Chapter Fourteen

63 5 0
                                    

NERRY CARANDANG
DAY ONE  - MONDAY
@6:21AM

NANG MARAMDAMANG inalis na ni Nico ang kamay niya sa braso ko, agad na umakyat ang takot sa sistema ko. Hindi dahil hindi na ako hawak ni Nico—dahil pakiramdam ko, kapag hawak niya ako, ligtas na ako sa lahat ng pupuwedeng mangyaring masama sa akin—kun'di dahil sa napagtanto kong nandito parin kami sa bahay na ito. Hindi namin mapapagkatiwalaan ang bahay na ito. Hindi talaga, kahit na hindi ko alam ang dahilan.


"A-Ano iyon?" si Rich. Napatingin ako sa kaniya at ganun din siya sa akin. Kagaya ko'y, nagsisimula narin siyang matakot. Naghiwalay kami ng tingin nang magsalita si Alvin.


"Wala lang iyon, baka daga lang." sabi niya. Pero hindi nakalampas sa mukha ko ang paglunok niya ng kaniyang laway.


"Oo, wala lang iyon. Maupo na muna tayo. Hindi pa gumigising itong si Leo." sabi ni Cha. Lumapit siya sa sofang hinihigaan ni Leo at naupo sa dulo niyon.


Naglakad nadin ang iba ko pang mga kagrupo para maupo roon sa mga sofa. Ihahakbang ko narin sana ang paa ko papunta sa kanila pero agad in akong natigilan nang sa pangalawang pagkakataon'y may kumalabog ulit doon sa may papuntang hallway.


Nakita ko sa peripheral view ko na napatayo si Cha sa kinauupuan niya. "Hindi na 'yon daga." rinig kong sabi ni Ferdi. Buo ang boses niya; hindi iyon kakikitaan ng kahit na anong bahid ng takot. Nakita kong naglakad si Alvin papunta sa direksyon ng hallway kaya agad ko siyang nilapitan at hinigit sa braso. Dahil doon, napaharap sa akin ang camerang hawak-hawak niya.


Tinabig ko ang camera sa ibang direksyon at hinarap siya. "Bakit?" malamig na tanong niya sa akin. Napatitig nalang ako sa mukha niya habang nakatingin din naman siya sa akin. Bakit iba na siya? Ang ibig kong sabihin.. iba na siyang umasta, hindi na katulad ng dating Alvin.


"W-Wala." mahina kong sagot bago ko bitawan ang braso niya. Agad naman niya akong iniwan, dahan-dahan siyang naglakad papunta sa direksyon ng hallway habang nagsasalita sa kaniyang camera. Sumunod sa kaniya si Ar, at Ferdi. Nanatiling nakaupo si Nico sa dating puwesto nito, sa harapan ng dalawang laptop.


"Ugh, natatakot ako umagang-umaga!" daing ni Rich. Nakaupo siya sa single sofa doon sa dulo. Napadako ang tingin ko kay Leo na wala paring malay. Nakaramdam ako ng guilt nang maalala ang nangyari kanina. Dahil sa akin, napilitan si Ar na gumawa ng masama laban kay Leo. Kasalanan ko.


Nilingon ko ang tatlong lalaking tuluyan nang nakapasok doon sa hallway. Patakbo kong nilapitan si Nico pero napasubsob ako sa sofang inuupuan niya nang matalisod ako sa wire ng charger ng laptop na nasa lapag. Agad akong napadaing. Tinulungan ako ni Leo na makatayo.


"Magdahan-dahan ka nga."


Hanggang dito ba naman, napakaclumsy ko parin. Agad siyang bumalik sa kaniyang puwesto nang matulungan niya akong makaupo. "O-Okay lang ako." sabi ko. "Patingin ng footage nila." pagtutukoy ko sa footage ng hallway kung nasaan sina Alvin. Kinakabahan din ako, umagang-umaga.

Six Days of HorrorWhere stories live. Discover now