Chapter Thirteen

117 7 0
                                    

NERRY CARANDANG

HINDI PARIN maalis sa isip ko 'yung napanaginipan kong babae na nasa harapan ng kama ko dun sa kwarto namin ni Nico. Pakiramdam ko talaga, totoong nangyari 'yon dahil halos nakikita ko parin siya sa isip ko kapag pumipikit ako't inaalala ang napanaginipan ko. Minsan talaga, may mga panaginip na pakiramdam natin ay totoong totoo. Pero ang totoo, hindi 'yun totoo.

"Nerry?"

Napatingin ako sa katabi kong si Rich dito sa isang mahabang sofa. Nakaplaster sa mukha niya na okay na talaga siya. Base sa kilos niya, hindi na niya ulit gagawing tumakas dito sa bahay na 'to gaya nang ginawa n'ya kaninang madaling araw.

"Ha?" Reaksyon ko sa pagtawag niya sa akin. Natuon ang paningin ko kay Nico na nakaharap na naman sa pwesto niya doon sa dalawang laptop na nasa table. May tinitipa siya roon base sa nariribnig ko. Kitang-kita ko ang mukha niya dahil sa liwanag na tumatama sa mukha n'ya mula sa dalawang laptop na naka-on parin.

"May sinasabi kang totoo thingy. Anong iniisip mo?" Pumiraso si Rich sa hilaw na noodle ng pancit canton na hakaw niya. Kanina niya pa iyon inuutik-utik. Nakita kong napatingin sa amin si Nico base sa gilid ng mata ko.

Hinawi ko ang buhok ko papaitaas. "Wala lang yun." Itinuro ko ang pancit canton na hawak niya. "Kinakain mo talaga 'yan ng hilaw?"

Napatawa ng malakas si Cha. Charlene talaga ang pangalan niya pero dahil ‘Cha’ na ang karaniwang tawag sa kaniya ng halos buong klase, Cha nalang din ang itinatawag ko sa kaniya. Si Cha ang prefection ng salitang bipolar. Bipolar in a good way.

"Oo! Ang sarap kaya!" rinig na rinig ko ang paglalaguktukan ng mga hilaw na noodles sa bibig n'ya. Hindi naman sa nadidiri ako pero ang pagkakaalam ko, nabubuo ang uod o bulate ata sa hilaw na noodles. Well, hindi naman ako sigurado ro'n.

"Sabi, kapag kinain mo ang noodles ng hilaw, may mabubuong mga uod do'n. At sa kaso mo, baka kanina pang nageenjoy ang mga uod sa tiyan mo." Sabi ni Nico. Hindi niya inaalis ang kaniyang tingin sa laptop pero kitang-kita ko ang pilyong ngisi sa labi niya.

Agad na naitapon ni Rich ang pancit canton sa lapag. Mabuti nalang at carpeted floor, hindi na lumayo pa ang plastic. Mabuti nalang rin at walang natapon dahil nasa loob lalagyan ang noodles.

"Eew ka naman Nico e! Ang sama sama mo talaga! Totoo ba 'yon?" Puno ng pagsisisi ang boses at mukha ni Rich. Pinigilan kong matawa.

"Totoo 'yon."

Agad na naduwal si Ricu at nagtatakbo doon sa may hallway. Hinatid ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya. Ibinalik ko ang tingin kay Nico at nilapitan siya.

"You're suck a jerk, Nicholas! Tingnan mo 'yung tao!"

Tumawa siya. Hindi parin inaalis ang tingin sa laptop na patuloy niyang tinitipa. "Kasalanan ko bang naniwala s'ya?"

Napaismid ako. He is indeed a manipulator. Kahit na joke lang naman talaga 'to.

Napuno ng saglit na katahimikan ang unang palapag ng bahay. Nandoon kasi halos sa taas ang iba at nagaayos ng kani-kanilang mga gamit at kwarto. Kaming tatlo lang nina Rich ang nandito sa baba. Oh, nandito narin pala si Leo. Nakita ko siyang bumababa. Nakita ko rin si Alvin na kasunod niya. Nagtagpo ang mga mata namin at ako na ang naunang nag-iwas.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now