Chapter Eleven

99 7 0
                                    

NERRY CARANDANG

PAGKATAPOS KONG HUGASAN ang lahat ng mga plato't kawali at ang iba pang ginamit namin kanina sa pagkain, inilagay ko na sila sa garage appliances at sa ibaba ng aparador naman yung mga kawali. Pinatay ko na ang ilaw rito sa kusina at naglakad na papunta sa may sala.

Nakita kong natutulog na ang dalawa ni Nico at Rich sa dalawang mahabang sofa. Si Rich ay nakabaluktot doon sa inuupuan n'ya kanina pa at si Nico naman ay nakasandal ang ulo sa may couch at nakapikit ang dalawang mga mata. Kinuha ko ang phone ko sa bulsa at kinunan s'ya ng picture. Isinilid ko na sa bag ko ang phone ko at kumuha roon ng damit na pangbahay, towel, at ang pocket ko na naglalaman ng mga shampoo, sabon at iba pa.

Naglakad ako papunta roon sa hallway kung saan dito nacapture ni Alvin yung babae sa video. Tumigil ako at nagdalawang-isip. Nandito kasi ang isang cr rito sa baba at mayro'n rin naman sa taas. Napagpasyahan kong sa taas nalang ako maliligo kaya umakyat na ako sa hagdan.











PAGKATAPOS maligo, nakita ko si Leo na nakasandal sa may pader dito sa cr sa itaas nang lumabas ako. May towel at damit s'yang bitbit sa bisig n'ya. Dahil matangkad s'ya, halos tumingala ako para lang makita ang mukha n'ya.

"Liligo narin ako." sabi n'ya. Nagpakawala pa s'ya ng mahinang tawa at ngiti bago pumasok sa cr. Napangiti nalang rin ako ng tipid.

Gusto ko sanang tingnan sina Ar o sina Alvin at Ferdi sa mga ginawa nila pero nagpasya akong bumaba nalang. Dahil hindi parin talaga ako inaantok, baka labhan ko na muna 'tong tubal kong damit.

Pagkababa ko sa hagdan, may nakita akong silhouette ng taong nakaupo roon sa may dining sa kusina. Lalaki ito base narin sa korte ng pangangatawan at buhok. Inilipat ko ang tingin sa sala at nakita kong wala na roon si Nico sa pwesto n'ya. Si Rich naman ay natutulog parin katulad ng pwesto n'ya kanina. Nalaman kong si Nico ang nasa kusina.

Naglakad ako papunta sa kusina. Nakita kong nakaub-ob na si Nico sa lamesa habang may mug sa kan'yang harapan. Nalaman ko tuloy na nagkakape na naman s'ya. Pang-tatlo na n'ya 'yan, a? P'wede naman s'yang matulog na kung inaantok na talaga s'ya.

"Hey, Nico." Pagtawag ko sa kan'ya. Tumunghay ang ulo n'ya mula sa pagkakaub-ob sa lamesa atsaka tumingin sa akin. "Matulog ka na kaya? Inaantok ka na, o?" dagdag ko pa. Kinapitan n'ya ang mug n'ya gamit ang kanan n'yang kamay. Napansin ko na nakatulog na pala s'ya. Kanina pa s'yang tulog d'yan noong magsimula akong maligo.

Tumayo s'ya sa kan'yang pagkakaupo. "You're right, Nerry." Sabi n'ya. Binabasa na naman ba n'ya ang nasa isip ko? Gano'n na ba ako kadaling basahin?

"You're complicated to read, Nerry. Pinipilit ko lang na basahin ka dahil gusto kitang mabasa."

Nalaman kong inaantok padin talaga siya dahil nagkakandal-bulol na siya sa pagsasalita. Ipinatong ko na muna ang damit kong hawak dito sa counter at lumapit ako sa kaniya.

Hinawakan ko siya sa baywang niya nang muntik na siyang mapahiga sa lapag.

"Tara na. Ihahatid na muna kita sa taas." Sabi ko. Nakita kong napikit na siya. Oo nga't nakakahakbang pa siya, pero alam kong kalahati ng sistema niya'y natutulog na.

Nakaakyat kami sa itaas ng hadgan nang hindi kami natatapilok. Halos pasan ko narin talaga kasi itong si Nico. Halos magkasing tangkad lang kami at hindi naman siya ganoong katabaan kaya kayang-kaya ko siyang alalayan.

Nadaanan namin si Ar at Rich sa kwarto ni Rich at Leo na nag-iimis ng lapag gamit ang mga basang towel. Hindi nila kami napansin ni Nico dahil nakatalikod sila parehas at busy sila sa ginagawa nila. Nagdiretso na kami ni Nico sa kwarto namin sa dulo. Napansin ko ang isa pang pintuan sa katapat ng kwarto namin na nakakandado. Naalala kong bawal nga pala kaming pumasok roon o pasukin iyon sabi ng landlord ng bahay na 'to na si Mang Manuel. Pinabayaan ko nalang at pumasok na kaming dalawa ni Nico sa kwarto namin na bukas.

"Nerry! Nico? Si Nico ba 'yan?" Tanong ni Ferdi nang mapansin niya kaming pumasok sa kwarto. Nasa itaas siya ng hagdanan na nandodoon sa sulok ng kisame. Si Alvin naman ay tinulungan akong maihiga si Nico sa kama niya.

"Alvin?" pagtawag ko sa kaniya. May blanko siyang ekspresyon kaya naisip kong baka traumatized padin siya tungkol doon sa babaeng nakunan niya sa video.

"Mm?" Hinarap niya ako at wala akong nagawa kung 'di ang mapatitig sa matamlay niyang mata. Hindi iyon dahil sa wala pa siyang tulog.

Umiling nalang ako at hindi na nagtanong pa. Lumapit na siya kay Ferdi bilang assistant nito sa pagkakabit ng cameras. Pumunta ako sa isa pang kama rito sa kwarto. Umupo ako roon at tiningnan ang ginagawa nung dalawa. Ngayon ko lang napansin na nandodoon pala ang video camera ni Alvin sa may side table sa may sulok. Nakatapat ito sa amin. Mula kasi sa anggulong 'yon, kita lahat ang buong kwarto.

"Sino na nga palang mayko-connect nitong camera doon sa baba kung tulong na si Nico?" Tanong ni Ferdi habang may kinukutingting doon sa taas. Hindi ako sumagot. Hindi naman kasi ako maalam noon kahit na napagaralan na namin. Humiga nalang ako sa kama ko.

"Tayo nalang mamaya pagkababa natin." Sagot ni Alvin. Halata ang matamlay n'yang boses.

Pinikit ko ang mga mata ko nang maramdaman kong naglalaban na ang mga talukap ng mga mata ko. Hahayaan ko nalang sigurong matulog kahit na basa pa ang buhok ko.

Narinig kong natapos na sina Alvin at Ferdi sa ginagawa nila. Hindi ko na nagawa pang bumangon o imulat manlang ang mata ko dahil antok-antok na ako. Isang pagsarado sa pinto ang narinig ko bago ako nagpaanod sa antok na nararamdaman.

Six Days of HorrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon