nineteen

807 29 6
                                    

"Busy ka ba?"

Napaangat ako ng tingin at nakita ko si Irene na may dala dalang pizza sa kaliwang kamay nya at ang kanang kamay naman ay may hawak hawak syang candy.

Medyo tumaas ang kilay ko dahil nandito lang naman kami sa garden ng school at halata namang wala akong ginagawa kundi tumambay lang dito.

"Hindi." sabi ko at tumingin sa kanya,
"Bakit?"

"Wala lang."
sabi nya at tumabi sa akin. Binuksan nya ang pizza at kumuha ng isang slice.
"Kain tayo."

Hindi na ako nagpakipot dahil nagugutom na din naman ako at gusto ko din ng pizza. Kumuha ako ng isang slice at nagsalita, "diba sabi mo may pupuntahan tayo mamaya pero hindi yun kasama sa project natin?"

"Yeah."
sabi naman nya habang nakatingin sa langit. Ngumunguya pa sya at nababaliw na ata ako dahil pati pagnguya nya, cute sa paningin ko.

"Irene."

"Hmm?"

"Kung makakaalala ba ako, mapapatawad mo ako?"

Napatingin naman sya sa akin ng sabihin ko yun. Ngumiti pa sya.
"Napatawad na kita, Seulgi. Kahit na hindi ka pa nakakaalala, napatawad na kita. At iintayin ko na makaalala ka na. Iintayin ko na magpaliwanag ka kung bakit mo nagawa sa akin yun."

"Ganun ba talaga ako kasama noon?"
nalungkot ako knowing na nasaktan ko ang maganda at mabait na babaeng to sa harap ko.

Umiling sya at hinawakan ang kamay ko, binigyan nya ako ng matamis na ngiti.
"Hindi ka masama, Seulgi. Hindi ka lang marunong makuntento."

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now