five

1.1K 36 6
                                    

"Mommy bear, sino ba si Irene?"
tanong ko sa mama ko dahilan para matigilan sya. So kilala nya din si Irene huh.

"Uhm.." nagisip pa sya ng sasabihin nya, "Sabihin na nating special sya sayo."

"Special? Ano yun? Siopao?" biro ko dahilan para mapatawa si mama.

"Basta, anak. Espesyal kayo sa isa't isa at sobrang mahalaga talaga sya sayo."

Kumunot naman ang noo ko, "Bakit hindi ko sya maalala kung special sya sa akin?"

She sigh, "Kasi anak... nagkaroon ka ng selective amnesia. Kung sino yung iniisip mo bago ka maaksidente, sya yung makakalimutan mo. So si Irene nga ang nakalimutan mo dahil sya ang huli mong iniisip nun,"

Pinaglaruan ko naman ang daliri ko. "Seriously? Eh bakit sya ang iniisip ko bago ako maaksidente? Ano bang nangyari? Tsaka ganun ba sya kaespesyal sa akin?"

Napangiti si mama. "Sabi ng doctor, wag muna daw biglain ang utak mo. Mas magandang ikaw na ang makaalam sa sarili mo, anak. Tsaka... special talaga si Irene sa iyo. Kung alam mo lang," nakangiting sabi nya at nagpatuloy na sa paghihiwa ng gulay.

Nacucurious talaga ako sayo, Irene.

---

hey there, what's up? Umuulan dito haha. Dyaan ba?

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now