seven

1K 29 1
                                    

"Stupid, stupid, Kang." sabi ko at hinampas ang ulo ko, "bakit ba wala kang maalala? Tangina naman, o." naiinis na sabi ko. Ano ba talaga ang ginawa ko kay Irene at labis ang galit nya sa akin? Sino ba talaga sya sa buhay ko? Tsaka sinong Krystal? What the--- cheater ba ako noon? Bakit sinasabi nyang niloko ko sya?

"Hoy, Seulgi. Bakit pinapalo mo yang ulo mo? Nasisiraan ka na ba?" napatingin ako kay Wendy ng sabihin nya yan. Oo, Wendy. Nasisiraan na ako ng bait dahil, dahil--- kay Irene.

"Wendy, sabihin mo nga sa akin, gaano ako kasama noon?" tanong ko sa kanya. Halatang hindi nya inaasahan ang tinanong ko pero agad din naman nyang sinagot.

"Mabait ka mula dati pa, Seulgi." sabi nya at ngumiti.

"P-pero bakit niloko ko daw si Irene?" tanong ko ulit sa kanya.

Bumuntong hininga naman sya,
"Hindi ata tamang ako ang magsabi nyan sayo. Wag mong madaliin ang sarili mo. Maaalala mo din naman yan e. Sabi ng doctor, wag kang bibiglain kaya naman wag mong pwersahin ang sarili mo na maalala ang nangyari sa inyo ni Irene." sabi nya at tinapik ang balikat ko.

Napayuko ako...
but I really want to know.

**

good afternoon, ang init grave.

fuck it // seulreneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora