Chapter Twenty Two

66 5 0
                                    

NICHOLAS ROBERTS
DAY TWO - TUESDAY
@4:32AM

I LET OUT a groan nang magising ako. Mabigat ang ulo ko at hindi nakatulong ang matigas kong kama na walang matinong kutson. Naalala ko si Joanne, nakababata kong kapatid. She's fifteen at magna-nineteen naman ako sa darating na Webes. They don't know, my group mates, at mas mabuti na 'yun. Ayoko ng maingay; kilala ko na sina Richelle, kapag nalaman nilang birthday ko, maghahanda 'yung mga 'yun kahit na nandito kami.




Napatitig ako sa ceiling na sobrang dilim. Mabuti nalang at bukas ang pintuan ng kwarto namin ni Nerry dahilan para mailawan noon ang kaunting parte ng kwarto namin. About Joanne . . uh, my little sister's dead. Magwa-one year na siyang patay this darating na Myerkules, before my birthday. Kaya rin hindi na naging mahirap pa kina Mom na sumama ako sa activity na 'to at hindi makapag-celebrate sa bahay. They forget about the date when I was born. They forget about me also.




I missed Joanne and I'm stilling missing her until now. Hindi naging madali ang pagkawala niya sa 'kin. At inaamin kong hindi ko parin 'yun matanggap hanggang ngayon. Ang pagkamatay din ni Joanne ang naging dahilan kung bakit bigla nalang akong naging unsociable. Kilala ako sa buong campus noon, hanggang ngayon padin naman, pero hindi na ako ganung kasigla sa pakikitungo sa kanila. Madami naring lumayong kaibigan sa 'kin at si Ar nalang ang natira sa 'king kaibigan sa kanilang lahat. After all, hindi ko rin naman siya itinaboy.




Nang maalala ko si Nerry, bigla akong napabangon at tiningnan kaagad ang kama niya. Nakita kong wala siya at tanging unan niya ang nakahiga ro'n. Where's she? Baka nasa baba. What time is it? Itinaas ko ang braso ko at tiningnan ang oras sa aking G-shock. 4:35 in the early morning.




Knowing Nerry, hindi siya gumigising ng maaga like four in the morning kaya anong dahilan at nagising siya? Matapos siyang managinip ng masama kagabi, dapat nagpapahinga pa siya ngayon. Tsaka, hindi pa magaling ang paa niya.





Napadako ang paningin ko sa lapag nang may kumorteng anino ro'n. Otomatiko akong napatingin sa pintuan ng kuwarto namin ni Nerry. May bulto ng taong nakatayo ro'n pero dahil against the light ang tayo niya,  hindi ko makita ang mukha niya kung sino siya.





"Nerry?" tawag ko rito. Pero nanatili 'tong nakatayo na para bang pinagmamasdan niya ako ro'n sa tayo niya. Napakunot ang noo ko nang mapagtanto kong kakaiba ang buhok niyang sobrang gulo na hindi ko alam kung hindi ba siya nagsuklay ng ilang linggo o hinipo manlang 'yon ng kamay niya. Kakaiba rin ang damit na suot niya na mukhang daster o night dress. Kinusot ko ang kanan kong mata at tiningnan ulit ang pintuan. Nandun padin 'yung babae. Ni hindi manlang 'to gumalaw sa tayo niya.





Imbes na magtanong ulit na alam ko namang hindi niya sasagutin, mabilisan kong inalis ang kumot na nasa katawan ko at agad na tumayo. Dumaing ako sa sakit ng ilang mga muscles ko sa katawan lalo na sa dalawa kong hita. Pakiramdam ko, para akong tumakbo ng ilang kilometro nang hindi nagwa-warm-up at kinabukasan pagkagising, mananakit lahat ng muscles sa katawan mo.




Ilang dipa ang layo ng kama ko sa pintuan kung saan nandun padin 'yung babae na sa tingin ko'y nakayuko ang ulo pero sa akin padin nakatuon ang paningin. Kung trip man 'to ng iba ko pang mga kagrupo, magagalit ako sa kanila. Dahan-dahan akong humakbang papunta sa direksyon ng pinto.




Napako ako sa kinatatayuan ko nang madinig ko ang mahinang paghagulhol ng babaeng ilang hakbang nalang'y puwede ko nang mahigit at iharap sa ilaw para matingnan ang mukha niya na nakatago sa kaniyang malagong buhok. I'm very interested in her.




"Hey," pagtawag ko sa kaniya pero nanatili siyang humahagulhol. I step back nang humakbang siya papasok dito sa loob. Muntik pa siyang matumba sa ginawa niyang paghakbang dahil todo ang panginginig niya na hindi ko alam ang dahilan. I'm no doctor or taking a nursing course but my mind will help.





