twenty-one

753 30 2
                                    

+++

"Hahahaha!"
natatawa ako dahil sa mga pinagkekwento ni Irene. Kinekwento nya sa akin yung ibang kalokohan na ginagawa ko dati. Yung mga funny moments daw namin at nakakatawa talaga.

Papunta na kami dun sa lugar kung saan ako dadalhin ni Irene. Aish, saan na naman kaya yun. Naglalakad lang kami dahil malapit lang naman daw. Hawak hawak nya ang kamay ko kaya naman todo ang dasal ko na sana hindi mamawis yun.

Tumigil kami sa tapat ng isang gate. May nakalagay pa sa gate na for seulrene only.

"A-ano to?"
tanong ko, anong ginagawa namin dito? Weird.

"Ang lugar na to...ay ang regalo mo sa akin nung first anniversary natin."

Nanlaki ang mga mata ko. Weh? Ibig sabihin, sa amin tong lugar na to?

Ngumiti sya sa akin,
"Tara. Pasok tayo."
pinisil nya ang kamay ko at binuksan ang gate. Nakita kong may susi sya. Oh well, sabagay, sa kanya na ito dahil regalo ko nga daw sa kanya diba?

Hinila nya ako papasok at namangha ako sa nakita ko. Isa itong malaking lupain. Tapos may tree house dun na malaki at mukhang matibay. Tapos may playground pa at may fountain. May isa pang part dun na parang isang malaking dingding tapos nakadikit yung mga picture naming dalawa...ni Irene.

Ang dami pala talaga naming pictures dati.

Familiar sa akin ang lugar na to pero kahit anong pilit ko, wala pa din talaga akong maalala.

"Ang ganda dito noh?" nakangiting tanong nya, pinipisil pisil pa nya ang kamay ko.
"Sinabi mo sa akin na kaya maganda dito dahil maganda din ako," she chuckled.

Napakamot ako sa batok ko, "m-maganda nga dito."

"Ow! Pasok tayo sa tree house."
sabi naman nya at hinatak ako dun sa tree house. Umakyat kami at medyo mahirap nga umakyat. Si Irene naman, sanay na sanay na dahil hindi sya nahirapan. Mukhang lagi syang nandito.

Namangha na naman ako sa loob ng tree house, may couch pa. May TV. May ref. Ang daming laman! Parang normal na bahay lang. Ang laki nga e.

"Dito tayo madalas tumambay dati. Pero simula nung mawala ka noon, ako nalang magisa." ngumiti sya ng malungkot kaya naman nainis ako sa sarili ko. Hindi nya deserve na maging malungkot. Naiinis ako sa sarili ko dahil ako ang dahilan ng kalungkutan nya.

Tumingin sya sa mga mata ko at ngumiti,
"Pero nandito na naman ngayon diba? Kasama ulit kita. May kasama ulit ako."
she smiled. In instant, naging masaya ang mata nya.
Napangiti nalang din ako habang nakatingin sa kanya.

"Sasamahan kita, Irene. Hindi na kita ulit iiwan."
bulong ko at alam kong narinig nya dahil napangiti sya ng matamis.

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now