Chapter Twenty

65 5 0
                                    

NERRY CARANDANG
DAY TWO  - TUESDAY
@1:05AM

BUKAS ANG pinto ng kuwarto namin ni Nico nang magising ako. Naalala ko ang nangyari sa akin kanina kaya agad kong kwinestyon ang utak ko kung totoo ba ang nakita ko o isang panaginip. Kung panaginip 'yon, isa 'yong panaginip sa isang panaginip. Mahirap intindihin pero nagkaganun nadin si Basty noon. Na-trauma siya noong mangyari 'yon kaya minsan ay sinasamahan ko siya sa kwarto niya. Madalas nama'y siya ang nasa kwarto ko. Close kaming dalawa at bigla ko nalang siyang namiss. Parang hindi ko na mahintay ang linggo na pag-uwi namin.





Madilim dito sa kuwarto naming dalawa ni Nico pero dahil nakabukas ang pinto namin, naliliwanagan ng kaunti ang loob ng kwarto. Nakita ko ang katawan ni Nico na nakahiga sa kwarto niya kaya agad kong nalaman na hating-gabi na. Tahimik nadin kaya siguradong tulog na ang lahat ng mga ka-grupo ko. Nang maisip na ako nalang ang gising, agad akong nakaramdam ng takot.





Gustuhin ko mang makatulog ulit, alam kong hindi na ako makakatulog pa ulit. At, natatakot nadin akong magkaroon ng panaginip na masama. Teka, ano na bang oras? Walang orasan dito sa kuwarto namin kaya naisip ko ang phone ko na nandito sa itaas. Umalis ako sa kama ko at yumuko sa mga bag kong nasa ibaba. Tipid akong napangiti nang maramdamang kaunti nalang ang sakit na nararamdaman ko sa aking binti na may benda parin. Nakuha ko ang phone ko sa bag ko at agad na tiningnan ang oras do'n. Ala una ng umaga. Agad na bumungad sa mukha ko ang 7 missed calls at 9 messages. Agad kong tiningnan ang missed calls at nalamang kay Mama galing ang laha—may isa palang nakaunregistered. Tiningnan ko ang oras ng missed call nung unregistered number at nalaman kong kanina pala iyong 11PM. Sino namang tatawag sa akin ng 11 ng gabi?





Inayos ko muna ang kama ko at maingat na lumabas ng kuwarto pagkatapos. Agad na bumungad sa akin ang nakalocked na pintong kasunod ng aming kuwarto. Naalala ko ang mukha ni Mang Manuel nang sabihin niyang bawal naming pasukin ang kuwartong 'to. Pero agad na nawala ang lahat ng nasa isip ko nang makita ko si Ferdi na kalalabas lang din ng kuwarto nila; nagse-cellphone siya.





"Ferdi!" mahinang sigaw ko. Agad naman siyang napalingon sa direksyon ko at kusang sumilay ang ngiti sa kaniyang labi nang makita niya ako. Ganun din ako sa kaniya. Sobrang gaan talaga ng loob ko rito kay Ferdi. Teka, tinawag ko ba siya sa nickname na gawa ko?





"Bakit gising ka na rin?" mahina niyang tanong nang makalapit siya sa akin. Naglakad kami ng maingat papunta sa hagdan. Napahinto kaming parehas nang makita namin ang madilim na first floor. 'Yung dalawang laptop na bukas lang ang nagbibigay ng kaunting liwanag para makita namin ang parteng sala. Nakahinga ako ng maluwag nang wala akong nakitang nakaupong katawan doon. Nakalimutan ko tuloy na sagutin ang tanong nitong si Ferdi.





"Ganito ba talaga kadilim 'tong baba? 'Di manlang nag-iwan sina Ar ng ilaw na bukas." giit ni Ferdi sa tabi ko. Muntik na akong mapatawa sa ekspresyon niya. Nakakaturn on dahil hindi mabaho ang hininga niya kahit na bagong gising kaming parehas. Well, malakas naman ang loob kong hindi rin mabaho ang hininga ko. Nagbukas kami ng flashlight sa aming mga phones at bumaba na kami ng maingat sa hagdan pagkatapos.





"Anong tinawag mo sa 'kin kanina?" tanong ni Ferdi nang mabuksan niya ang halos lahat ng ilaw rito sa sala. Nagpunta rin siya sa kusina at nagbukas ng ilaw doon. Hindi na siya nag-abala pang pumasok doon sa loob ng madilim na hallway.





"Letche, ang papasok sa hallway na 'yan talaga ang pinakakinaayawan ko rito sa bahay na 'to." daing niya nang makadaan siya roon sa hallway. Tumaas ang tingin niya sa orasan, "Damn, para tayong vampire, Nerry!" natatawa-tawa niyang sabi nang makita niya ang oras na 1:17 doon. Parehas kaming dalawa ng ayaw rito sa bahay na 'to. The damn hallway.





