thirteen

973 32 2
                                    

"Seulgi! Ice cream tayo!" nakangiting sabi ni Irene ng may makita kaming nagtitinda ng ice cream.

I nodded. Tumayo na ako at hinawakan ang kamay nya sabay hatak sa kanya papunta dun kay mamang sorbetero.

Yung feeling na parang sanay na akong hinahawakan ang kamay nya? Yung tipong komportable ako sa kanya. Siguro nga, sobrang espesyal nya talaga sa akin. Kasi kahit ngayon na wala akong maalala, ang gaan gaan ng loob ko sa kanya. Ang weird weird ng nararamdaman ko pag kasama ko sya. Ang lakas ng tibok ng puso ko pag malapit sya sa akin.

Siguro nga tama ang sinasabi ng iba. Makalimot man ang isip, hindi pa rin makakalimot ang puso.

Napangiti ako ng higpitan nya ang kapit sa kamay ko. Para bang ayaw nya akong bitawan.

"Dalawa nga pong ice cream," sabi ko at binigyan yung tindero ng pera.

Binigay nya sa akin yung ice cream at inabot ko naman iyon kay Irene yung ice cream nya.

"Thanks," nakangiting sabi nya.

I just smiled at her.

Naglakad lakad kami habang nagiice cream kami.

"You know what? Gawain natin to dati," sabi nya sa akin at ngumiti.

Napangiti naman ako. "Hindi ko man maalala, pero pamilyar talaga ang ganitong pangyayari."

"Sana makaalala ka na."

"Sana nga, at alam mo ang una kong gagawin pag nakaalala na ako?" tanong ko sa kanya.

"Ano?"

"Yayakapin kita ng mahigpit at hihingi ako ng tawad sayo, sasabihin ko kung gaano kita kamahal at gagawin ko ang lahat para makuha ulit ang tiwala mo." sabi ko kaya napangiti sya.

**

good evening.

fuck it // seulreneUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum