Chapter Twenty Six

99 5 0
                                    

THIRD PERSON'S
DAY TWO - TUESDAY
@10:43PM

KUNG KANINA'Y HALOS mapuno ng sigawan ang buong bakuran at kabahayan na pagmamay-ari ng pamilyang Clemente kung saan nagsasagawa ng paranormal activity ang grupo nina Nerry, ngayo'y halos huni nalang ng kuliglig ang madidinig sa bakuran kung sa'n sila nakabilog at nakaupo sa damuhan.


Walang may gusto sa kanilang magbukas ng usapan o pag-usapan manlang ang nangyari sa kanilang wari'y kababalaghan kanina lamang. Maging ang pinakamalaki at pinakasiga sa grupo na si Leo ay bigla na lamang nayuping parang lata dahil sa nangyari. Gaya ng lahat, labis itong natakot lalo nang sakalin siya ng babaeng nakita nila ni Nerry 'nung silang dalawa lang ang nasa ibaba ng bahay bago pa mangyari ang insidenteng nakapagpalabas sa kanila sa loob ng kabahayan.


Sa pinakagitna ng grupo ay nandodoon ang takot na takot na si Cha at Rich. Nasa kaliwa nilang dalawa si Ar at ang nasa kanan naman ay si Ferdinand. Nasa likuran sina Nico at Nerry at nasa unahan naman nila ang balisang si Leo. Kung maputi lang siya, makikita ng lahat ang bakat sa kaniyang leeg ng pagkakasakal sa kaniya 'nung babaeng bigla na lamang sumulpot sa loob ng bahay kanina.


"Last time I get scared, I slept to my mom's bed." bulong ni Rich sa matinding katahimikan na nadinig naman ng lahat.


"Last time I get scared, I cried." sabi naman ng katabi niyang si Cha na halos mamugto na ang dalawang mata sa kaiiyak.


Naitunghay ni Nerry ang ulo niya sa pagkakaubob sa dalawa niyang magkapantay na tuhod at nagsalita, "Last time I get scared, nagtago ako ng ilang oras sa cabinet sa kuwarto ko. Ayun, naisugod ako sa hospital sa kawalan ng hangin sa katawan. Not a nice move."


Napatawa ang ilan sa kagrupo ni Nerry kasama na sina Ferdinand at Leo. Agad na nag-isip ang dalawa ng maiibahagi pati narin ang kanina pang walang-imik na si Nico. Bakas sa mukha ni Leo ang matinding pag-iisip. Napatingin si Nerry sa katabing si Nico at doon lang nila nalamang dalawa na magkahawak-kamay padin pala sila. Pero nanatiling magkakapit ang kanilang mga kamay.


"‘Nung time na huli akong matakot, nagbike ako gabing-gabi." nagdadalawang-isip na sabi ni Ferdinand na ikinakunot naman ng noo ng mga kagrupo niya.


"Ang weird naman no'n." reaksyon ni Charlene. Agad na namula ang dalawang tainga ni Ferdinand nang madinig ang boses ng kaniyang matagal ng crush. Sandali niyang nakalimutan ang takot na nararamdaman.


"Anong nangyari sa'yo 'nung gabing 'yon?" pagtatanong ni Nico na nasa hulihan. Lahat ay nagtaka nang bigla na lamang nagsalita ang kanina pang tahimik na binata at iyon pa ang itinanong niya. Sandali tuloy napatingin sa Ferdinand kay Nico bago niya ibaba ang paningin sa damuhan. Napatingin lang din pabalik si Nico sa lalaking binigyan ng tanong.


"My mother tried to kill me," bulong ni Ferdinand. Umiling-iling siya nang mayro'n siyang napagtanto. "Mali. My mother wants to kill me that time."


Napatinging lahat kay Ferdinand ang mga kagrupo niya. Maging si Leo na nasa unahan nila, napalingon kay Ferdinand na para bang gusto nitong malaman kung totoo ba ang kakasabi lang ng binata o kung biro lang ito. Naghintay ng pagtawa ni Ferdinand ang lahat pero bigo sila.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now