nine

1K 35 2
                                    

"Uhm, pwedeng magtanong? Bakit nandito tayo sa park?" tanong ko sa kanya. Mahalaga ba sa kanya ang park na ito?

She just looked at me. Emotionless. Natakot naman ako kaya napaiwas ako ng tingin. Nakakatakot ang mga mata nya.

"Hindi mo natatandaan?" she asked me. Mula ng magkasama kami kanina, ang cold na talaga nya. Gustong gusto ko syang tanungin kung ano ba talagang nangyari noon. Pero pinangungunahan ako ng takot.

"A-hm, s-sorry, hindi eh." napakamot ako sa ulo ko.

"Ano bang nangyayari sayo?" galit na tanong nya, "talaga bang hindi ako importante sayo kaya naman nakalimutan nya ako ng ganun ganun lang?" bitter na sabi nya.

"I-im sorry, Irene." malungkot na sabi ko, "hindi kita matandaan dahil nagkaamnesia ako. Selective amnesia. Kaya naman hindi ko matandaan ang tao na iniisip ko bago ako maaksidente. K-kaya daw nakalimutan kita.." nakayukong sabi ko, "sorry kung ano man ang nagawa ko sayo."

Mahabang katahimikan ang nangyari. Pero maya maya lang ay nagsalita din sya.

"K-kaya pala. Kaya pala ang tagal mong nawala. N-naaksidente ka pala." mahinang sabi nya kaya naman napaangat ako ng tingin, kitang kita na gulat sya at nandoon ang kalungkutan sa mga mata nya. "Kaya pala hindi mo ako maalala."

Nagulat ako ng yakapin nya ako ng mahigpit kaya naman nagtatakang niyakap ko nalang sya pabalik. Hindi ko man maintindihan kung bakit sya naging ganun bigla, isa lang ang naiintindihan ko....

Sobrang lakas ng tibok ng puso ko.

*
ginanahan be like

fuck it // seulreneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon