Chapter Fifteen 1/2

62 5 1
                                    

NERRY CARANDANG
DAY ONE  - MONDAY
@8:47AM

MAHINANG TUMATAWA si Nico sa tabi ko habang nagsusulat siya ng naisip kong introduction sa aming documentary. 'Yung title ang tinatawan niya na siya ang nakaisip—na siya ring nagdala sa amin mula sa kapahamakan. Napatawa narin ako.


"Aren't you scared?"


Napatigil ako sa pagtawa at napatingin kaagad kay Nico dahil sa sinabi niya. Hindi narin siya tumatawa ngayon at seryoso nang nagsusulat. Napatingin ako sa kusina kung nasaan si Cha at Ar. By twos na kasi ang gawain kaya magkakasama ang mga magkakapartner. Natoka sina Cha sa pagluluto ng umagahan namin, si Alvin at Ferdi naman sa paggaayos 'nung ghost sound detector, si Rich naman at Leo ay siyang nakatoka sa paglilibing nung kawawang pusa. Nandun sila sa labas. Palaisipan padin sa'min ang pagkamatay nung pusa pero mamaya ay pag-uusapan namin ang bagay na iyon. Kanina ri'y humingi ng pasensya sa aming lahat si Leo nang magising siya.



Tumikhim muna ako bago magsalita. "Ako? Hindi ako takot." sagot ko kay Nico. Hindi na siya nagsalita pa kasunod niyon.



"Cha, anong niluluto niyo?" pagtatanong ko kay Cha na busyng-busy doon sa kusina. Nakita kong naggagayat si Ar ng karne. Sandali siyang napatingin sa akin at ganun din ako sa kaniya.



"Chicken curry, Nerry!" malakas na sagot ni Cha. Napangiti ako. Mukhang naeenjoy naman nila ang pagluluto. Hindi ko na mahintay na matikman ang luto nilang dalawa.


"I'm scared."


"Ha?" agad kong reaksyon sa narinig kong sinabi ni Nico sa tabi ko. Ibinitang niya ang ballpen na hawak at pati narin ang notebook. Ipinatong niya iyon sa bakanteng couch sa kaniyang kaliwa. Matapos no'n'y tiningnan niya ko.


"Nagugutom na ako."


"Hindi 'yun yung sinabi mo pero gutom nadin ako." sabi ko na lamang habang hinahaplos haplos ang aking tiyan. Napatingin ako sa may hagdanan nang makita kong bumababa na ang dalawa ni Alvin at Ferdi. May dala si Ferdi na maliit na kulay itim na hugis radio sa kaniyang kamay. Mukhang okay na ang detector.


"Okay na?"


Agad na lumapit si Ar sa dalawa na kakababa lang ng hagdan. Dumiretso silang lahat dito sa sala at ibinitang ang sound detector sa lamesang may natiira pang space. Inalis ko ang mga bottled water na nakapatong din sa lamesa at ibinaba muna ang mga iyon sa carpeted floor.


"Very nice." bulong ni Nico sa tabi ko. Namangha rin ako nang malamang naayos na ito nina Ferdi at Alvin. 'Di narin ako magtataka, magaling din ang dalawang 'yan kapag nagaactivity kami sa school.


"Okay na ba siya?" pagtutukoy ni Ar sa sound detector. Tumango si Ferdi bilang pag-oo. May pinindot si Ferdi na tatlong button doon sa maliit na machine at nakita naming agad na bumukas ang power on nito. Kulay dilaw ang salitang ilaw nito sa loob at kulay puti naman ang tila gumagalaw na mga linya nito sa gitna. Nang magsalita si Ferdi, tumaas-taas ang mga linyang 'yon at bumaba naman kaagad nang wala nang nagsalita.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now