- 39 -

738 22 0
                                    

#DAWThatBlackHoodedGuy

It's 9PM and I'm still at school. Ayokong umuwi ng maaga dahil alam kong aabangan ako ni Mickey doon. He'll talk it out with me. Pero ayoko munang makipag-usap kaya pinili kong dito gawin sa school yung unfinished homeworks ko.

After finishing 2 research assigments, nagdecide na akong umuwi. Gabi na din kasi at wala akong kasama. I hailed a cab outside dahil matatagalan akong maghintay pag nag-uber pa ako. Hanggang labas lang ng village ang taxi since nasa private village kami. No entry allowed for public vehicles.

So I had to walk from the gate to our house.

Medyo madilim dahil hindi rin naman ganoon karami ang mga bahay at onti lang ang street lights.

I was half on my way when I felt that someone was following me. Noong una ay hindi ko pinansin dahil baka guni-guni ko lang yon. First time ko kasi maglakad lakad dito sa village.

Then I heard it again. And again. Hanggang sa kinabahan na ako. I had no one to call dahil magkagalit kami ni Mickey at Laverne, Henry's probably asleep, Mom's on the other house, and the person whom I badly want to call right now is.. gone.

I fastened my pace until I reached the house near ours. Tumapat ako sa gate at tinignan kung mayroon bang sumusunod sakin. Natatakot na kasi talaga ako, being stalked is the last thing I wanted. Hindi maganda ang naranasan ko noong nakaraan.

When I was relieved, maglalakad na sana ulit ako noong may makita akong tao na nakatayo sa lamp post sa tapat ng bahay na tinatayuan ko. He's standing behind it and was staring right at me. Nararamdaman ko ang mga titig niya kahit natatabunan ng hood ang mukha niya.

Nangilabot ako at ang unang ginawa ko ay ang tumakbo. Mas lalo akong natakot nung tumakbo din siya. Takbo lang ako ng takbo, until I out of breath dahil umiiyak na ako.

And when I reached the gate of our house, lumingon ako para tignan kung nakasunod pa ba siya sakin. But no. He was gone.

Medyo kumalma ako at tumigil ako sa pag-iyak. But the fear still lingers.

I entered inside with my shaking body kaya napansin nung guard na may nangyari.

"Miss, okay lang po kayo?" He asked.

"No." I said then collapsed on the floor. Hindi na kinaya ng katawan ko yung pagod at takot. I was still concious but my body doesn't want to move. I was weak.

"Check the CCTV footages. Do rounds." Sabi nung guard sa parang walkie talkie niya. He stayed by my side and called someone on his phone. Beforw I knew it, Mickey's already in front of me.

Naupos siya sa tabi ko sabay hawak sa braso ko.

"What happened?" He calmly asked.

Hindi ako sumagot agad, pero dahil pinsan ko siya at marami na kaming pinagsamahan, I can't stay mad at him. Lalo na sa mga ganitong oras na alam kong siya na lang ang makakatulong sakin. Because I know that he's one of those people who are willing to risk their life for me. Nagawa na nga niya noon eh. Kaya wala na akong dahilan pa para hindi siya kausapin ngayon.

He's approaching me right now and being a b*txh is not a good thing.

"Someone chased me." I simply said, not looking at him.

"Who?"

"I don't know." Umiling ako, "He was just wearing an all black outfit. Black pants, black shoes, black hoodie."

Narinig ko ang malakas na pagbuntong hininga niya.

"Let's get you inside." Inalalayan niya ako hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Nagpakuha din siya ng malamig na tubig.

After giving the glass to me, tumayo siya at lumabas. Nilapat niya lang ang pinto. So I can still see him from the inside. He was calling someone, but I can't clearly understand what he's saying.

When he came back, his eyes looked at me like he's pitying me, and I hate being pitied.

"I want to go somewhere far from here."

Bigla kong sabi.

He was quite taken aback, dahil kita ko ang panandaliang gulat sa mukha niya.

"Why?" He sounded concerned.

Bakit nga ba? All of these things, that are happening to me, sobra na. Nakakapagod na. I tried facing it head on pero anong nangyari, nawala yung taong pinakamamahal ko. And now? It repeats itself again? I'm afraid. So afraid that it all might happen again. Na baka mawalan nanaman ako ng mahal sa buhay.

I just wanted to run away from everything.

"Just get me a ticket out of here Michael." I said.

He sighed and went out of my room. Alam niya kasing wala na siyang magagawa. I stand by my decision. I want to get out of here. Leave everything behind and never come back.

Tumayo ako para sana magbalot ng gamit, but then I heard Michael say something that made me stop.

"She's breaking and hurting. What are your plans? No. We shouldn't tell her. Baka mas lalo lang siyang masaktan kapag nalaman niyang buhay si Lucas."

--

I'll update slowly... and short updates lang muna. It's exam week and submission of requirements are coming. Please do understand! 😊

DARK and WILD || {k.taehyung} ✔Where stories live. Discover now