ten

1.1K 41 3
                                    

"A-ano ba talagang nangyari? A-ano ba talagang ginawa ko?" clueless na tanong ko sa kanya.

"Uhm, I don't know if this is the right time to tell you that." kagat labi nyang sabi.

Bumuntong hininga naman ako, "s-sorry talaga sa kung ano mang nagawa ko. Hindi ko man naaalala, alam kong malaki pa din ang kasalanan ko sayo.. sorry, Irene." malungkot na sabi ko.

Ngumiti naman sya sa akin, "inaamin ko na galit na galit talaga ako sayo. Pero nung malaman kong naaksidente ka na sure akong dahil din sakin, nawala ng parang bula ang galit ko.. nalulungkot ako na nawalan ka ng alaala, pero gagaling ka din naman, right? At iintayin ko yun. Iintayin ko na yung dating Seulgi mismo ang humingi ng tawad sa akin." sabi nya.

"A-ano ba talaga tayo?" tanong ko sa kanya kaya napatawa sya.

"Tao tayo, Seulgi. Tao."

Napaface palm ako. Pilosopo to. "I mean, dati. Ano ba yung status natin? If you wouldn't mind me asking this.."

"Uhm," naghanap pa sya ng magandang salita. "You court me and I said yes. So meron nga tayong relasyon. Magsyota tayo noon, Seulgi." nakangiting sabi nya.

"H-huh? I-ikaw? Syota ko? Sinagot mo ko? Di nga?" hindi makapaniwalang sabi nya ko sa kanya.

Yang ganda nyang yan? Sinagot ako na di hamak na walang kwenta lang? Weh? Is this for real? Dyosa sya, engkanto lang ako. Langit sya, lupa lang ako. Chicken sya, tuyo lang ako. Ganun!

Natatawa naman sya, "kahit eengot engot ka noon, sinagot kita kasi nga nahulog na talaga ko sayo.."

Namula ang mukha at tenga ko dahil nakatitig talaga sya sa akin habang sinasabi yun. Damn, ang init na ng mukha ko.

"W-wag mo nga akong titigan ng ganyan.." mahina kong sabi at napatawa nalang sya.

"Ang cute mo kasi. Wala ka pa ding pinagbabago."

At yung puso ko? Lalaglag na ata.

**

good morning. Im kinda pissed off right now. nagaway kami ng isa sa importanteng tao sa buhay ko and all I wanted to do.. is to cry. I miss her already. draft lang to at naisipan kong ipost para naman kahit papano, mapasaya ko yung nagiintay dito sa story na to. ako lang naman ang hindi masaya. hays

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now