Tumaas ang isa niyang kamay papunta sa bibig o mukha niya; hindi ko parin kasi talaga siya makita dahil nakatalikod siya sa liwanag dahilan para bulto niya lang ang makita ko at ang katawan niya.





"Don't cry. Who are you?" I asked. Then it hit me. Is this girl . . a d-demon na nagpapanggap lang na multo? I don't have a fucking idea if this girl is truly a ghost but I just gonna go with the flow. If this is a dream, papabayaan ko nalang din. Don't have an option, nandito na 'ko.




"A-Ako si . . . s-si—"




Naputol ang sasabihin niya dahil umiyak na siya ng tuluyan. Hindi na hagulhol kailanman. Hindi ko alam ang gagawin ko. She's small. .  so fragile. Dahil sa panginginig niya, halos mawala ako sa sarili ko. It reminds me of my Joanne.





"J...Just t-tell me your name." halos maging bulong nalang ang huli kong salitang sinabi dahil sa kawalan ko ng hangin na nalalanghap ko sa ere. Pakiramdam ko, para akong nasa isang silid na walang pinto at bintana na puwedeng labasan. I'm trapped inside.




Damn it Nicholas! Work your mind!




"B-Ben. . ."




"Ben?" bulong ko na halos ako nalang ang nakadinig. Sino si Ben na sinasabi niya?




Humakbang ulit siya ng isang hakbang para lapitan ako at hindi na ako nakahakbang pa papaatras dahil sa takot na nararamdaman. Oo, natatakot ako ngayon sa presensya ng babaeng 'to. Ngayon nalang ulit ako natakot.




Napalunok ako, "W-Who are you?"




Humakbang ulit siya at halos isang dipa nalang ang layo namin sa isa't-isa. Ngayon ko lang napansing ang bawat hakbang na ginawa niya'y nag-iwan ng dugo sa lapag. Napabuka ang bibig ko. When I turn to face the girl, napamura ako nang nasa harapan ko na siya. I almost smell her body scent na halos pagsisihan kong bakit ko nasinghot pa. Pinigil ko ang hininga ko saglit.





"A-Are you. . . a demon?" I manage to say. Itinaas niya ang mukha niyang pinipilit ko lang aninagin kahit na sobrang dilim. Iniatras ko ang paa ko ng sunod-sunod pero tumigil din kaagad ako nang maramdaman ko ang pader sa likuran ko. Hindi humakbang ang babeng kaharap ko kung 'di tumalon para lundagan ako. Nanatili akong nakatayo. If this is dream, I don't want to wake up, I want to die with it.





Itinaas ulit ng babae ang mukha niya para titigan ako. Sa pagkakataong 'to, medyo nakikita ko na ang mukha niya. At agad ko ring pinagsisihan kung bakit ko pa ginustong makita ang mukha niya. Her face is much messed up kaysa sa katawan at amoy niya. Ang itaas ng dalawa niyang mata, her eyelids, ay mayro'ng maliliit na butol na alam kong tubig ang nasa loob. Her eyes . . . my dear lord, her eyes was color yellow at ang pupil niya sa gitna'y nagmistulang tuldok. Matangos ang ilong niya pero may kulubot 'yon na hindi ko alam kung paano nangyari. Parang lupang tuyo ang labi niya at kulay violet iyon.





"I'm not a. . . demon. Ako i-ito, B-Benson! I'm real!"




Napaupo ako sa lapag nang sigawan niya ako sa pagmumukha ko. Ipinikit ko ng madiin ang mga mata ko at pilit na inalis ang imahe ng babae sa isipan ko. Alam kong panaginip lang 'to kaya hindi dapat ako mag-alala.





'Yun ang akala ko.




Naramdaman ko ang pag-upo niya sa harapan ko. Sunod kong naramdaman ang kamay niyang nanginginig padin sa isa kong pisngi. Malamig ang kamay niya at matigas na parang may butol butol din. Gusto kong alisin at italsik ang kamay niya sa mukha ko para hindi ko iyon maramdaman pero nanatili sa lapag ang dalawa kong kamay. I just. . . I fucking can't. She's not my Joanne! She's a girl that have a messed up face! Fuck!





"Everything's going to be alright my dear boy," bulong niya. Normal lang ang boses niya pero hindi nakaligtas sa tainga ko ang mahina niyang pagbungisngis. Nawala ang kamay niya sa mukha ko dahilan para magpasalamat ako sa Diyos sa aking isip. Then I fell something cold and hard touch my lips. What the — ?




S h e  j u s t  k i s s  m e.





Nang imulat ko ang mga mata ko'y wala na ang babae sa harapan ko. Hinawakan ko ang pisngi kong halos maramdaman ko parin ang kamay nung babaeng nakahawak do'n. Hinawakan ko ang labi ko.





Naramdaman ko nalang na nakahiga na ako sa lapag at naghahabol ng aking hininga.

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon