thirty-two

826 28 11
                                    

Italics are flashbacks

+++

"Hiwalayan mo na si Irene," seryosong sabi sa akin ni Sehun. Nakapoker face lang sya at nakatiim ang bagang. "Akin lang sya."

"Gago! Akin lang si Irene, alam mo yan!"

"If hindi mo sya hiniwalayan within this week, tignan natin ang mangyayari, Kang Seulgi. Mapapahamak sya." he smirked. Nakuyom ko ang kamao ko habang sya naman ay tumalikod na. This jerk!

Napaupo ako sa bench at napapikit ng madiin. Ang sakit ng ulo ko.

"Krystal, kailangan kita.."

"Huh?"

"Kailangan kita para saktan si Irene."

"Bakit mo sasaktan si unnie? Bakit mo sasaktan ang kapatid ko?"

"For her sake." bumuntong hininga ako, "Pag hindi ko sya hiniwalayan, pag pinapatuloy pa namin to...maaari syang mapahamak."

She clenched her fist. "At hindi mo sya magawang ipaglaban?"

Napayuko ako, "I can. Pero nagiisip din naman ako. Hindi ako mayaman. Si Sehun, mayaman sya. Wala akong magagawa kung bigla nyang totohanin ang sinabi nya at sinaktan si Irene. Ayokong mangyari yun. I know he can do whatever he wants because he's rich. At hindi imposible na gawin nya ang banta nya sa akin," naluluha na ako. Ang sakit sa akin ng gagawin ko pero tulad ng sabi ko...anong magagawa ko? Simpleng tao lang ako. I don't have a power unlike Sehun.

She sighed, "fuck that jerk." she mumbled, tumingin sya sa akin. Awa ang makikita mo sa mata nya. "What do you want me to do?"

"AAAAAH!" ang sakit ng ulo ko, napapikit ako ng madiin. May mga flashbacks na pumapasok sa isipan ko. Ang sakit ng sakit ng ulo ko.

"Nakatingin sa atin si Irene. Sinundan nya tayo. Paniwalain natin sya na nagdedate talaga tayo." bulong ko kay Krystal ng makita ko sa di kalayuan si Irene. Masakit man sa akin na gawin to, pero wala na akong choice. Ito lang ang naisip kong gawin...para kamuhian nya ako. Para magalit sya sa akin. Para mas makamove-on sya ng mabilis.

"UGH!" I groaned. Ramdam ko na may humihimas sa ulo ko, rinig ko ang mga tao sa paligid ko na nagkakagulo.

"Irene, please lang! Tigilan mo na ako! Ayoko na sayo!" sigaw ko kay Irene habang umiiyak sya. Hawak hawak nya ng mahigpit ang kamay ko at paulit ulit syang nagmamakaawa sa akin.

No, Irene. Hindi ka ganito, please be strong, just for me.

"No, Seulgi! Bakit ba nagkaganito ka?!" umiiyak na tanong nya, "b-bakit k-kapatid ko pa..."
kita ko na hilam na sya sa luha nya. Alam kong matagal na nyang alam na meron kaming relasyon ni Krystal. Oh well, hindi naman totoong relasyon. Scripted lang ang lahat. Para masaktan si Irene, para magalit sya sa akin at magkaroon ng dahilan para mas mapadali ang pagmomove on nya.

Im sorry for hurting you so bad, Irene. Para sayo din naman tong ginagawa ko.

"Mas mahal ko sya, ok?! Tigian mo na tong kahibangan mo! Ikaw nalang ang nagmamahal sa ating dalawa!" inis na sabi ko. Pinipigilan ko ang sarili ko na yakapin sya. Ni hindi ko nga sya matignan. Hindi ko kasi kaya. Baka bigla nalang akong lumuhod sa harapan nya at yakapin sya.

Tumayo na ako ngunit niyakap nya ako mula sa likod. Napapikit ako. Kanina ko pa pinipigilan ang luha na gustong pumatak.

Ang sakit-sakit.

"N-no, Seulgi.. Don't do this to me, I love you." mahinang sabi nya habang humihikbi.

Wag kang bibigay, Seulgi. Wag kang bibigay.

Huminga ako ng malalim at inalis ang kamay nya na yumayakap sa akin at tinulak sya. Bakit ba kasi hindi ka nalang magalit sa akin, Irene? Mas lalo mo akong pinapahirapan kung ganito ka.

"Bakit ba hindi ka makaintindi?! Hindi na kita mahal! Tagalog naman diba?!" inis na sigaw ko sa kanya. Nagulat ako ng lumuhod sya sa harapan ko. Agad akong napaiwas ng tingin. Tangina naman, Irene, pinapahirapan mo talaga ko. Gustong gusto ko ng umiyak.

"Tumayo ka dyan! Wala ng magagawa ang pagmamakaawa mo!"
sabi ko at marahas na tinayo sya. Ayokong gawin to sa kanya pero gusto kong magalit na sya sa akin, agad ko syang tinulak at umiwas ng tingin. I can't stand seeing her in pain. Lalo na at ako ang dahilan.

"Mag-move on ka na."
yan ang sinabi ko at tuloy-tuloy ang paglakad papalayo sa kanya. Bawat paghakbang ko, bumibigat ang pakiramdam ko. Nakakatangina.

Naluluha na ako, ang sakit sa sakit. Ang bigat ng pakiramdam ko. Nakapikit na ako pero pakiramdam ko, umiikot pa din ang paningin ko.

"Im so sorry, Krystal. Dahil sa akin, nagkasira kayong magkapatid." malungkot na sabi ko kay Krystal. Papunta syang ibang bansa dahil dun na sya mag-aaral. Mas gugustuhin naman daw nyang mag-aral doon para malayo naman daw kay Irene. Galit daw sa kanya si Irene at mas mabuti daw na lumayo muna sya.

She weakly smiled at me, "It's ok. Natapos na e. Wala na tayong magagawa dun. Tsaka ok na din to, kesa naman mapahamak si ate dahil sa Sehun na yun, diba?" nakangiting sabi nya, "Ikaw ba? Ok ka na?"

I shook my head, "malamang, hindi. Pero pinipilit kong maging ok. Ginusto ko din naman to, at isa pa, iniisip ko nalang na para kay Irene din naman ang ginawa ko."

Tinapik nya ang balikat ko, "naniniwala naman ako na kung kayo, kayo talaga. Gagawa ng gagawa ng paraan ang tadhana para mapaglapit ulit kayo," she winked at me. "O sya, una na ako. Ingat kayo dito." tumango naman ako at ngumiti. Hinatid ko sya dito sa airport at maya-maya lang, tinawag na ang flight nya. Nagpaalam sya sa akin at niyakap ako sa huling pagkakataon.

Bumuntong hininga ako at sumakay sa motor ko, may lisensya na naman ako e.

Habang pauwi ako, ang daming gumugulo sa isipan ko. Miss na miss ko na din si Irene. Ang bigat ng pakiramdam ko. Hindi ako komportable. Kamusta na kaya sya?

Nasa ganung pagiisip ako ng magulat ako ng biglang may truck na makakabangga ko pala. Ang bilis pa magpatakbo ng truck. Huli na bago ko maiiwas ang kotse at napapikit nalang ako ng sumalpok na ako sa truck.

*BEEEP*

Ramdam ko nalang ang pamamanhid ng katawan ko at unti unti ng nagdilim ang paningin ko.

"AAAAAH ANG SAKIT!"
naiiyak na ako sa sakit, parang may martilyong pumupukpok sa ulo ko. Napadilat ako at nakita ko si Yeri, Joy at Wendy na nandito. Pagaalala ang mababanaag mo sa mukha nila. Inikot ko ang tingin ko at nakita ko si Krystal, nakatingin din dito sa akin at kasama pa din nya ang babaeng mukhang lalaki na tumawag sa kanya kanina.

Tuluyan na akong napaiyak, "Irene.."

"S-seulgi? O-ok ka lang?" tanong ni Wendy, hinawakan nya ang mukha ko. Kita kong madami na ding tao ang pinagtitinginan kami. Malamang, gumawa ako ng eksena kanina nung sigaw ako ng sigaw sa sakit.

"W-wendy...gusto kong makita si Irene." Mahinang bulong ko sa kanya.

nakakaalala na ako.

+++

ang haba na nito ah. 😂

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now