- 4 -

1.7K 43 3
                                    

#DAWSorry

I was carefully scanning books sa history section, dahil lumang luma na ang mga libro dito. Yung tipong hiwa-hiwalay na ang pages. Avellaneda High's library is the oldest one and it has a collection of books from centuries ago up to present! Isang building ito at bawat floor ay isa or dalawang section.

And the history section is at the 6th floor dahil ito ang pinaka-inaalagaan. I am para maghanap ng libro for my essay sa history which was given earlier sa klase. It's lunch time and tapos na akong kumain. Ayoko naman na sayangin yung oras ko kaya ginamit ko na para maging productive.

It says here na yung book na hinahanap ko ay ... DA156. Sa shelf ng D and letter A? So nasa itaas! Whaaaat? How can I even get it? Walang stool or ladder dito!

"Excuse me?" I tried calling the librarian pero wala ito, at dahil lunch time, kumakain lahat ng studyante.

Ako lang mag isa dito ngayon kaya I took the chance para subukang umakyat sa table para makuha yung libro. I kneeled down para sumakto ako sa books na DA at inisa isa ko yun. And tadaaaa! DA156 I found you.

Pero bago ko pa ito makuha ay may ibang kumuha nito. Sa sobrang inis ko ay hinarap ko iyong kumuha nung librong hinahanap ko.

"Excuse me? That's my book." Sabi ko nung makita ko si Lucas.

He scanned the book.

"Your name's not written here." He said

"But still! Ako ang nauna kaya akin yan!" I said

"Ako ang nauna. Dahil ako ang unang nakakuha." Sabi niya na pa-slang pa. Sus, pipilit mag tagalog di naman fluent.

Bumaba ako sa lamesa para tumayo sa harapan niya at abutin yung libro. Pero bigla niyang itinaas yung kamay sa at winave pa yung book! Aba't, kainis to ah?

"Akin. Na. Sabi eh." Hirap na sabi ko kakatalon dahil I badly need the book! The essay is due tomorrow!

"OMG." I said when I stepped on his feet. Kakatalon ay natisod ako sa paa niya kaya nauntog yung mukha ko sa dibdib niya. Oh god. This is awkward.

Agad akong humiwalay at sinimangutan ko siya.

"Don't worry, I won't tell." He smirked before going out with the book.

Argh! Kainis! Pinaghirapan kong hanapin yung librong yun eh! Kainis naman.

Badtrip akong bumalik sa classroom dahil malapit na yung time. Pagkaupo ko ay nakita ko yung libro sa table ko mismo. And I looked at Lucas who is staring far away outside the window. Gaya nung unang beses ko siyang makita. Psh. Evil.

"Ven, ayan na yung librong hahanapin mo sana sa Library. I saw it with Lucas kaya hiniram ko para magamit mo din." Sabi ni Gelo habang nakangiti.

So, hindi si Lucas naglagay nito dito? Tsss. Ano pa nga ba? Eh diba kinuha nga niya sakin? Sama ng ugali.

"Thank you." Sabi ko naman kay Gelo. Hindi ko na rin ikinwento pa yung ginawa ni Lucas. Kaibigan nila yun eh. Baka lumabas yung sungay.

"By the way? Hows the PE class kanina?" Tanong ni Gelo sakin.

"Okay lang naman, pero hindi ko inexpect na mabigat pala dito. First time ko kasi makakita ng Physical Education na self-defense? Usually kasi sports at mga cardio vascular activities ang PE. Pero iba pala talaga dito."

"Oo, Lucas' great grand father changed Avellaneda High's curriculum sa PE. He thinks that he should use it to teach students how to defend themselves in times of unfortunate events." He explained.

"Aaah. I see. Pero bakit nga pala wala ka kanina sa class?" I asked

"It's boring." Natatawang sabi niya.

Mga ilang saglit pa ay dumating na yung teacher namin. And the class went on as the usual. Lecture, lecture, lecture. Hanggang sa yung utak ko ay malanta na. I have to catch up! Sobrang dami pa ng aaralin ko, eh exam na next week!

Nung mag-uuwian na, nilapitan ko yung sabi ni Mickey na pinakamatalino at pinakamasipag sa classroom. Siya yung top for the whole year level ever since pa daw. So I trust her and I want to ask for her help.

"Lia?" I called her name.

"Oh? Diba ikaw yung new student? Venice right?" She asked

"Oo."

"What can I do for you?"

"Uhm... Can I borrow your notes? Ipapaphoto copy ko lang tapos ibabalik ko din bukas." I politely asked

"Sure. Heto oh. Andyan na lahat, if you need anything just ask me." She said then left.

I went straight to where Mickey is dahil kailangan na namin umuwi kaagad. Nandoon daw kasi si Mama ngayon! And its been more than a week na hindi kami nagkita. I miss her already!

"Tara na." Sabi ko nung makita ko agad si Mickey.

Madali kami sinundo nung driver at nakauwi kami agad ng maaga. Pagkapasok ko ay narinig ko kaagad ang boses ni Mama sa may kitchen kaya dumiretso na ako doon.

She was happily cooking with the maids, just like before. I quickly hugged her from behind kaya medyo nagulat pa siya pero natawa din.

"Ma! Namiss kita!"

"Namiss din kita anak. How's everything?" She asked while she brought me to the dining table para maupo.

"Everything is great. I've got new friends and hassle free life. Masaya po ako ngayon. Pero, kailan ka ba babalik dito? Can you please sleep here with me ngayon?" I asked her.

"Yun nga ang plano ko. I'll stay here tonight until tomorrow night." Ngumiti siya at hinalikan ang noo ko.

"Yes!" I said.

I helped in preparing food for our dinner. Si Mickey naman ang nag set ng table. We had a sumptuous dinner! Nag-kwentuhan at nagtawanan.

--

The morning came by and before I knew it, nasa school nanaman ako. Inaantok pa ako dahil medyo nagka-kwentuhan kami ni Mama at napahaba iyon bago kami matulog. Kaya dumiretso na ko sa classroom, hindi na sumama muna si Mickey dahil may gagawin daw siya. I tried sleeping pero may biglang pumasok na ang ingay!

Nung tignan ko kung sino iyon, si lalo lang akong nainis nung si Lucas pa!

"I know your nearly the owner of this school. Dahil 'Avellaneda' ka. Pero will you please respect other people?" I politely said.

Pero yung unggoy eh tinignan lang ako tapos...

Nilakasan ba naman yung volume nung phone niya!!! Eh ang nakakainis pa eh puro sword at un-understandable words yung maririnig mo sa game na nilalaro niya! Ang epal!

"Hey! Ano ba?" I called him again... Pero hindi man lang ako pinapansin? Nakakainis na ah?

Padabog akong tumayo para sana lumabas na lang, dahil ayokong kasama yun sa classroom ng kami lang dahil baka mapatay ko siya ng hindi oras. Pero bago pa ako makalabas ng pintuan eh pinatay niya yung phone niya at bigla siyang nagsalita.

"Sorry."

--

DARK and WILD || {k.taehyung} ✔Where stories live. Discover now