twenty-seven

770 26 0
                                    

sweet lies.

+++

"Ahh! Ang sarap talaga ng pancakes mo, ma!" sabi ko habang kumakain kami nila Mama at Irene.

"Halata nga, anak. Nakakailang kuha ka na o." napanguso ako sa sinabi nya. Aish, oo na. Ang takaw ko talaga.

"Tita, hindi talaga nagbago si Seulgi. Nung pinagluto ko sya kahapon, halos kainin nya na pati yung rice cooker."
natatawang sabi naman ni Irene kaya sinamaan ko sya ng tingin. Buti nga at naubos ko lahat ng niluto nya. Ibig sabihin, masarap! Diba, diba?

"Hahahahaha. Pagpasensyahan mo na ang anak ko, bakulaw talaga yan, ang lakas kumain." naiiling na sabi ni mama. Yung totoo? Wala na ba silang ibang ma-topic at pati pagkain ko, pinaguusapan nila?

"Okay, ma. Enough. Iba nalang itopic nyo, wag na katakawan ko, please." sabi ko at kumuha na naman ng isa pang pancake. Aish, ang sarap talaga.

"Paanong hindi namin mapaguusapan, e kitang kita namin kung gaano ka katakaw? Pang-sampo mo na ata yan, anak, a." sabi ni mama at rinig na rinig ko naman ang mahinang pagtawa ni Irene sa tabi ko. Aish! Binubully nila ako.

+++

"Irene! Saan tayo pupunta ngayon?"
tanong ko habang naliligo sya. At dahil dito sya nakitulog ng wala syang dala kahit ano, pinahiram ko sya ng damit. Wala namang masama dahil marami naman akong damit at hindi naman ako madamot sa damit. At kahit madamot ako, sure akong bibigyan ko pa din si Irene. Dahil hindi ko maaatim na walang maisuot ang babaeng yun. Mahal na mahal ko yun——

Aish! Speaking of that, hindi pa nga ako sure kung seryoso sya sa sinabi nya na mahal pa daw nya ako. Paano, mukhang nagiisleep talking lang.

"Sa puso mo!"
pabirong sagot naman nya mula sa banyo. Napaface palm ako. Pakialala nga sa akin na kokonyatan ko si Irene mamaya paglabas nya ng banyo.

"Saan nga?!"

"Secret nga sabi!"

I sighed. Oo na, hindi na ako mangungulit. Kinuha ko ang cellphone ni Irene na nasa bed side table. Swerte dahil walang lock. Napangiti pa ako ng makita ko na wallpaper nya ang picture naming dalawa. Yung nasa park kami. Selca namin. Shit...kinikilig ako.

Hindi naman sa pakielamera ako pero nacurious ako sa gallery nya. Kaya naman agad akong pumunta sa gallery nya at napakunot ang noo ng makita ko ang picture naming dalawa. Mukhang dati pa dahil halatang bata pa kami at wala naman kaming picture non ngayong may amnesia ako.

Binuksan ko ang isang album at napangiti ng makita kong ang dami talaga naming picture. Inisa isa ko at shit, ang cute pala namin.

Pero napakunot ang noo ko ng may makita akong isang picture. Pinindot ko at nakita kong may picture ako kasama ang isang babaeng...hindi ko naman kilala. Mukha kaming masaya habang nasa likod kami ng isang puno. At yung nagkukuha, mukhang nagtatago din.

it means, si Irene ang nagkuha sa amin dati nung babaeng ito?

At for sure, ang babaeng ito na kasama ko sa picture na to, sya ang third party.

sya ata yung Krystal?

***

#3yearswithRedVelvet

- happy bday, tiff -

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now