Chapter Twenty Eight 2/2

96 5 0
                                    

NERRY CARANDANG
DAY THREE - WEDNESDAY
@3:36AM

Kaagad na nasilam ang dalawa kong mata nang ibukas ko ang mga 'yon. Nakita ko ang maningning na ilaw sa kisame kung saan ako nakaharap. Naisara ko pabalik ang mga mata ko at agad na tinabunan ang mukha ko ng dalawa kong palad. Sobrang hapdi ng nararamdaman ko sa mga mata ko.

"You're awake."

Narinig ko ang boses ng isa sa mga kagrupo ko kaya naman agad akong napabangon sa pagkakahiga sa sofa habang nasa mukha ko parin ang dalawa kong kamay.

"'Asan si Alvin?" agad kong tanong nang hindi ko maramdaman ang presensya niya sa tabi ko. Natulog ako nang nasa tabi ko siya kaya naman nasaan na siya? Inalis ko ang dalawa kong palad sa aking mukha at tiningnan ang babaeng malapit lang sa akin. Napakurap ako nang makita si Rich na nakaupo sa paanan ng sofa na hinihigaan ko kanina. Nang mapadako ang paningin ko sa katawan ko'y napaawang ng bahagya ang bibig ko. Kumot ni Alvin ang nakakumot sa 'kin. Star Wars na kumot na alam kong favourite niya.

"I know you like him kaya tatahimik nalang ako. You fine?"

Ibinaba ni Rich ang phone kung sa'n siya nakaharap kanina at tsaka tumayo. She's wearing the same shirt and short shorts nang multuhin kami kanina. Ramdam ko ang agad ang paginit ng mukha ko nang madinig ang sinabi niya. She said, she know that I like Al. But, is it true? Do I like him too?

"Let's eat. Magkakasama na sila sa kusina."

Nauna na si Rich na umalis papunta sa direksyon ng kusina. Inalis ko ang Star Wars na kumot ni Alvin na nakayakap sa katawan ko. Nang alisin ko ang kumot ay agad ko rin 'yong kinuha at iniyakap sa katawan ko nang makatayo ako. Nilalamig ako. Ngayon ko lang nalamang umuulan pala. Sarado ang mga bintana sa side ng front door pero rinig na rinig ko ang malakas na pagulan sa labas. Madilim pa sa labas kaya nalaman kong madaling araw palang.

Nakita ko ang phone ko na nakapatong sa lamesa, sa tabi ng mga laptop na buhay na, kaya naman kinuha ko 'yon. Hindi ko alam kung bakit nandito 'to pero wala namang kwenta kung magtatanong pa ako sa iba tungkol dito. Nang buhayin ko ang phone ko'y agad kong nakita ang madaming messages na never ko pa yatang nareceive noon. Twelve ang messages na natanggap ko kay Mr. Anonymous, three from home, and another 2 group texts from another group of our class. Galing sa group two.

Ang messages muna ni Mama ang binuksan ko. Nalaman kong she had this scary dream na tungkol daw sa 'kin kaya siya nag-aalala. Magrereply sana ako pero naalala kong wala nga pala akong load.

Sunod kong binuksan ang madaming messages ni Mr. Anonymous. He say, where am I, where is this house located, am I okay, who's with me, at iba pang mga tanong. Baka kung may load pa ako hanggang ngayon, I will never reply to him. Napakarami niyang tanong and he's like super-curious and super-worried about me na hindi naman dapat niya nararamdaman. I don't know him afterall.

Hindi na ako nag-abala pang basahin ang group messages ng group two dahil sigurado akong nonsense lang 'yon. Tinanaw ko ang mga kagrupo ko sa kusina na kasalukuyan nang nakaupo sa kani-kanilang mga puwesto. Ako nalang ang kulang. Alvin's there, Nico's there, and Cha's there. Naglakad ako papunta sa kusina.

I literally stopped sa tapat ng madilim na hallway sa tabi lang ng kusina. Itinaas ko ang aking tingin sa orasan na nasa itaas lang ng hallway at nakita ko kung ano nang oras. It's 3:43 in the morning. Wow, we're really a vampire. A eyebagsable vampire.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now