thirty-four

866 27 10
                                    

Habang nagdadrive ako papuntang bahay ni Irene, naaalala ko na ang lahat kung bakit dun sa tatlong lugar na iyon ako dinala ni Irene.

unang una, doon sa park.

Sa park na iyon, doon naging kami. Sobrang mahalaga sa amin ang lugar na yon at madami kaming memories na nabuo dun. Dun din kami pumupunta pag problemado kami. Sobrang mahalaga sa amin ang lugar na iyon.

pangalawa, ang han river.

Naaalala ko na kung bakit ako doon dinala ni Irene. doon, doon ako nagpropose sa kanya. Oo, masyado pa kaming bata, pero pinangako ko na ang sarili ko sa kanya at nangakong pag natapos kami ng pag-aaral, agad kaming magpapakasal.

pangatlo, ang simbahan.

Kaya pala pumunta kami doon sa simbahan na yun. Ngayon alam ko na. Sobrang mahalaga nga sa amin yun. Dun kami nagpakasal. Oo, nagpakasal. Sa priest lang at hindi naman madami ang tao. Kami kami lang. Naisipan namin na magpakasal na ni Irene, dahil sure naman kami na kami na ang magkakatuluyan dati. Ang bata pa namin diba?

hindi ko alam na may asawa na pala ako.

pinagtaksilan ko ang asawa ko.

but I still love her. yeah, my wife.

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now