Chapter Six

101 9 0
                                    

THIRD PERSON

HIMBING NA ANG lahat ng mga ka-grupo ni Nerry na nasa itaas. Sa unang kwarto pagkataas ng hangdanan, ay mapapansin ang kawalan ng tao sa loob. Bukas kasi ang pintuan nito at malaya ang sinumang makakapasok.

Sa sunod na kwarto, sa katabi ng room #1 ay doon mahimbing na natutulog sina Leo at Rich. Magkatabi sila sa malaking kama pero may mga unang nakapagitan sa kanila. Parehas na nakasuot ng damit pangbahay ang dalawa.

Sa pangatlong kwarto, nandodoon ang dalawang magkapartner na si Ar at Cha. Kapansin pansin na walang unan ang dalawa sa pagitan nila pero halata rin namang walang mangyayari sa kanilang masama. Masyadong mabait at matino ang dalawa para mag-isip ng ganoon. At iba rin naman talaga ang natitipuhan ni Ar. Bukas ang pinto sa kanilang silid kaya pumapasok ang liwanag roon mula sa labas.

Ang pang-apat na pintuan ay nakabukas. Dalawa ang kama sa kwartong ito at isang kama sa may tabi ng bintana ang may mga gamit na ditong nakalagay. Mga gamit ni Nico na nasa baba parin. Nakatiklop na ang mga damit n'ya pero hindi pa n'ya iyon naiilagay sa aparador sa kanilang kwarto. Nagmamadali kasi si Nico kanina na bumaba dahil nagtataka narin s'ya kung bakit hindi pa sumusunod papaitaas ang ka-partner na si Nerry.

Samantala, naalimpungatan si Rich dahil sa init na kan'yang nararamdaman. Wala kasing elektricfan ang kwarto nila Leo kaya punung-puno na ng pawis ang kan'yang mukha at leeg.

Nagmulat s'ya nang mga mata at napatingin s'ya sa may pintuan nila na nakabukas. Gayon na lamang ang pangungunot ng noo ni Rich nang may makita s'yag bulto ng babae roon na nakatayo at nakaharap sa kanila. Hindi n'ya makita ang mukha nito dahil againts the light ang tayo ng babae.

"Ne.. Nerry?" pagtawag n'ya sa babaeng nasa pintuan. Nangunot lalo ang noo n'ya nang manatiling nakatayo roon ang babae na hindi manlang gumagalaw. Nagsimula nang kabahan si Rich. Nangingilid na ang mga luha sa pares n'yang mata dahil sa takot na ngumingibabaw sa kan'ya.

May pumatak na butil mula sa kamay ng babae kaya napabangon na ng tuluyan si Rich. Pilit n'yang inaaninag ang mukha ng babaeng nasa pintuan ng kwarto nila.

"Cha, i-ikaw ba 'y-yan?" puno ng kabang bigkas ni Rich. Nagsunud-sunod ang pagpatak ng mga butil ng likido mula sa babaeng nasa pintuan kaya bumaba ang tingin n'ya sa lapag. Nakita n'ya ang pulang likido roon na patuloy na nadaragdagan bawat segundo.

Tuluyan nang napabangon si Rich dahil sa kaba't takot na namumuo sa sistema n'ya. Inalog-alog n'ya ang katabing si Leo pero nanatili itong tulog at malakas ang harok. Agad s'yang nainis at ninenerbyos na napalingon pabalik sa pintuan-sa babaeng nakakatakot na nandoon.

Napaiyak na nang tuluyan si Rich nang dahan-dahang naglakad ang babae papunta sa kan'yang direksyon. Kung tatakbo s'ya papalabas nang kwarto, hindi naman n'ya magagawa dahil nakahara roon ang babae at ang malawak na dugo sa lapag.

"'D'yan k-ka lang! P-Please! ARRRR!" malakas n'yang sigaw. Nagbabakasali s'yang maririnig ng iba pang kasamahan. Pero para bang ang hina ng boses n'ya at bulong lang ang nagawa n'ya.

Nanlaki ang mga mata n'ya nang sumuka na ng dugo ang babaeng nasa harapan. Hindi n'ya parin makita ang mukha nito dahil sa ilaw sa likuran dahilan para bulto lang nito ang makita n'ya. Pero kitang kita n'ya ang pagbuga ng maraming dugo nito sa kan'yang bibig. Pakiramdam nga n'ya, may tumilamsik rin na dugo sa kan'yang mukha at sa kama nila ng kapartner na si Leo.

Hindi na nakayanan ni Rich nang makita n'ya ang mukha ng babae.

"AHHHHHH!"








NERRY CARANDANG

NAKITA KO ANG dalawang lalaking kasama namin ni Nico kanina dito sa unang palapag ng bahay. Kasalukuyan na silang bumababa ng hagdanan. Inalis ko ang tingin ko nang agad na magtama ang tingin namin ni Alvin.

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon