twenty-four

764 26 14
                                    

good morning sa inyo. narealized ko lang na bukas na nga pala ang anniversary ng rv at ang bday ni ppanyang. ppoong!

+++

"Nag-enjoy ka ba?"
tanong nya sa akin, unti unti naman akong tumango. Magkahawak kamay kami. Naglalakad. Mas trip naming maglakad. Hindi dahil wala kaming pamasahe kundi dahil mas nakakapagusap kami ng matagal.

mas nag-eenjoy kami.

"Oo naman,"
ngumiti ako. Mas hinigpitan ko ang hawak sa kamay nya.
"Salamat at dinala mo ako doon. Super nag-enjoy ako."
tapos ang sarap sarap pa ng luto nya.

"Good."
she said then giggled. "At isa pa, bakit naman kita hindi dadalhin dun? Eh parang bahay na natin yun."

Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. Ang aliwalas kasi ng mukha nya at parang ang saya-saya pa nya. Malayong malayo sa Irene na galit na galit sa akin dati.

ngayon kasi sobrang saya na nya. at natutuwa ako pag nakikita ko syang nakangiti.

Hindi na ako makapaghintay. Gusto ko ng maka-alala.

"Irene, last na pupuntahan na natin yung bukas diba? Pangatlo na yun. Saan naman tayo pupunta?"
tanong ko. Medyo nalulungkot ako dahil matatapos na ang project namin ni Irene. Hindi na kami madalas magkakasama.

"Secret."
napabuntong hininga ako ng sabihin nya yan. Oh well, ano pa bang bago? Yan naman lagi ang sinasabi nya.

"Pero sure kang importante sa atin yun?"

"Oo naman. Sobrang importante."
she said then she sighed.

"Irene alam mo ba na ayaw na kitang bitawan pa?"

Gulat na napatingin sya sa akin.
"H-huh?"

"Ayaw na kitang bitawan. Ayoko ng malayo sayo. Kung pwede nga lang iuwi kita sa bahay ko para naman lagi kitang nakikita."

Unti unti syang napangiti sa sinabi ko, kinagat pa nya ang lower lip nya kaya napalunok ako.
"Pwede mo naman akong iuwi eh...babe."

I need water!

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now