twenty-three

722 25 13
                                    

oh yeah

-+-+-

"Seulgi!"

"Y-yeah?"

"Oh, sorry. Tulog ka pala? Kailangan ko kasi ang tulong mo!"
sigaw naman nya. Agad akong bumangon mula sa pagkakahiga ko sa couch. Nakatulog pala ako. Aish.

"H-ha? Ano yun?"
agad akong tumayo at lumapit sa kanya na kasalukuyang nagluluto ngayon.

"Kasi hindi ko pa pala nahihiwa ang mga gulay na iba. Nakalimutan ko. Eh hindi ko naman maiwanan to, kailangan ko na din isahog yung ibang gulay. Pwede bang ikaw nalang ang maghiwa?"
tanong naman nya sa akin.

Ngumiti ako,
"Sure."
mabuti nga yun at ng may maitulong naman ako. Nakakahiya kasi e.

wao, Seulgi, may hiya ka pa pala?

Shut up. Malamang meron.

Lalo na at si Irene to. Irene fucking Bae. Yung taong gusto ko!

Nagsimula na akong maghiwa. Buti nga at maayos naman ang paghihiwa ko. Mabilis naman ako matuto sa mga ganyan. Marunong ako maghiwa. Pero wag lang talaga ako paglulutuin ng ako lang kung ayaw mong masunog kusin mo.

"Seulgi?"
tanong nya sa akin habang naghahalo. Nabigay ko na sa kanya ang mga hiniwa kong gulay. Ayt, hindi ko pala alam kung anong niluluto nya. Hayaan na nga.

"Yes?"
wao. Para kaming mag-asawa sa lagay namin. Nagluluto sya habang ako nakatingin lang habang nasa likod nya. Kulang nalang hawakan ko sya sa bewang e.

jusq ka, Seulgi.

"Tikman mo to."
ngumiti sya at kumuha ng kaunti sa niluluto nya gamit ang kutsara. Napangiti ako habang tinitignan sya na hinihipan ang kutsara. Nakangiti din nyang sinubo sa akin ang kutsara. Napangiti ako lalo ng malasahan ang niluluto nya.

damn ang sarap.

"Kamusta? Masarap?"

"Super."
nakangiting sabi ko kaya napangiti din sya.

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now