Chapter Twenty Four 2/2

65 5 0
                                    

ALVIN PUNZALAN
DAY TWO - TUESDAY
@8:45PM

NAIKUYOM KO NA lamang ang kaliwa kong kamao sa ilalim ng lamesa nang lagyan ni Nico ng tubig mula sa pitchel ang baso ni Nerry. Ang sarap ngang batukan ni Nico kanina nung inunahan niya akong makaupo sa puwesto ko sa tabi ni Nerry. Nagkapalit tuloy kami ng tayo at katabi ko na naman si Richelle. Nakakasawa narin ang boses niya sa totoo lang.



Kahit sobrang sarap ng nilutong dinner ni Nerry, hindi ako makakain ng maayos dahil naiisip kong kasama niyang nagluto si Nico sa kinakain namin ngayon. Oo na, nagseselos na 'ko. Nasasaktan ako. Nakakalalaki kasing makita si Nerry na mas masaya kasama si Nico na hindi ko pa nakikita nung kinukulit ko siya.




"Nerry, ang swerte ng magiging asawa mo."




Nagtawanan ang lahat dahil sa sinabi ni Ferds. Sumang-ayon kaagad si Leonard kaya naman mas lalong napatawa ang lahat kasama na si Ar. Napaismid nalang ako nang makitang nagkatinginan ang dalawa ni Nerry at Nico.





"Uy, chipmunk, bakit ka tumigil sa pagkain?" tanong ni Richelle.



Umiling-iling ako tumayo, "Maalat." sabi ko na lamang sabay alis sa kusina. Kinuha ko muna ang camera kong nakapatong sa counter bago umalis sa harapan nila.




Nakaramdam ako nang kalagkitan ng katawan kaya naman umakyat nalang ako papaitaas. Dumiretso ako sa kuwarto namin ni Ferdinand.

Agad na tumambad sa 'kin ang mga nagkalat na mga damit at chargers sa kama namin ni Ferdinand nang buksan ko ang switch ng ilaw. Hindi namin inaalis ang mga 'yon kapag natutulog kami sa gabi dahil nakakatamad. Kumuha ako sa travel bag ko ng bagong mga damit at towel na nakapatong sa side table. Agad akong umalis sa kuwarto namin at naglakad papunta sa cr dito sa itaas.




Napairap na lamang ako sa ere nang madinig ko ang mga tawanan ng mga kagrupo ko sa ibaba. Nang mailock ko ang doorknob nitong cr at mabuksan ang ilaw, ipinatong ko na muna ang mga damit ko sa counter sa harapan ng bilog at malaking salamin. Tiles na kulay dirty white ang bumubuo sa cr na nandito. Sa sobrang linis ay dito ko nagustuhang maligo ulit. May bowl at bide sa kanan ko at sa kaliwa namay shower na shower kurtain ang nagtatakip.





Agad na tumambad sa malaking salamin ang katawan ko nang mahubad ko lahat ng damit ko. Agad akong nakaramdam nang kirot sa puso ko nang makita ko ang pahaba kong peklat sa aking tagiliran. Hinipo ko 'yon at halos maramdaman ko pa ang sakit ng pagkakasaksak sa akin ng kapatid ko gamit ang kutsilyo. Nagulat ako nang magpatay sindi ang ilaw na nandito kaya naman agad akong napatingala para tingnan ang ilaw na nagpapatay-buhay. Inabot ko ang switch at pinatay 'yon nang tuluyan. Agad na nagdilim dito sa loob ng cr.




Nagulat ako't napasigaw nang may bigla nalang tumagos sa tagiliran ko dahilan para mapaatras ako ng sunod-sunod at madulas sa shower curtain na nasa aking tabi. Napakapit ako sa shower curtain pero dahil mabigat ako, kasama ko ang shower curtain sa pagkakasalampak sa malamig na tiles sa loob mismo ng shower.





"P-Puta." daing ko nang maramdaman ko ang likuran ko at ulo kong kumikirot dahil sa sakit. Sobrang dilim dito sa loob ng cr at wala akong makita. Ang ipinagtataka ko'y bakit walang ilaw na lumulusot sa ibabang pinto mula sa labas para manlang mailawan ako ng kaunti rito sa loob. Hindi ko abot ang switch at halos hindi parin ako makaibo mula sa pagkakabagsak ko rito sa shower. Ramdam ko ang sakit sa pwetan ko.




Napapitlag ako nang madinig ko ang pagpihit ng shower. Agad na bumukas ang shower at bumagsak sa akin ang malamig at maliliit na patak ng tubig. Napadaing ako lalo dahil sa lamig. Kung hindi lang ako hubo't hubad, nakasigaw na ako kanina pa ng tulong.





Itinungkod ko ang isa kong kamay para umalalay sa katawan ko para tumayo. Pero agad na napadulas ang kamay ko sa shower curtain kung sa'n ako nakasalampak dahilan para lalo akong mapahiga. Ramdam kong basa na ang buo kong katawan dahil sa walang hupang pagpatak ng tubig sa shower na nakatutok sa akin. Natigilan ako nang may madinig akong naglalakad kasama ko rito sa loob ng cr. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa presensya niya. Agad na dumaloy ang nakakakuryenteng kilabot sa nilalamig kong katawan dahilan para manginig ako.





Narinig ko ang sabay-sabay na pagandar ng flush sa bowl, pagbukas ng faucet sa bide at sa harapan ng salamin dahilan para mapasigaw na ako ng tuluyan at mapapikit na lamang ng matindi.





Mas napasigaw ako lalo nang maramdaman ko ang paggalaw ng sarili kong katawan nang hindi ko iniiibo. Naramdaman ko nalang na nakalutang na ako sa ere at ginagawa ko ang lahat para kumawala sa anumang puwersang nakabalot sa katawan ko. Sigaw lang ako ng sigaw dahil sa labis na takot. Naramdaman ko ang kisame sa ulunan ko dahilan para mas lalo akong mapasigaw. Nabuhay ang ilaw dito sa loob ng cr kaya naman nakumpirma kong nakalutang nga ako sa ere at kasalukuyan nang nasa itaas ng kisame. Hubo at hubad. Walang ano-ano'y bigla na lamang akong bumagsak sa shower. Nagpatay sindi ang ilaw at narinig ko ang pagsabog ng bumbilya niyon dahilan para yakapin na naman ako ng dilim at ang cr kung saan ako naroroon. Wala akong ibang naramdaman kung 'di matinding sakit. Hindi ako makagalaw.




Narinig ko ang mga mabibilis na yabag ng mga paa sa labas ng cr at ang malalakas na pagsigaw ng mga kagrupo ko sa aking pangalan. Pwersahang bumukas ang pintuan dito sa cr at naramdaman ko na lamang ang pagbigay ng katawan ko.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now