four

1.1K 31 5
                                    

"Wala ka bang lakad? At bakit ba nakasunod ka sa akin? Kanina ka pa, mukha kang asong ulol. Will you stop bugging me?" naiinis na sabi sa akin ni Irene. Tatawagin ko na syang Irene tutal iyon naman ang sinabi nya kahapon.

"Gusto ko lang naman malaman kung ano ang ginawa ko sayo noon," parang maamong tupa na sabi ko. Kasi naman naguguilty ako. Hindi naman sya magagalit sa akin ng ganun katindi kung hindi din matindi ang ginawa ko. Naiisip ko tuloy kung ano kaya ang ugali ko noon?

Inis na tinignan naman nya ako, "Para saan pa? Hindi mo na naman maibabalik ang nakaraan kaya pwede ba? Tigilan mo na ako. At isa pa, wag kang magtanga tangahan dyan. Alam kong natatandaan mo pa ako. Kung ano man itong laro mo, tigilan mo na dahil hindi ako natutuwa." naiinis na sabi nya sa akin at nauna ng maglakad.

Hindi ko nalang muna sya sinundan. Kailangan ko munang palamigin ang ulo nya. Hayst.

---

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now