Chapter Three

152 10 0
                                    

NERRY CARANDANG
SUNDAY
@8:51PM

"OH, YOU TWO saw a ghost just right now." sabi ni Nico nang makapunta s'ya sa posisyon namin ni Alvin. Hindi ko alam kung ginamit nanaman ba n'ya ang powers n'ya sa pagbabasa ng isip.

Napatingin si Nico sa lapag at nakita n'ya ang basong plastik roon. Alvin's cam is still on and now facing Nico's face.

Lumapit si Nico sa baso at dinampot iyon. Pipigilan ko pa sana s'ya pero huli na.

"Something's wrong?" tanong ni Nico.

"Come here." Naglakad si Alvin pabalik sa may sala kaya sumunod nalang kami ni Nico. Bakit gising pa s'ya? Hindi ba s'ya makatulog o hinihintay n'ya— wait, am I serious of what I'm thinking?

Umupo kaming magkakatabing tatlo. I'm not embarrassed at them at all. Hindi ko alam, ang gaan na ng loob ko sa kanila including Cha. I mean, kayang kaya at hindi na ako nahihiyang pakisamahan sila not like the others.

Ipinanuod ni Alvin ang nakunan naming video kanina kay Nico. Nakakunot ang noo ni Nico sa panunuod n'ya ng footage  hanggang sa matapos ito. Three to four minutes ang itinagal ng video.

"Can you stop at 3 something part?"

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Alvin. Nico asked that hindi dahil ayaw n'yang mangialam sa camera ni Alvin. It's because he didn't know how to use it.

"Sige." Pinindot ni Alvin ang mga button na hindi ko rin naman alam sa totoo lang, andami kasi niyong button at mga signs lang ang nakasulat at walang words. Nagplay ulit ang video simula sa una. I saw my ugly face sa video. Ang pangit ko pala talaga sa picture lalo na sa video. Napaka sinungaling nitong si Alvin nung sinabi n'yang ang cute ko raw.

"Stop there."

Agad namang ini-stop ni Alvin ang video sa may part ng kusina. Nasa ere sa nakastop na video yung plastik na bote. Kulay violet iyon kaya kitang kita.

"Play it."

Pinindot ni Alvin ang play nang sabihin iyon ni Nico. Tutok na tutok kaming tatlo sa camera ni Alvin. Nakita namin kung paano lumipad at tumalsik ng kan'ya yung baso. Hindi naman tatalsik ng ganun kaatas yung baso kung hangin lang. It is because, there's something na nagpagalaw niyon. At mabuti nalang at nafilm ni Alvin ang part na 'yon. He is really good at video taking.

Isa pang kalabog mula naman sa may parte ring kusina—doon sa loob ng hallway to be exact—nanggaling. Nagkatinginan kaming tatlo.

"Don't go there. Wake up the others first." I protest. Hindi dahil sa natatakot ako o ano. May porsiyento rin na natatakot ako pero mas madaming porsiyento na nag-aalala ako. Baka kasi mamaya, may something na bigla nalang humataw sa amin sa dilim. But, I don't believe on ghosts, right? Bakit ako nag-aalala ng ganito?

"Wake up the others? Himbing na si Ar at iba pa. Si Fernand nalang yata ang gising pa dahil nakita ko s'yang nagse-cellphone sa loob ng kwarto nila. Bukas kasi e, kaya nakita ko." sabi ni Nico. Mas mabuting gising pa si Fernand.

"Great. Can you tell him na bumaba rito with his cctv cams?" sabi ko kay Nico.

"Anong binabalak mo?" tanong naman ni Alvin. Akala ko, nagets na nila ako.

"Magkakabit na tayo ng mga cameras ngayon. Kung may magpaparamdam man ngayong gabi, we need to make sure na nafifilm na sila kahit na mamaya pang 12 ang official paranormal activity natin. Hindi natin p'wedeng hayaan si Alvin na stay up all night. Well, may insomnia rin kasi s'ya." mahaba kong sabi. Kinapa ko sa bag ko ang water bottled ko at uminom roon. Nauhaw ako bigla.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now