Umupo ako sa harapan ng dalawang laptop at tiningnan ang mga footage ng bahay. May CCTV din sa kuwarto namin kaya agad kong naisip na tingnan ang footage na nangyari 'yung panaginip ko kung totoo ba 'yun. Sakto namang umupo si Ferdi sa tabi ko na may hawak na ulit na phone.





"Puwede mong tingnan 'yung footage ng kuwarto namin ni Nico ng bandang . . . mga 9PM to 12AM?"




"Bakit? May ginawa ba si Nico sa 'yo?!"




Napaismid ako at mahina siyang sinuntok sa braso. "H-Hindi!" agad kong sagot.




"Nga pala, Nerry. Nanaginip ka ng masama kanina. Mabuti't umakyat kaagad kami sa taas."




Kahit papaano'y nakahinga ako ng maluwag. Mabuti nalang at panaginip ang lahat. Dahil kung totoo? Baka naging baliw na ako. Magpe-presinta akong magpaadmit sa mental hospital o puwede rin namang magpa-psychiatrist.




"Titingnan mo pa ba?"





Umiling-iling ako. "Hindi! H'wag na." sabi ko sa kaniya. Okay na akong malamang nanaginip ako kanina. Kahit pa sobrang sama no'n.




"Nerry."




"Hm?" nilingon ko si Ferdi.



"Magluto ka naman, oh. Kain tayo." ngumiti ng malapad si Ferdi pagkatapos niyang sabihin 'yon. Agad na kumalam ang tiyan ko at parehas kaming nagtawanan; mahina lang dahil baka may magising sa itaas.




"May tinapay ba tayo? Parang gusto ko ng toast." sabi ko sabay lakad papunta sa kusina. Sumunod sa akin si Ferdi.




"Teka, okay na ang paa mo?!"




Tiningnan ko ang paa kong may benda, tumango-tango ako at nagthumbs up kay Ferdi. Nakarinig ako ng pagcapture ng camera kaya agad akong napatingin ng masama kay Ferdi.




"Remembrance lang, Ner!" sabi niya habang tumatawa-tawa. Pinabayaan ko nalang sya at naglakad na papunta sa kusina. Dumiretso ako sa marami naming goods na nasa counter na hindi na nagkasya sa refrigerator. May apat na balot pa ng loap bread dito kaya agad kong kumuha ng kawali sa ibaba ng cabinet.




"Nerry, may toaster ata rito. Para kasing may nakita ako kagabi 'nung nagtingin-tingin ako rito sa kusina." Naglakad si Ferdi papunta sa akin at dumiretso sa mga cabinet na nasa itaas. Abot niya ang mga 'yon kaya hindi na hassle. Abot ko rin naman mga 'yon kapag tumingkayad ako. Hindi ako maliit.




Ilang cabinet ang nabuksan ni Ferdi bago niya ilabas ang maliit na toaster. Iniabot niya 'yun sa 'kin at agad ko naman iyong kinuha. Kumuha ako ng malinis na basahan na nakasabit sa refrigerator bago iyon ipangpunas sa toaster. Nanatiling nagbubukas si Ferdi ng ilan pang mga cabinet na mas matataas. Nang malinisan ko ang toaster ay agad ko iyong isinaksak sa saksakan na nandito lang din sa dingding ng counter. Kumuha ako ng pinggan at naglabas ng ilang mga tinapay para sa 'ming dalawa. Natigilan ako nang tawagin ni Ferdi ang pangalan ko; ng may kaba.



"N-Nerry."



Humarap ako sa kaniya at ngayon ko lang napansing nakatuntong na siya sa isang silya. Gayon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita ko ang nasa kamay niya. Isang itim na baril. Nagkatinginan kaming sandali ni Ferdi. May kinuha pa siya sa cabinet na mukhang doon din nanggaling ang hawak niya ngayon. Naglabas siya ng latang lalagyan na may kulay na puti. Umalis siya sa pagkakatuntong sa silya at inilapag ang dalawang bagay na nakita niya sa counter sa tabi ko.




Hinugot ko muna ang toaster sa saksakan at matamang tiningnan si Ferdi. Matangkad siya kaya kailangan ko pang medyo tumingala para matingnan siya. Tumingin muna siya sa may hagdanan para tingnan kung may tao bang may makakakita sa 'min. Hindi ko alam kung bakit mukhang ayaw niyang ipakita sa iba ang nakita niya bukod sa akin. Binuksan niya ang latang lalagyanan at ibinubo ang laman niyon sa tiles na counter. Gumawa 'yon ng tunog nang makita naming mga bala ng baril ang nasa loob.

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon