Chapter Two

240 14 3
                                    

NERRY CARANDANG
SUNDAY
@8:31PM

HUMIGPIT ANG KAPIT sa strap ng aking mabigat na bag pack nang magsimula ng mag film si Alvin. Bakas sa mukha niya ang tuwa habang nakatingin siya sa camera at vinivideohan kami. Iyon talaga ang gusto niyang profession paglaki.

Magte-take ulit siya ng ibang course pagkagraduate namin sa IT course namin ngayon; at sa Sunny High College naman siya magte-take ng Professional Photography course. Well, iyon ang pagkakaalam ko kasi sinabi niya sa aming klase one time.

Information Tech kasi ang course namin. At tama kayo, walang connection itong paranormal activity na gagawin namin sa profession namin. Ang ipinagtataka pa namin, major namin itong subject na Paranormal 101.

"Nerry, say hi!"

Napapikit at napaatras ako nang kaunti nang itinapat ni Alvin sa mukha ko ang camera.

"H-Hi." Tipid kong bati.

"Your cute in the camera, Ner." Nahiya ako sa sinabi ni Alvin kaya umiwas nalang ako sa camera at naglakad papalapit kina Ar at Nico na busy sa pagbubukas ng gate.

"You like Nerry, 'no?" rinig kong sabi ni Rich kay Alvin na ikinatawa lang nito. I chose not to hear.

"Let me do it." Sabi ko kay Ar kasabay nang pagkuha ko sa maraming susing hawak niya. Iniisa-isa kasi niya iyon dahil hindi niya alam kung alin ang para sa gate.

Pinili ko ang dark brown na susi sa may pagitna at ipinasok iyon sa kandado ng gate. Nagbukas iyon at nauna na akong pumasok sa loob.

"How did she do that?" Rich asked.

"Perks of being smart." Napalingon ako kay Nico nang sabihin niya iyon. Nagtama ang mga mata namin sa isa't-isa kaya mas pinili kong mag-iwas ng tingin.

"Okay, line up!"

Bumalis ang tibok ng puso ko sa pasigaw ni Ar na parang isang ROTC officer. Oo nga pala, ROTC officer siya noong freshmens/first year college pa kami. Agad akong tumalikod at luminya sa nakalinya nang mga kagrupo ko. Ako ang pinakalast na lumine up. Nasa harapan namin si Ar at nasa gilid naman si Alvin para kumuha ng video sight namin.

"Gaya nang napagkasunduan, by twos lagi kayo gagawa. Hindi p'wedeng gumawa ang isa kapag hindi n'ya kasama ang kan'yang partner. Yun ay kapag oras na ng activity natin. Pero kapag kumakain na tayo at ginagawa ang ating personal routine, okay lang na hindi."

Nakinig lang kami kay Ar na parang kaniyang alagad habang nakatingin sa kaniya. Napagkasunduan kasi namin na ang magiging parang lider nalang namin ay si Ar. Well, kahit naman hindi kami magkasundo sundo tungkol doon, siya parin ang pipiliin ng lahat. Including me, of course.

"Sabay-sabay tayong papasok sa loob. Nerry, you're the first with Nico on your side. Partner kayong dalawa. Rich and Me ang nasa likod n'yo, third line is Cha-cha and Leo. Fourth, Alvin and Fernando."

Sang-ayon naman ako sa ginawang pagpapartner sa'ming lahat. Pero hindi ko magawang mag-alala kay Cha-Cha. I made a promise to her na kakausapin at magiging kumportable siya sa grupong 'to para hindi siya kainin ng takot habang nagaactivity kami.

Base kasi sa partner niyang si Leo, wala naman siyang ikakatakot dahil big boy si Leo. I mean, kapag inatake na kami ng ghosts and so on, kaya niyang ipagtanggol si Cha. Kahit na hindi naman talaga ako naniniwala sa multo.

Umalis ako sa linya kaya nakita ko sa gilid ng mata ko na nagsitinginan ang lahat sa akin. Pati narin ang camera ni Alvin, naitutok niya sa akin.

"Hey, Ar. Can I talk to you?" sabi ko.

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon