay aakalain ko na isa syang dyosa sa angkin nyang kagandahan.

“Aesha!” saad nito at niyakap ako ng mahigpit. Napayakap nalang din ako sa kanya. Ako ang unang humiwalay ng yakap sa kanya. Isa sya sa mga kalaro ko nung magising nalang ako sa hospital nun.

Nung panahon na wala akong maalala kahit ngayon. Hindi ko alam kung ano ang nagyare sa akin nun. Hanggang sa sinabi nalang ni mama na naaksidente kami kaya nawala ang mga ala-ala ko.

Hindi narin naman sila nag atubili pa na ipa alala sa akin ang lahat kahit naman ako ay hindi ko narin inabala ang sarili ko na alalahin ang lahat. Kasama ko naman si mama at si kuya masaya na ako doon.

Ngunit sa nag daang araw doon na nag simula ang paglitaw ng mga imaheng hindi naman malinaw ang mga mukha. Mga ala-ala ko siguro yun ayoko na sabihin kay mama at kuya iyon ayoko sila mag alala pa.

“Kamusta kana?” tanong agad nito sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.

“Pumasok muna tayo sa loob Rhiannon.” saad ko sa kanya. Ngumiti naman sya at nauna na pumasok sa loob kaya sumunod na ako. Ako narin ang nag sara ng pinto.

Nang makapasok kami sa bahay ay agad-agad syang naupo sa may sofa. Nag indian-sit pa sya don at hinintay ako na umupo sa sofa na nasa harap nang sofa na kinauupuan nya.

Nang makaupo ako ay agad bya akong sinalubong ng mga tanong nya na nagpangiwi sa akin. Mukhang masyado akong namiss nitong babaeng ito.

“Kamusta kana Aesha... Namiss talaga kita!” saad pa nito at ngumiti na syang nag padagdag ng kanyang angking ganda.

“Okay lang ako... Ikaw Rhiannon?” saad ko sa kanya. Ngumiti naman sya. Sigurado ako marami syang gustong ikwento sa akin. Sya panaman ang pinakamadaldal at makulit sa amin nung mga bata kami.

Sya ang pinaka jolly sa amin. Palagi kaming mag kasama pero simula ng lumipat sila sa ibang bansa hindi na kami na karoon pa ng communication. Nakikibalita nalang ako kay Ace tungkol sa kanya pero hindi yun araw-araw. Minsan isang taon ang kailangan naming hintayin bago ako makakuha kay Ace ng balita tungkol kay Rhiannon.

“Okay lang ako Aesha. Syaka pwede ba Rhea nalang ang itawag mo sa akin Bes. Masyado kasing mahaba ang Rhiannon eh... Hindi kapa ba nasanay sa akin eh” saad pa nito at nag papacute eyes pa sa akin. Na syang ikinagiti ko.

Simula noon palagi parin nyang ginagawa nya eh. Kapag ayaw ko sumama sa kanya ginagamitan nya ako ng beautiful eyes nyang yan kaya hindi ako makatanggi sa kanya.

“Oo na Rhea. Paano ka nakapasok dito? ” saad ko sa kanya. Sa pagkakaalala ko nasa akin ang isang susi at ang isa ay nakay Ace.

“Sinundo ako ng madaling araw ni Ace sa Airport tapos dineretso nya ako dito. Sabi nya hintayin nalang daw kita dito na makauwi kasi uuwi ka naman daw para makaligo” saad nya. Napatango naman ako sa sinabi nya. Kaya pala nandito na sya kasi madaling araw palang nang dumating sya dito sa bansa.

The Lost Princess Of Hanazono(On-Going)Where stories live. Discover now