Chapter Twenty Five 1/2

70 4 0
                                    

NERRY CARANDANG
DAY TWO - TUESDAY
@8:58PM

DISASTER.



Disaster ang nadatnan naming lahat nang puwersahang buksan ni Leo ang cr kung sa'n nandodoon si Alvin. Sobra akong kabado na halos mawalan na ako ng balanse sa pagtakbo kanina, mabuti na lamang at nahawakan kaagad ni Nico ang braso ko kung 'di, baka nahulog na ako sa hagdan sa pangalawang beses.



Naunang pumasok sina Leo at Ferdi sa loob ng cr. Napasigaw ang dalawa at tiningnan kami ni Ferdi, "Diyan na muna kayo! Nico at Ar, bantayan mo na muna sila!" aligagang sabi ni Ferdi sa amin. Hanggang labas lang kami ng cr na kita namin mula rito sa labas kung gaano kakalat doon sa loob. Patay ang ilaw sa loob pero nakikita namin ang nagkalat na bubog ng nabasag na bumbiluya sa itaas ng kisame ng cr. May umaagos na tubig sa tiles na may kasamang pulang likido kaya naman nagpumilit akong makapasok sa loob pero nahigit kaagad ako ni Nico at Ar dahilan para hindi ako makaalis.



"Anong nangyari kay Alvin?!" sigaw na tanong ni Rich. Kung kami'y alalang-alala, mas alalang-alala si Rich.



"P-Pahingi pang tuwalya! Fuck! Dali!"



Dahil sa pagsigaw ni Leo ay nagsipulasan na ang dalawang babaeng katabi ko papunta sa kuwarto na malapit lang din dito. Nanatili akong nakatitig sa loob ng cr. Hindi ko makita si Alvin dito pero napasinghap na lamang ako nang makita ko ang maputla niyang paa na nakasampak papahiga sa malamig na tiles. Nagpumiglas ako pero mahigpit ang hawak nina Ar sa braso ko kaya hindi ako makaalis. I badly want to see him! Is he alright?!



"Shit." bulong ni Nico sa tabi ko.



Narinig ko ang pagpatay ng shower dahilan para mas lalo naming madinig ang nangyayari sa loob. Mas dumami ang dugong sumasama sa mga tubig na halos nandito na sa labas.



Nakita kong buhat-buhat na nina Ferdi at Leo si Alvin na may tuwalyang nakabalot sa lower body niya. Nagsiatrasan kami nina Nico para makadaan ang tatlo. Nanlumo ako sa nakitang katawan ni Alvin. Sobrang daming malalaking pasa sa katawan niya na agad na ipinagtaka ko. Duguan ang ulo niyang basa at kitang-kita ko ang peklat sa may tagiliran niya. Wala siyang malay.



"Aghk! Tangina!"



Napamura si Leo nang may maapakan ang paa niyang bubog ng bumbilya. Nawalan tuloy siya ng balanse, mabuti na lamang at nasambot nina Nico at Ar ang kabilang side ni Alvin.



"Sa kuwarto namin! Dali!" sigaw ni Ferdi kaya naman agad nilang dinala ang walang malay na si Alvin sa kuwarto nila. Nagsilabasan ang aligaga paring sina Rich at Cha na may dala nang malalaking towel at first aid kit. Naiwan kaming dalawa ni Leo na nasa tapat ng hagdanan. Nakaupo si Leo sa mismong baitang ng hagdanan habang sapo-sapo ang kaniyang nabubog na paa.



"Okay ka lang?" tanong ko sa kaniya. Tumingin siya sa 'kin at tumango-tango ng tipid. Pero hindi parin mawala sa mukha niya ang ngiwi dahil sa sakit na nararamdaman. Nakita ko ang paa niya at agad akong napasinghap. Umupo ako sa tabi niya at tiningnan ang paa niya.



"G-Grabe ang sakit." daing ni Leo. Malaki ang bubog na nakatusok mismo sa gitna ng kaliwa niyang paa. Umaagos ang dugo mula ro'n at napapahidan na ang hagdanan.



Hinigit ko siya at inalalayang makababa sa hagdan. Nang makababa kami'y iniupo ko siya sa sofa namin at dali-dali akong naglakad papunta ro'n sa may bintana sa gilid at kinuha ang first aid kit na nakalapag lang do'n sa cabinet na may nakadisplay na mga statue na maliliit. Si Cha ang naglagay n'yon do'n dahil kung incase raw na may mangyaring masama.



"Nerry!"



Agad akong bumalik kay Leo nang madinig ko ang pagsigaw niya. Umupo ako sa paanan niya at do'n ko nalaman na inalis na pala niya ang bubog na nakatarak do'n sa paa niya. Halos umagos na parang sirang gripo ang malapot niyang dugo roon dahilan para pumatak ang mga 'yon sa carpeted floor na nasa lapag. Halos maburat ang kutson ng couch dahil sa mahigpit na pagkapit niya ro'n. Kahit naman malaking tao itong si Leo, siyempre, nakakaramdam din siya ng sobrang sakit sa ganito.


Mabilis kong kinuha ang white band sa loob ng first aid kit. Hindi na ako nagdalawang isip pang hawakan ang malaking paa ni Leo. Itinaas ko ng bahagya ang paa niya at walang pasubaling binuhusan 'yon ng madaming alcohol. Napaungol sa sakit si Leo kaya naman nagsorry kaagad ako. Itinali ko ang white band sa paa niya at nang matapos ay ginupit 'yon at idinikit ang huling band sa mga band na nakapulupot na sa paa ni Leo.



Wala akong alam sa paglilinis ng sugat o paggagamot sa isang sugat kaya naman 'yung mga napapanuod ko nalang sa tv ako gumaya na mukha namang naging epektibo. Sana lang, walang natirang tetanos sa loob ng laman ng paa ni Leo dahil dun sa bubog.


"Hindi na maganda 'tong mga nangyayari sa 'tin sa bahay na 'to." sabi ni Leo. Naririnig ko pa mula rito sa baba ang malalakas na boses ng iba pa naming kagrupo na nasa taas habang inaasikaso si Alvin. Umupo ako sa sofang teritoryo ni Ar at tiningnan nalang si Leo.



"Tama ka, Leo. Kakaiba na." sabi ko.


"Nerry," umisod siya sa sofang inuupuan niya para maabot niya ang direksyon ko ng kaunti. Agad akong kinabahan. "'Nung makita ko 'yung sinapit ni Alvin kanina . . Nerry hindi 'yun basta aksidente lang na nadulas siya. Kitang-kita ko kung gaano nawasak 'yung kisame nung cr na para bang may inihampas do'n. At nakita mo ba 'yung katawan niya? Hindi 'yun normal. Parang . . parang gawa 'yun ng . . ng . ."



"Multo." pagpapatuloy ko sa hindi masabi ni Leo.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now