Final Chapter

1.5K 38 6
                                    

#DAWFinalChapter

Seven Years Later...

"Okay ka lang?" Tanong ko kay Mickey habang binoblower yung buhok ko.

"Oo naman." Then he sighed, "You sure you're coming later?" Tanong niya.

Ibinaba ko yung blower para ayusin yung suklay sa buhok ko dahil malelate na ako. "Of course. Lucas already told me na pupunta daw lahat. Wouldn't miss the fun. Minsan lang umuwi si Gelo at Ellie." I said.

Tumango siya. Dinampot ko na kaagad yung bag ko at susi ng sasakyan para makaalis na ako agad.

"Alis na ako. Please tell Mom na late tayong uuwi mamaya." I said habang naglalakad palabas.

Pagdating ko sa office, as usual, maingay dahil busy lahat. Ang gandang tignan pero nakakalungkot dahil halos buong buhay ng isanh tao, kailangang magtrabaho. I just don't understand why money controls everything.

Dumiretso lang ako sa office ko para masimulan na agad ang mga dapat simulan. I needed to get off work early dahil may reunion kami mamaya. Gelo and Ellie went home from US, though hindi sure kung magstay sila dito for a while. Kasi business matters lang din ang dahilan nila sa pag-uwi. So we had to make sure na magkikita kita kaming lahat. It's hard to match up our free time dahil sa sched namin.

Lav has been in wedding planning business for 4 years already, at kilala na din siya sa industry na yun. Maraming mga sikat na tao na ang nagpa-arrange ng wedding sa kanya, like the heir of PJM Prime Holdings, Caden and his soon to be wife Katherine, ibang mga artista at pulitiko.

Mickey's busy with our family business, right now he's in training. Siya kasi ang susunod na Director ng buong company. Tito said na mas maagang matrain mas maganda. Mahirap na din kasi kahit sa loob ng company namin, may politics na involved.

Henry's been slacking off a bit. He's just this type na mayamang walwalero. Walwal dito, walwal dun. Hay naku, ewan ko ba dito sa tao na ito. Babaero pa. Bachelor type. Hindi kasi marunong magseryoso. He's just having fun and enjoying his youth.

Lucas had the same fate with Mickey. Family business din, kasama yung pagmamanage ng Avellaneda High. Though ibang position yung napunta sa kanya, parehas lang sila ni Mickey na next in line.

Ako naman, I manage subsidiary of PJM Prime Holdings. I am currently the Manager of a chain restaurant, and may mga branches na kami even outside sa manila.

"Good morning Ms. Venice, I would like to confirm lang po if tuloy yung reservation niyo sa Makati branch?" Tanong nung secretary ko.

"Yes please. Paki-close ang branch later mga 5PM. Then contact Ms. Harrison for the menu." I said then he nodded before going out.

Kesa mahassle pa kaming lahat. Napag-usapan namin na isang branch ng restaurant ko na lang ang venue namin. Kahit pito lang kami, gusto naming solohin yung lugar kaya pinili ko yung branch sa makati. Hindi naman masyadong malaki at hindi rin masyadong maliit. Yung chef din dun ay iluluto yung mga dish na nirequest naming lahat.

Minsan lang mangyari to kaya dapat sulitin. Sa ganitong age kasi namin, working age, hindi na sigurado kung kailan kami magkikita kita ulit. Mahirap na.

As I was signing papers, biglang nagring yung phone ko.

"Hello?"

"Babe, don't forget, I'll pick you up okay?"

"No need to remind me. At tsaka what did I tell you? I don't want you calling me 'babe'. Ang mainstream." Natatawang sabi ko.

"Eh anong gusto mo?"

DARK and WILD || {k.taehyung} ✔Where stories live. Discover now