Chapter One

377 13 0
                                    

THIRD PERSON

ABALANG-ABALA SA pagiimpake ng gamit si Nerry. Mababakas sa mukha niya ang pag-aalala at pagkabalisa. Hindi niya kasi gusto ang plano nilang magkakagroup-mate sa gagawin nilang pagste-stay sa haunted na bahay na iyon para sa kanilang documentation. Yun kasi ang finals nila sa kanilang Paranormal subject.

"I have a bad feeling about this." asar niyang bulong sa kaniyang sarili. Natapos niya ang kaniyang pageempake sa malaki niyang bag kaya inilapag na muna niya ito sa ibaba ng kaniyang kama.

Agad siyang napalingon sa pintuan ng kaniyang kwarto nang magbukas iyon. Iniluwa niyon ang kaniyang kapatid na bunso na si Sebastian. Nagtatakbo ito papunta sa kaniya kaya agad na rumehistro sa mukha niya ang isang ngiti. Hindi ito nagpe-fail na pangitiin siya palagi. Ten years old na ang kapatid niya at matalino ito kaya mas lalo silang naging close.

"Basty, aalis na si ate mamaya." Bulong ni Nerry matapos niyang halikan ang kaniyang kapatid sa noo. Nakangiti parin siya nang mahigpit parin itong nakayakap sa kaniyang baywang.

Narinig niya ang pagsinghot ni Basty kaya agad na nalungkot si Nerry. "Basty, aalis na si ate. Okay lang 'yan. Tahan na. One week lang naman si ate run eh." Dagdag pa niya. Humiwalay ang kaniyang kapatid sa kaniyang bewang at nagkatinginan sila sa mata.

"Ate, 'wag ka nang umalis. Please, ate."

Lahat ng ipiniplease ng kapatid niyang si Sebastian ay tinutupad niya kaya agad na napapikit ng mariin si Nerry sa pagsusumamo nito. Ito lang siguro ang unang pagkakataon na hindi nito masusunod ang gusto ng nakababatang kapatid.

"I will be back here safe and sound, Basty. I promise." Sabi na lamang niya. Nagliwanang ang mukha ng kaniyang kapatid kasabay ng pagpunas nito ng mga luha sa mga mata.

"Sige na, ihatid mo na ako sa labas." Pi-nat ni Nerry ang ulo ng kaniyang kapatid at sabay silang lumabas ng kaniyang kwarto dala-dala ang malaki niyang bag.

"Sigurado bang bawal magsama ng mga magulang do'n? Paano kapag may nangyaring masama sa inyo? Wala kayong guardian."

"'Ma, okay lang kami run. Tsaka magiging maingat naman kami sa bahay na 'yon dahil alam naman namin na makikituloy lang kami. Tsaka sinabi na nung may-ari nung bahay na 'yun na t'wing hapon ay bibisitahin kami ng caretaker. No need to worry, 'Ma." Paninigurado ni Nerry sa kaniyang ina. Kiniss niya ito sa noo at niyakap naman niya ang kaniyang kapatid na si Basty. Sakto naman ang dating ng kaniyang kaklase at kagroup mate na si Cha-Cha.

"Magandang hapon ho." Pagbati nito sa kaniyang magulang habang ito'y nasa labas. Napagkasunduan kasi nilang sabay nalang sila sa pagpunta roon sa bahay na pagdadausan nila ng kanilang activity. Parehas naman kasi silang dalawa na nakatira rito sa malaki nilang subdivision na kilala bilang subdivision ng mayayaman.

"Sige na, 'Ma. Una na kami. Bye Basty!" huli niyang pamamaalam kasabay nang paglabas niya ng kanilang gate.











SUNDAY EVENING

NAKARATING SINA Nerry at Cha-Cha sa Mega Heights, isang subdivision, kung saan naroroon ang bahay na kanilang gagawan ng activity. Kapansin-pansin ang kawalan ng tao sa subdivision na ito. Ang unang taong nakita lang nilang dalawa sa lugar na 'to ay yung guard sa may gate ng subdivision. Sinabi nung guard na nandito narin daw sa loob ang iba pa nilang kasamahan kaya nagmadali na silang maglakad papaloob.

