Chapter Twenty Eight 1/2

89 5 0
                                    

This chapter is dedicated to iHeartChu724
NERRY CARANDANG
DAY THREE - WEDNESDAY
@12:27AM

SA LAHAT NG nangyari sa 'min dito sa loob ng bahay na 'to, bigla ko nalang namiss si Dad. I never knew him, well, naaalala kong nakilala ko siya 'nung hanggang ten ako pero ngayong nasa tama na akong pag-iisip, hindi na. Kasi wala na siya. He's a soldier at namatay siya sa huling battle ng bayan namin sa Montana. Ang Montana ang huling bayan sa bansa namin at puro kaguluhan do'n. Walang nakaligtas sa gyerang naganap sa Montana eight years ago kaya naparam lahat ng ala-ala ni Dad sa 'kin. Hindi lang ako ang nag-iisang anak ng mga sundalong namatay sa labanang 'yon pero pakiramdam ko, ako lang ang nakakaramdam ng ganitong sakit sa kalooban. Naaalala ko siya noong tumatawa sa mga biro ko pero ni hindi ko na maalala pa sa memorya ko ang mukha niya. Maaalala ko lang ang mukha niya sa tulong ng mga litratong nakaframe sa bawat pader ng bahay namin. Basty never saw dad by the way. And I feel bad about it.

Pang tatlong bahay na namin ang bahay namin sa Annalyn Subdivision kung sa'n nakatira rin si Cha. Kilala ang subdivision na 'yon sa pagiging . . well, rich-like subdivision dito sa lugar namin. Pero hindi ko kailanman inadmit na mayaman kami. Hindi ko gusto ang pakiramdam na mayaman ako. Gusto ko lang laging simple at laging maayos ang lahat. Kung nasa'n si Basty, nandun ako.

And I promise to him that I'll be home so I'm doing my very best to get home soon enough without injuries like Alvin got. Kung iniwan ni Dad si Basty, hindi ko kailanman 'yun gagawin.

I came back to my senses nang madinig ko ang pagbagsak ng isang bagay sa sahig. Napatingin ako sa direksyon ni Rich na kasalukuyan nang dinadampot sa lapag 'yung boteng nahulog. She look at us with worried face na mukhang nag-aalala kung may naistorbo ba sa 'min dahil sa ingay na nagawa niya. Ngumiti lang ako ng tipid sa kaniya bago ialis ang paningin ko. Nang tingnan ko ulit siya after seconds, nakapikit na siya kagaya ng iba pa naming kagrupo sa kaniya-kaniyang couches.

We're here at the living room. Oh wait, I have a . . small trivia bago ang lahat. I'm sorry, I'm bored and creeped out at this house so please let me say this. So . . noon, ang tawag talaga sa living room o sala ay ‘dead room’. Kapag kasi may namamatay na kapamilya nila, 'dun nila ibinuburol sa sala kaya tinawag nila 'tong dead room. But then time pasts, napalitan ang dead ng living kaya naging living room. Nasapo ko na lamang ang mukha ko dahil sa naisip ko. Seryoso ba 'ko? Hindi nakakatulong ang pag-iisip ng ganito sa ganitong oras at sa pangyayaring nangyari sa amin kanina.

Kanina ko pa tinititigan ang orasan sa itaas ng hallway na parehas naming ayaw ni Ferdi. The small stick ay nanatili sa numerong kanina pa niya kaharap na nasa pinakaginta. And the longer one ay nasa seven na numero na. 12:35 na, sakto.

11:30 kanina nang mabuhay lahat ng sabay-sabay ang ilaw sa buong kabahayan. Napairit ako 'nung oras na 'yun habang nakaalalay ako kay Alvin habang bumababa kami ng hagdanan. When all the lights went on, nagsibalikan lahat ang mga kagrupo namin na nasa labas, papasok ng bahay habang isinisigaw ang pangalan naming dalawa ni Al. We never had breakfast and good sleep until now. Hindi manlang ako nakakaramdam ng antok at kung aantukin man ako, baka sa pagdating na ng araw ako matulog.

Tiningnan ko sa lalaking nakasandal sa kanan kong balikat. Kanina pa ako nagiingat na baka magising siya sa maliliit kong mga paggalaw. Ngalay na nga ako sa totoo lang. Pero hindi magiging okay na ganito si Alvin kung 'di dahil kay Cha. Unfortunately, nalaman naming lahat kanina—'nung ginagamot ni Cha si Alvin at si Leo—na parehas Doctor ang mom at dad niya kaya alam niya kung paano manggamot sa tamang paraan hindi gaya ng ginawa ko kay Leo. Tama naman daw ang ginawa ko kay Leo sa mga oras na 'yon pero may mga procedure na nakalimutan. Mayro'n ding dala si Cha na mga licensed medicines and hospital things—na hindi ko alam kung anong tawag—kaya wala na kami halos na problema. Perks of being rich.

Inilibot kong muli ang aking paningin sa mga kagrupo ko. Nakapikit ang halos lahat at si Cha nalang at ako ang nakamulat. Tulala parin siya habang nakayakap sa kaniyang mga tuhod. Napatingin siya sa 'kin pero inalis niya rin kaagad ang mga mata niya nang makita niyang nakatingin din ako sa kaniya. Sobra yata siyang natakot sa nangyari. Akala ko kanina, si Rich ang pinakanatakot sa 'ming lahat but I'm wrong. It's Cha.

Hinawi ni Cha ang brown-blonde niyang buhok papaitaas dahil humaharang 'yon sa kaniyang mukha. Nakita kong napatingin siya sa direksyon ni Ferdi na kasalukuyan nang natutulog sa kaniyang puwesto. Umubob nadin si Cha sa kaniyang mga tuhod pagkatapos niyang tingnan si Ferdi. Nagkaiba-iba na kami ng puwesto rito sa mga sofa. Napapunta ako sa sofa nina Rich, Alvin at Cha. The way Cha looked at Ferdi is something. It's like . . me kapag tinitingnan ko ang lalaking gusto ko.

Inalis ko ang paningin kay Cha at tiningnan ang unang lalaking sumandal sa balikat ko, bukod kay Basty. Hinawakan ko ang braso ni Alvin bago ko isinandal ang ulo ko sa ulo niya. Nawala lahat ang takot na ilang oras ding kumapit sa dibdib ko. Ipinikit ko ang mga mata ko.

Six Days of HorrorUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum