- 43 -

748 26 1
                                    

#DAWAfterTheIncident

(Lucas)

Nagising ako sa isang madilim na kwarto. My head was hurting so bad. But I can't remember a thing or two.

"So you're finally awake."

Napakunot nuo ako nung may biglang magsalita. A tall guy stood infront of me.

"You look confused. Okay ka lang?" Natatawang sabi niya.

"Sino ka?" I asked.

Bigla siyang tumawa ng malakas, "Sino ako? Are you kidding me?"

"Hindi. Now tell me who are you?" I asked.

Ilang segundo siyang tahimik na parang nag-iisip. I can't remember anything and it's frustrating! Kahit pangalan ko hindi ko alam. Kung saan ako galing hindi ko rin alam.

Napahawak ako sa ulo ko dahil biglang sumakit. Halos mapasigaw na ako dahil parang paulit ulit na hinahampas ito. Hindi nagtagal pero napansin kong tumatawa yung lalaking kaharap ko. Napatagil ako at naguguluhang tumingin sa kanya.

"Anong nakakatawa?" I asked.

"Hindi ano. Sino." Sabi niya sabay lapit sa akin, "You're funny."

Bakit ganito niya ako kausapin? Kilala ba niya ako? Anong alam niya sa mga nangyari sakin?

"Kilala mo ako?" Tanong ko.

"Well. Yes. I know you." Diretsong sagot niya.

"Then tell me everything. Lahat ng kailangan kong malaman." Sabi ko.

"You know, everything comes with a price. Ganoon ang buhay. Lahat, may kapalit." Sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ko.

"I won't tell you anything. Not even who you are, or what your name is. Because I need you to do something for me. Kapag nagawa mo, I'll tell you things. Slowly." Then he winked.

--

Dinala niya ako sa isang school. Pinark niya ang sasakyan at hinintay na maglabasan ang mga tao. Maya maya lang ay may isang babaeng lumabas mula sa gate tapos itinuro ito nung kasama ko.

"She's the one." Sabi niya.

Bigla namang may parang kumurot sa ulo ko nung makita ko yung babae.

"Ayos ka lang?" Tanong niya.

Tumango ako, para sabihing ayos lang ako kahit alam ko sa sarili kong hindi. Dahil sa dami ng lumabas sa gate, sa kanya lang ako may kakaibang naramdaman.

"Anong gusto mong gawin ko?" Tanong ko sa kanya.

"Sundan mo lang. Tapos sabihin mo sakin kung ano ang mga ginagawa niya. But don't let anyone notice you or see you."

--

Habang pinagmamasdan ko yung babae mula sa malayo, may biglang lumapit sakin. Isang lalaking medyo maliit ng kaunti sakin.

Nakatingin lang siya sakin. Parang nakakita ng multo yung ekspresyon ng mukha niya.

"Sino ka? Kilala mo ba ako?" Tanong ko sa kanya.

Sa umpisa nagulat siya, tapos biglang parang natauhan siya.

"Sorry. I thought you someone else."

--

Sa loob ng isang buwan, sinundan ko lang yung babae gaya nung sinabi sa akin. Pero habang tumatagal, iba yung pakiramdam ko. Parang, kilala ko iyong babae? Parang ang tagal ko na siyang kilala tapos pakiramdam ko kilala niya din ako.

DARK and WILD || {k.taehyung} ✔Where stories live. Discover now