thirty-one

776 24 7
                                    

almost is never enough.

+++

"Seulgi! Tara! Gala tayo!"
ngumiti si Wendy sa akin, "uhm, sama natin si Joy at Yeri!"

Kumunot naman ang noo ko. "Sure ka bang gusto mo silang isama? E uubusin lang ng dalawang yan ang pera natin!"

Nagsalubong naman ang kilay ni Yeri, ang tapang, o. "Ano yun, Seulgi unnie?! Grabe ka sa amin, a! Ganun ba talaga ang tingin mo sa amin?!"

"Actually, ganun na nga," natatawang sabi ko kaya lalo syang napasimangot.

"Oo na!"

"Sige, tara na. Wag na kayong mag-away dyan! Libre ko naman e!" sabi naman ni Wendy kaya naman pumalakpak ang tenga ng dalawang maknae.

"Naks! Ang bait naman ni Wannie unnie! Ano nakain mo?"
tanong naman ni Joy.

"Wala akong nakain! Mabait ako dahil good mood ako! At pag ako, ininis nyo, baka magbago pa ang isip ko!" sabi naman ni Wendy. Dali-dali namang tumayo ang dalawa.

"Tara na, unnie!"

Napailing naman ako. ang tatakaw talaga.

+++

"Seulgi! Punta muna kami dun sa starbucks! Dito ka nalang, bantayan mo gamit natin!" sabi ni Wendy habang nakaupo ako dito sa bench sa may mall. Tumango naman ako habang kumakain ng pringles.

"O sya, tara na, kids!"
sabi pa ni Wendy na para bang sya ang nanay ni Yeri at Joy sabay alis.

Kumakain lang ako hanggang sa may taong tumawag sa akin,
"Seulgi?"

Inangat ko ang aking tingin at kumunot ang noo ko ng may makita akong babae na nakatingin sa akin at nakatayo sa di kalayuan. Sya ata ang tumawag sa akin.

pamilyar ang mukha nya.

"U-uh...s-sino ka——"
hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil may tumawag sa babaeng tumawag sa akin.

"Krystal babe!"
tawag ng isang lalaki—uh, babae pala na maiksi ang buhok. Lumapit sya dun sa babaeng tumawag sa akin at inakbayan ito.

Nanlaki naman ang mata ko ng marealized ko ang pangalan nung babaeng tumawag sa akin.

W-wait...Krystal?

Nakatingin pa din sa akin yung Krystal at naramdaman ko nalang ang pagsakit ng ulo ko kaya napapikit nalang ako.

fuck it // seulreneWhere stories live. Discover now