- 2 -

2.6K 56 3
                                    

#DAWNewThings

"Good morning Mickey." Bati ko sa kanya nung makita ko siyang pumasok sa kusina. Maaga kasi akong nagising dahil yun ang nakasanayan ko. Kaya tumulong akong magluto ng breakfast dito.

"Good morning Ven." Bati niya rin sakin habang kumakamot pa sa batok niya.

"Kain na tayo." Sabi ko sa kanya at nilagyan ko siya ng plato sa harapan niya.

"Why are you wearing uniform?" He asked me.

"Uhm? Papasok ako ng school."

He looked confused, at ilang segundo pa siyang tulala bago nagsalita.

"Ah. Hindi pa yata nasabi sa'yo ni Mom. You've been transferred to Avellaneda High already." Sabi niya habang sumusubo ng spam at fried rice.

"Huh? Paanong transfer?" Nagtataka kong tanong sa kanya.

"Tita Luisa talked with my Mom yesterday. At napag-usapan nila ang tungkol sa paglipat mo ng school, since babalik ka na dito. And don't worry, I also go to that school." He assured me

"Pero paano ang gamit ko? Uniform? At iba pa?"

"That school provides everything Ven. Your school uniform and school ID is already in your closet, it was delivered last night while you're asleep."

Pagkatapos kumain ay shookt pa din ako! Ang bilis naman nila mag-ayos ng transfer papers! Paano nila nagawa iyon ng isang araw lang?

Since I have no choice, sinuot ko yung uniform na nasa closet ko. I fixed myself and just place the necessary things in bag bag like wallet and phone. Wala na akong ibang dinala dahil sabi ni Mickey ay provided na daw lahat doon.

"Ven? Let's go! Malelate na tayo!" Narinig kong tawag ni Mickey sakin kaya dali dali akong lumabas.

"Woah. Perfect fit, magaling talagang kumuha si Mom ng size ng babae sa isang tingin lang." he smiled

"Oo nga eh, saktong sakto yung size." Natatawang sabi ko.

"Tara na?" Tanong niya

Tumango naman ako at sinundan ko siya palabas. Naghihintay sa labas ang isang Chevorlet Tahoe at may driver din.

Pinagbuksan kami nung driver at sumakay kami ni Mickey sa likod.

While on our way, I tried to ask him kung bakit hindi na kang siya yung nagdrive, eh may license naman siya. Pero sabi niya lang sakin, eh sa Avellaneda High daw, lahat ng studyante ay may driver, at yung mga driver na yun ay oriented na kung saan magbababa at magpapark sa loob ng school.

He also gave me a credit card. A black one! Tinanong ko pa kung magkano ang credit limit neto dahil wala akong pambayad, pero ang sabi niya lang...

"Just use it Ven. It's meant for you. You have no idea how much Tito left for you and your Mom." He smiled at me.

" He smiled at me

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
DARK and WILD || {k.taehyung} ✔Where stories live. Discover now