fifteen

873 32 0
                                    

"Kang Seulgi," tawag nya sa akin at huminga ng malalim, "pupunta naman tayo sa Han River." sabi nya sa akin.

Kumunot ang noo ko, "bakit? Anong meron sa Han River?" I asked her but she just smiled na parang ayaw sagutin ang tanong ko. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

+++

"HAAAA! ANG SARAP TALAGA NG HANGIN DITO," masayang sabi ni Irene habang nakaopen arms pa na parang si Rose sa titanic. Napatawa nalang ako dahil para syang bata.

"Now, tell me, bakit tayo nandito?" I asked her, again

Tinignan naman nya ako. "Kasi sumakay tayo?" inosenteng tanong nya. Seryoso ba sya? Inaasar ata ako nito e.

"Seriously?" sabi ko kaya naman napatawa sya. Aish.

"Basta! Mahalaga ang lugar na ito sa atin!" she shouted then smiled. Umupo kami sa bench at malakas talaga ang hangin ngayong oras na to. Napapikit nalang si Irene habang dinadama ang hangin.

Napapangiti nalang ako habang nakatingin sa kanya. ang ganda nya talaga.

"Irene.." tawag ko sa kanya kaya naman napadilat sya at napatingin sa akin.

"Hmm?"

"May magagawa ka ba kung unti unti na akong nahuhulog sayo?" tanong ko sa kanya kaya naman nagulat sya.

"N-nakakaalala ka na?" she asked me.

Umiling ako at ngumiti ng kaunti, napayuko nalang din ako. "Hindi kita gusto bilang dating Seulgi. Gusto kita bilang ako ngayon." seryosong sabi ko sa kanya, nakayuko ako kaya hindi ko makita ang reaksyon nya. "Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong ito, Irene. Pero isa lang ang sure ako...." huminga ako ng malalim, "Im falling for you."

+++

tada, nakapagupdate din. 😂😂😂😂

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now