Napuntahan narin ni Nerry ang bahay na iyon dahil kasama siya sa naghanap ng mga bahay na hunted sa lugar nila. At ang napili nga nilang magkakagrupo ay itong bahay ng pamilyang Clemente. Hindi man alam ni Nerry ang kuwento sa likod ng bahay na iyon, nakakasiguro siyang hindi iyon maganda.

"Alam mo ba kung saan 'yun? Ngayon lang ako nakasama sa ginagawa nating paghahanap last two weeks eh." Napalingon si Nerry sa kasama niyang si Cha-Cha na ang ikli-ikli ng shorts.

"Oo nga. Galit na nga yung iba sa 'yo." Pag-amin niya sa kasama.

"Talaga? E, sa naging busy ako nitong mga nakaraang linggo, eh! Buti nga, nakasama ako ngayon." Sagot naman sa kaniya nito.

"Malapit na tayo." Sabi na lamang niya dahil ayaw narin naman niyang pag-usapan ang tungkol sa mga kaklase n'ya.

"We're here."

Parehas na napatingin si Nerry at Cha-Cha sa malaking bahay na puti na nasa kanilang harapan. Wala itong kailaw ilaw kundi ang light post lamang na nakapalibot sa bahay na nagsisilbing gate nito.

"Oh, I'm leaving."

Hinigit ni Nerry ang braso ni Cha-Cha dahil sa bigla nitong pag-alis sa tabi niya. Hinarap siya nito at nakita niyang paiyak na ang kan'yang kasama.

"Please, pabayaan mo nalang ako. Kahit na hindi na ako makapasa sa lintik na finals natin 'wag n'yo lang akong isama r'yan." Nagsimula nang maluha si Cha-Cha habang mahigpit na nakakapit sa parehas na strap ng kaniyang bagpack.

"You have a phasmophobia."

Tumango-tango si Cha-Cha bilang pagsagot sa katabing si Nerry. Si Nerry kasi yung tipo na tahimik pero observer.

"There's no ghost. Believe me. I hate it kapag may kasama ako pero kung 'yun lang ang way para makapasa ka, I'm getting use to it."

Nagliwanag ang mukha ni Cha-Cha sa narinig mula kay Nerry. Dahil sa malumanay at mapungay na mga mata nito ay unti-unti siyang naniwalang walang multo sa bahay na nasa harapan nila.

"Come on. Naghihintay na sila sa'tin."

Sabay silang naglakad papunta sa papalikong daan ng pinaka gate ng malaking bahay na kanilang pagste-stay-an. At sa inaasahan nga ni Nerry, naghihintay na doon ang lima pa nilang kasama.

"Buti naman dumating na kayo!" pinagpagan ni Ar ang puwetan ng kaniyang pantalon nang makatayo siya sa kaniyang pagkakaupo sa kalsada. Tumayo rin ang katabi at ang katropa niyang si Nico.

Hindi nagsalita ang dalawang babaeng kararating lang kaya hindi narin nag-abala pa si Ar na umimik. Sanay na kasi siya sa pagiging tahimik ni Nerry. Maganda ito pero introvert.

"Hi Nerry!" lumapit si Rich sa kaklase at umakbay ito dito. Tipid lang na ngumiti si Nerry pero hindi ito nagsalita. Walo silang magkakagrupo at nagpapasalamat si Rich na walang maarte sa kanila. Tatlo silang babae nina Nerry at Cha-Cha at lima naman ang lalaki. Si Ar na s'yang nangunguna sa grupo at siyang naka-isip na itong bahay na nasa harapan nila ang kanilang gawing activity, si Nico na tahimik pero matalino, si Alvin na siyang naka-assign sa video footage sight sa buong activity na gagawin nila, si Fernando na siya namang nakatoka sa sounds and cctv cameras at si Leo na wala nang ginawa kundi mag cellphone pero siya ring pinaka malaki at siga sa kanila.

"Cha, ba't ka nagshorts? Anlamok kaya."

"Wala na kasi akong masuot. Puro tubal." Pag-amin naman ni Cha-Cha sa kasamahan. Hindi talaga nito gusto ang suot n'yang pambaba ngayon.

"Naka-on na ang camera. Say hi!" Itinapat ni Alvin ang kan'yang Sony PWX70 sa bawat mukha ng kaniyang mga kagrupo. Tuwang-tuwa naman si Rich na kumaway kaway doon.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now