Chapter Twelve

119 7 1
                                    

NICHOLAS ROBERTS

NAGISING AKO NANG tumunog ang random alarm ko sa aking G-shock. It's already 5:29 in the morning. Bumangon ako sa kama ko at doon ko lang nalaman na nasa kwarto na namin ni Nerry pala ako nakahiga. Ang natatandaan ko, doon ako nakatulog sa kusina habang umiinom ng kape.

Dumako ang paningin ko sa kama ni Nerry. Naaninag kong nandodoon siya, nakahiga habang nakabaluktot. Iniikot ko ang mata sa kwarto namin. Maliit lang 'to kumpara sa ibang kwarto ng iba pa naming ka-grupo. Sa tingin ko, ito ang pinakamaliit. Pero, ito lang din ang may dalawang kama sa iisang silid. The rest of the rooms have a queen size bed.

Mas mabuti na sa 'kin 'yung ganito. Ayokong makatabi si Nerry. I have my own reasons.

Umalis ako sa higaan ko na walang kaunan unan o kumot manlang. Napansin kong wala ring unan at kumot si Nerry. Naalala kong may travel pillow nga pala ako sa bag kaya agad ko iyong kinuha sa bag ko sa lapag ng kama ko.

Naglakad ako papunta sa higaan ni Nerry. Nakita ko kung paano siya matulog ng mahimbing na ang gamit na unan ay ang kan'yang braso. Itinaas ko ng marahan ang ulo niya at ibinaba ang kaniyang kamay. Inilagay ko ang travel pillow ko sa ulo niya at mas lalo pa siyang nahulog sa pagkakatulog. Napangiti ako ng bahagya.

Tumalikod na ako para sana lumabas na ng pintuan. Pero natigilan din ako kaagad nang makitang may sumilip na babae roon sa pintuan namin. Bukas kasi iyon at tanging ang ilaw lang sa hallway ang nagbibigay ng kaunting liwanag dito sa loob ng kuwarto namin. Teka, sino 'yun? Naglakad ako papunta sa labas ng pintuan at sinilip ang hallway. Wala akong nakitang tao ro'n bukod sa kwarto ng mga ka-grupo kong nakabukas din.

Napakunot ang noo ko. Kung isa nga 'tong multo o demon to be exact, this is this right time. Gusto ko kasing makakita ng ako lang ang nakakakita. Kung naguguluhan kayo sa sinabi ko kanina, well, wala talagang mga multo. It's demons na nagpapanggap lang na nga kaluluwang ligaw dito sa lupa. There's no such things about ghosts, it's all about demons.

Naglakad ako ng dahan-dahan sa tahimik na hallway. Tiningnan ko ang kwarto ni Ar at Charlene sa kasunod lang na kwarto namin. Nakita ko silang tahimik na natutulog. Naglakad pa ulit ako at tumigil sa kwarto ni Leo at Rich. Natutulog na sila at wala na ang dugong nasa lapag. Pero nag-iwan iyon ng mantsa roon na kulay pula. Sunod akong tumigil sa kwarto nina Alvin at Ferdinand na halos katapat lang din ng kwarto nina Leo. Bukas din ang kwarto nila at tahimik nadin silang natutulog.

Doon ko nalaman na hindi isa sa kanila 'yung sumilip kanina sa kwarto namin ni Nerry. Kung sinoman 'yon, gusto ko siyang makita.

Naglakad ako papunta sa hagdan. Natigilan ako saglit at napatingin sa bukas na cr dito sa itaas. Nakita ko ang repleksyon ko sa salamin na naroon sa loob. Inalis ko ang tingin doon at bumaba na sa hagdan.

Unti-unting lumakas ang pintig ng puso ko sa dibdib na minsan lang mangyari sa 'kin. I tried to inhale and exhale calmly pero hindi ko magawa ng maayos. Hindi nakakatulong ang walang kailaw-ilaw na unang palapag ng bahay sa kabang nararamdaman ko. Umakyat nadin ang takot sa sistema ko. Masama 'to.

Pagkababang pagkababa ko sa huling baitang ng hagdan, may bumukas na ilaw doon sa hallway sa may tabi ng kusina. Nagkaroon ng kaunting liwanag dito sa sala. Pero, sino namang nagbukas ng ilaw do'n? Mahina akong napamura.

Agad akong naglakad papunta roon sa dalawang laptop na nasa lamesa sa gitna ng mga couch na nakapaikot. Bukas padin ang mga laptop na 'yon at naka-ON ang mga night vision footages. Hindi ko alam pero una kong hinanap ang footage ng kwarto namin ni Nerry. Hindi ko alam pero gusto kong masigurong ligtas siyang natutulog.

Six Days of HorrorHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin