Chapter Twenty Four 1/2

91 4 0
                                    

NERRY CARANDANG
DAY TWO - TUESDAY
@5:57PM

“NAKAKAPAGTAKA NGA RIN talaga 'yun.” reaksyon ni Rich nang sunod naming mapagusapan 'yung tungkol sa biglaang pagba-black out ng mga CCTV footages kapag may nangyayari sa 'ming hindi maganda sa bawat parte ng bahay na 'to. Nalaman din namin na nagblack out 'yung footage ng hagdanan at itaas ng hagdanan nang mahulog ako run kahapon. Nakakapagtaka nga talaga.




"Baka naman abnormal talaga 'yang mga CCTV mo Fernando?" natatawa tawang biro ni Leo dahilan para agad na magtaas ng nakakuyom na kamao si Ferdi sa direksyon ni Leo habang nakangisi.




"Gago. Mga high tech na nga ang mga 'yun. Ewan ko ba." sagot ni Ferdi nang maibaba niya ang kaniyang kamay. Agad naman akong naniwala sa sinabi ni Ferdi. Ang old fashion man ng pangalan at apelyido niya, kabilagtaran no'n ang buhay niya.




Gaya ng nakagawian, kaniya-kaniya kaming upo rito sa mga sofa. Pinaggigitnaan ako ni Ferdi at Nico, nakaupo naman sina Ar at Leo sa tig-isang single sofa na magkaharapan, sina Cha, Rich, at Alvin naman ang magkakatabi sa kaharap naming mahabang sofa. Halos hindi na maghiwalay pa ang dalawa ni Rich at Alvin. Medyo naaasiwa na nga ako kapag tinatapunan ko sila ng tingin. Ganito na talaga ako kapag may nakikita akong dalawang taong naghaharutan.




Kanina pa kaming mga five pm nakatambay at walang ginagawa rito sa sala. Nagkukwentuhan lang kaming lahat kapag may nag-open up sa amin. As if namang magsalita ako. Busy din ako sa pakikipag-text kay Mr. Misterio.





Inilinga ko ang paningin sa mga kagrupo ko. Busy si Nico sa pagtitipa sa laptop ng documentary namin. Si Ferdi naman sa tabi ko ay nakapikit habang may pasak sa dalawa niyang tainga na earphones. May hawak namang phone si Ar at may katext ito. Si Cha ay may hawak ding phone pero nananuod ito ng video o movie dahil naka landscape ang phone na hawak niya sa kaniyang kaliwang kamay at masisinsinan siyang nakatingin dito. Nakacross position din siya at halata ang kaunti niyang inis dahil sa maingay na katabi. Sobrang magkadikit ang mga balikat at braso ni Rich at Alvin habang kumakain sila ng Picka na chichirya at nagkukwentuhan. Halos madinig ko nga ang kuwentuhan nila. Si Leo naman ay nasa dati nitong gawi, naglalaro ng Racing Grace. Napatingin sa 'kin si Leo dahilan para taasan ko siya ng kilay at ngitian ng bahagya.




"Sinong magluluto ng dinner nati—"




Hindi na natapos pa ni Ar ang itatanong niya nang nagpaunahan na sa pagsagot si Ferdi at Leo. Halos itago ko ang mukha ko sa phone na nakaharap sa 'kin dahil ako ang sinabi nilang magluluto. Tiningnan ko silang dalawa ng masama pero sa nagbibirong paraan.





"Si Nerry nalang please. 'Di naman masarap luto niyo eh. Hehe peace." natatawa-tawang sabi ni Ferdi kay Ar at Rich. Tumingin nang masama si Rich sa direksyon ng katabi ko at walang ibang nagawa si Ferdi kung 'di iiwas ang tingin niya.




"Pabor ba ang lahat na si Nerry ang magluluto?" tanong ni Ar. Tumango lang si Nico sa tabi ko at nagpatuloy na ulit sa ginagawa niya. Ang sagot nalang ng dalawa nina Rich at Alvin ang hinihintay namin na mukhang hindi naman nila alam dahil wala silang tigil sa pagdadaldalan. Iniiwas ko ang tingin sa kanila at tumayo nalang. Saka ko nakuha ang atensyon nila base sa gilid ng aking mata.




Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now